051

102 4 0
                                    

"Oh hi, Youngmin." Nakangiting bati ni Chaeyeon nang makita niya si Youngmin na nakatayo sa harap ng bahay nila.

"Mag-usap tayo." Seryosong sabi nito at hinatak siya papunta sa isang park na malapit sa tinitiran niya.

"Anong ginawa mo, Chaeyeon?"

"Wala akong ginagawa." Sagot niya. Wala siyang nararamdamang takot ngayon, hindi na siya natatakot dahil alam naman niyang hinding hindi siya kayang saktan ni Youngmin. "If tungkol kay Chungha yan bakit ba ako ang tinatanong mo? Kasalanan ko bang insecure siya?"

"so ikaw nga ang may kagagawan?" Nakangising sabi ni Youngmin. Hindi siya makapaniwala na makakayang gawin ni Chaeyeon ang mga ganung bagay.

"Ilang beses ko ba sasabihin sa'yo na I didn't do anything?!"

"Eh kung hindi ikaw, sino? Wag mo akong gawing tanga, Chaeyeon." Natawa nalang siya sa sinabi ng binata.

"So sinisisi mo nga ako. Well, fuck it. Kung hindi ka rin naman babalik sa akin bakit hindi nalang tayo maging miserable pare-parehas? I heard umalis na raw si Chungha, do you think na may chance parin na bumalik siya sa'yo Youngmin?"

"Hindi ko akalain na ganito ka." Bakas sa boses ni Youngmin ang disappointment, lalo na dahil sa sinabi ni Chaeyeon. "Hindi ko alam na ganito ka ka-selfish. Hindi na ikaw ang Chaeyeon na nakilala ko noon. Nakakadisappoint ka." Naiwan na nakatulala doon si Chaeyeon.

"I know, lagi ka namang disappointed sa nagiging desisyon ko diba?" Narinig ni Youngmin ang sinabi ni Chaeyeon pero nagtuloy tuloy lang siya sa paglalakad.

Expected na ni Chaeyeon na magiging ganito ang sitwasyon. Ever since that day na iniwan niya si Youngmin noon, she could always feel that she gave him a big disappointment.

Pinili lang naman niya ang pangarap niyang maging singer over Youngmin. Sinubukan narin naman niyang makipagbalikan sa binata maski noong nasa Seoul na siya pero si Youngmin na mismo ang umiiwas sa kanya.

Doon niya nalaman na may Chungha na pala sa buhay nito, she still loves him, pero nabulag narin siya word na love. Late na niya narealize na may nasasaktan na siya.

"Hanggang kailan mo ba papahirapan ang pinsan ko?" Napalingon si Chaeyeon kay Woojin na nakatayo malapit sa kanya.

"I'm giving up, Park Woojin." She gave him a faint smile bago siya naglakad palayo sa binata.

With all the sacrifices that she made, tanging disappointment lang ang nakuha niya.

"Don't worry, pakisabi sa kanya na aayusin ko ang gulo na ginawa ko."

"Dapat lang na ayusin mo, dahil hindi ko na kayang makita pa ulit na ganun si Hyung."

Napayuko nalang siya nang marinig ang sinabi ni Woojin. Bigla nalang niya naisip na ganun na ba talaga siya katagal nawala Busan?

Alam niyang hindi niya nakita kung anong nangyari kay Youngmin after niyang iwanan ito, pero nakita niya ang malaking pagbabago nito nang makilala ni Youngmin si Chungha.

And cause of that, she just realized that she should just step back and give way to those two.

Dahil kahit saan mo anggulo tignan ay siya na ang talo sa laban na pilit nang nilalabanan.

As if it's your last | MXM • IYMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon