010

189 10 3
                                    

Maaga palang ay nasa labas na agad ng dorm nina Youngmin si Chungha. Sinadya niya talagang agahan dahil baka matakasan nanaman siya nito. Kailangan talaga niyang makumbinsi itong pumasok dahil siya nanaman panigurado ang pag-iinitan ng teacher nila.

Hindi rin naman siya matagal naghintay dahil isang chat niya lang kay Daehwi ay pinagbuksan na agad siya nito ng pinto.

"Goodmorning." Nakangiting bati ni Chungha kay Daehwi. Nginitian lang siya nito at pinaupo siya sa sofa nila dahil sinusubukan parin daw kasing gisingin nina Woojin at Donghyun si Youngmin.

Simple lang ang dorm ng magpipinsan, sakto lang sa kanila at malinis, siguro dahil si Daehwi ang nakatoka sa paglilinis.

"Noona, pasensya na pero ayaw parin magising ni hyung." Sabi ni Woojin sa kanya habang napapakamot ito sa ulo.

"Nasan ba yung kwarto niya?" Tanong ni Chungha na siyang ikinagulat nang tatlo at sabay sabay nilang itinuro ang isang pinto na may alpaca sticker pa.

Dahan dahang pumunta doon si Chungha habang may bitbit siyang isang baso ng malamig na tubig. Madalas iyong ginagawa sa kanya ng kuya niya dati kaya at lagi siyang nagigising nang basa. At ngayon susubukan niya iyong gamitin kay Youngmin na tulog na tulog parin habang yakap yakap ang isang alpaca doll.

Tahimik namang nakasunod sa kanya ang tatlong magpipinsan, back up daw ika nga. Natatakot din kasi sila dahil baka masaktan ni Youngmin si Chungha oras na ibuhos nito ang tubig.

Nang makarating na si Chungha sa gilid ng kama ni Youngmin ay dahan dahan nitong inalis ang kumot na nakatakip sa mukha nito, syempre sa tulong din nina Donghyun at Woojin. Mukhang naeenjoy din naman sila sa gagawin ni Chungha sa pinsan nila.

Dahan dahang ibinuhos ni Chungha ang tubig sa mukha ni Youngmin nang may ngiti sa labi. Doon niya lang napagtanto na ganun pala ang sayang nararamdaman ng kuya niya tuwing ginagawa iyon sa kanya.

"UMUULAN!" Sigaw ni Youngmin nang maramdaman niya ang malamig na tubig na bumagsak sa mukha niya. Nang napatingin siya sa gilid niya ay may nakita siyang taong ulan, ayon sa kanya.

Oo, si Chungha ang tinutukoy niya.

"ANONG GINAGAWA MO DITO?" Sigaw ni Youngmin pero pinagtaasan lang siya ng kilay ni Chungha. Tinignan niya ng masama ang mga pinsan niya pero puro mga nagkibit balikat lang ang mga ito.

"Fine, lumabas na kayo. Magbibihis na ako." Nakapikit na sabi ni Youngminkaya napatango sina Chungha at lumabas ito ng kwarto.

Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya na sinira ng isang taong ulan ang masarap na tulog niya para lang papasukin siya ng school. Pero para umalis na ito sa pamamahay nila ay sinunod din niya ang gusto nitong mangyari.

Ngiting ngiti naman sina Woojin kay Chungha nang dahil sa ginawa nito sa pinsan nila. "Alam mo bang ikaw ang unang babaeng gumawa non sa kanya?" Natatawang sabi ni Woojin.

"Hindi ko rin akalain na magagawa mo iyon kay Youngmin hyung. Pero ang astig mo talaga noona." Nagthumbs up pa si Donghyun sa kanya hindi tuloy niya mapigilan na maging proud sa sarili niya dahil sa ginawa niya.

Kahit naman kasi mukha siyang nerd at mukhang walang alam gawin sa buhay kundi ang mag-aral, kahit papaano naman ay mga kalokohan din siyang nagagawa. Syempre kanino pa ba siya magmamana kundi sa nag-iisa niyang kapatid na si Minhyun.

Napangiting wagi si Chunghanang makita niyang nakauniform na si Youngmin na hawak hawak ang bag nito, na sa tingin niya ang wala namang kalaman laman. Hindi tuloy niya alam kung anong ginagawang aral ni Youngmin at kung paano ito nakakapasa tuwing final term na.

Inirapan lamang siya ni Youngmin at nauna itong lumabas ng pinto kaya naman nagmamadali siyang nagpaalam kina Daehwi at sinundan si youngmin.

"HOY YOUNGMIN! HINTAYIN MO NAMAN AKO!" Sigaw niya nang makita niyang nasa may hagdan na si Youngmin at parang nasa isang metro na ang layo nila sa isa't isa.

Hingal na hingal tuloy siya nang maabutan niya ito. Napairap nalang ulit si Youngmin at inagaw niya ang bag ni Chungha at isinukbit din niya sa balikat niya, na siyang sobrang ikinagulat ng dalaga kaya natulala ito sa kanya.

"Tutulala ka nalang ba dyan?" Bored na tanong ni Youngmin kaya naman napabalik sa wisyo si Chungha at dali daling sumunod kay Youngmin.

Lihim na napangiti si Chungha dahil sa ginawa ni Youngmin, ngayon alam na niya kung bakit maraming nagkakagusto sa binata.

As if it's your last | MXM • IYMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon