019

164 6 1
                                    

Im Youngmin
Active Now

Youngmin: lumabas ka dyan, nandito ako sa labas ng bahay niyo.

Seen

Agad na napatakbo si Chungha sa may bintana upang silipin kung andon nga ba talaga si Youngmin sa labas ng bahay nila.

At halos manlaki ang mata niya nang makita niya nga itong nakatayo sa labas ng gate nila at may hawak hawak na isang box ng paborito niyang chicken.

Agad agad siyang tumakbo sa cr para mabilis na maghilamos at magsipilyo dahil well, kagigising lang niya at wala naman silang pasok talaga ngayon.

Youngmin: ya, bat ang tagal mong magbukas ng pinto?

Youngmin: chungha.. nangangawit na ako.

Seen

"Bakit ka nandito?" Tanong ni Chungha habang naghahabol pa siya ng paghinga dahil tumakbo lang naman siya mula sa kwarto niya hanggang sa gate ng bahay nila within 5 minutes.

"I'm bored." Nakapout na sabi ni Youngmin, napakunot nalang tuloy ang noo ni Chungha. Hindi niya kasi akalain na marunong palang magpacute si Youngmin.

"Heol.. you're bored kaya napagdesisyunan mong tumambay dito?" Gulat at the same time nagtatakang tanong ni chungha bago niya binuksan ng mas malaki ang gate nila para makapasok si Youngmin.

"Ikaw ang first guy na nakatungtong dito sa bahay namin aside from my oppa's justice league friends." Nagulat naman si Youngmin dahil sa sinabi ni Chungha. "Atsaka wala rin naman akong kaibigang lalaki, ikaw ang una if we consider this as friendship."

With that heart fluttering words, napangiti si Youngmin at ginulo ang buhok ni Chungha. "Ofcourse, we're friends."

"So bakit ka nga napunta dito? Magaadventure ba tayo?" Nakangising tanong ni Chungha habang kumakain sila ng chicken na dala ni Youngmin.

"Magbihis ka, we're off to somewhere." Napakunot ang noo ni Chungha dahil sa sinabi ni Youngmin. Pero sumunod parin naman siya dahil nacucurious din siya kung saan siya dadalhin ni Youngmin this time.

Isang simpleng jeans at tees lang ang suot niya, hinayaan niya ring nakabagsak ang buhok niya at hindi rin siya nagsalamin ulit. Hindi rin naman kasi ganun kalabo yung mata niya kaya keri lang.

Busy si Youngmin sa panonood ng basketball nang matapos magbihis si Chungha.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ni Chungha pero hindi siya sinagot ni Youngmin kaya tahimik nalang niyang pinanood ang mga punong nadadaanan nila.

At halos manlaki ang mata niya nang makita niyang sa isang dance studio pala sila pupunta. "Surprise?" Nakangising sabi ni Youngmin sa gulat na gulat na si Chungha

Hindi na nakapagpigil pa si chungha at napayakap siya ng di oras kay Youngmin. Nagulat naman ang binata sa biglang pagyakap sa kanya kaya napahigikgik nalang siya. "You're that happy ha?" Hinampas ni Chungha ang braso nito kaya mas natawa si Youngmin.

"Alright, pumasok na tayo sa loob." Inilahad ni Youngmin yung kamay niya kay Chungha. At kahit nagdadalawang isip pa siya at tinanggap narin naman niya.

Ilang taon nang hindi nakakapunta si Chungha sa isang dance studio. Simula kasi nung pagbawalan siya ni Minhyun ay hindi narin niya sinuway ang kuya niya.

"Nagsasayaw ka din ba?" Tanong ni Chungha kay Youngmin kaya pinagtaasan siya nito ng kilay.

"So you're doubting me now?"

"Fine, show me." Naghanap ng random song si Chungha sa phone niya at pinatugtog ito.

Nanlaki ang mata niya nang mag-umpisa nang magsayaw si Youngmin. At halos hindi na siya makahinga sa katatawa dahil doon.

Oo, yung alpaca dance ang sinayaw niya kaya halos mamatay na sa katatawa si Chungha

"What the f Youngmin! Hahahahahahaha!" Halos napahiga na nga si Chungha dahil sa katatawa.

"What? Ang cute diba? Tinuro sa akin ni Donghyun yan." Proud pa nitong sabi. Lumapit siya kay Chungha at nagulat naman ang dalaga nang ikinulong siya sa bisig nito habang nakahiga siya sa sahig.

Napatitig siya sa mga mata ng binata at doon niya lang narealize na gwapo nga ito. May dahilan kung bakit ito hinahabol ng mga babae.

"Oh bat natahimik ka?" Nakangising tanong ni Youngmin that made Chungha really really jinjja heol wanjeon speechless. "Show me what you got, Chungha." Tinulungan pa siya ni Youngmin na makatayo. At this time siya naman ang namili ng kantang sasayawin ni Chungha

Syempre nung una kinakabahan si Chungha, dahil ngayon lang ulit siya magsasayaw at may audience pa siya---which is Youngmin.

Pero agad din naman nawala yung kaba niya nang mag-umpisa siyang magsayaw.

Hindi maipagkakaila na napahanga ni Chungha si Youngmin. Dahil bawat moves na ginawa niya ay nakatitig lang sa kanya ang binata.

At isa lang ang alam niya, sobrang bumilis ang tibok ng puso niya nang magtagpo ang mga mata nilang dalawa.

As if it's your last | MXM • IYMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon