032

129 5 0
                                    

"So little girl, how was your date with Youngmin?" Tanong ni Daniel oppa sa akin, siya palang kasi ang gising sa kanila kaya kami palang ang nasa living room at nanonood ng tv.

"Kailan mo ba ako titigilan sa pagtawag ng little girl oppa?" Natawa lang siya sa sinabi ko at ginulo pa ang buhok ko. "By the way, sabi ni kuya broken ka raw?"

"Oo. Haha." Napakamot pa siya sa ulo niya. "Ang hirap kasi magmahal ng artista." Sinamaan ko lang siya ng tingin, baka kasi pinagtitripan niya lang ako. Pero nakita ko sa mata niya na seryoso siya at hanggang ngayon ay nasasaktan parin siya.

"Oppa." Napalingon siya sa akin. Gusto ko ikwento sa kanya yung pagchachat sa akin ni Chaeyeon. Of course kilala ko si Jung Chaeyeon isa siya sa famous sa school eh. I found it weird kasi na alam niya ang tungkol sa panliligaw ni Youngmin sa akin at bakit naman niya ako babalaan diba?

"Oh?"

"Promise me na hindi mo to ikukwento kay kuya." Tumango naman siya sa akin. Isa kasi si Daniel oppa sa mga pinakaclose ko sa mga kaibigan ni kuya. Halos nakita na nga ata ako nitong lumaki eh. "Alam mo naman yung kay Youngmin diba? May nagchat kasi sa akin, i don't know kung kilala mo si Jung Chaeyeon but she's quite famous sa school. And she warned me about Youngmin--na baka niloloko at pinaglalaruan lang daw ako ni Youngmin. Oppa, anong gagawin ko?"

"Know what, little girl. Wag kang makinig sa sinasabi ng iba. From what I see, talagang gusto ka ni Youngmin. Hindi naman siya gagawa ng mga imposibleng bagay kung hindi ka talaga niya gusto. He wont dedicate his life para lang iparanas sayo yung mga bagay na hindi mo magagawa. Just trust Youngmin okay? Don't get swerved sa sinasabi ng iba." Pinat pa niya ang ulo ko kaya agad ko ring pinalo yung kamay niya. "Aigoo, our little girl."

"Thankyou oppa."

"No probs." He smiled.

As if it's your last | MXM • IYMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon