046

116 6 0
                                    

Halos araw araw na laging magkasama sa school sina Chungha at Youngmin. At syempre hindi maiiwasan doon na magkaroon ng mga chismis na baka sila na nga.

Pero syempre tinatanggi parin nila iyon tho alam nila sa puso nila na gusto nila ang isa't isa. They're just enjoying their moments together.

"Oppa, what if dumating yung araw na paghiwalayin tayo?"

"Hindi ako papayag na mangyari yun Chungha. Hinding hindi ako papayag." He kissed her forehead. Masaya si Chungha na alam niyang hinding hindi siya hahayaan ni Youngmin na maiwan mag-isa.

Pero kahit na ganun natatakot parin siya.. natatakot parin siya na baka isang araw bigla nalang dumating yung araw na iwanan din siya ni Youngmin.

She's not perfect and she knows that. Ang dami niyang flaws at alam niyang walang wala siya kay Chaeyeon, ang ex ni Cloud na bumabalik pa. Pero siya ang pinili ni Cloud, she should be proud of that pero hindi niya magawa dahil sa insecurities na nararamdaman niya towards Chaeyeon.

"Bes naman kasi, ilang beses na namin sinabi sayo diba? Ikaw na ang gusto ni Youngmin. Bat ba nagdadoubt ka parin?" Naiinis na sabi ni Somi sa kaibigan.

Isa iyon sa pinakagusto nilang mabago ni Chungha. Kahit sila nafufrustrate tuwing ganun ang kaibigan nila. "Alam ko naman iyon. Hindi ko lang maiwasan na matakot na baka isang araw magising nalang ako na baka piliin na niya si Chaeyeon over me."

Hindi nila alam na naririnig pala iyon ni Chaeyeon at palihim siyang natutuwa sa mga nalaman niya kay Chungha. Hindi siya makapaniwala na napakalaki pala ng insecurity nito sa kanya.

"Iyon lang pala ang katapat mo, Hwang Chungha."

As if it's your last | MXM • IYMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon