024

152 9 1
                                    

"SURPRISE!-------OH MY GOD!!" Napadilat ng bahagya si Youngmin para tignan kung sino ba yung sumigaw.

Nang makita niyang ang sunbae lang niyang sina Jaehwan lang pala ang pumasok ay pinagpatuloy lang niya ang pagtulog niya habang si Chungha ay mahimbing parin na natutulog sa may hita niya.

"WHAT THE F----" Sisigaw na sana si Minhyun dahil sa dalawang tulog na tulog parin at parang walang pakielam sa pagdating nila pero natakpan agad ni Jonghyun yung bibig niya kaya napasimangot lang ito.

"Hayaan muna natin sila matulog, mukhang puyat na puyat sila eh." Sabi ni Jonghyun habang pinagmamasdan yung dalawa.

Walang kaalam alam si Chungha na pinapanood sila ng kuya niya at ng mga kaibigan nito na para bang nasa isang movie sila. Kaya halos napasigaw siya nang makita niya ang kuya niya na titig na titig sa kanya at nakataas pa ang kilay nito.

Nagising din tuloy si Youngmin dahil sa sobrang lakas ng sigaw ni Chungha. "Bakit di mo ko ginising?!"

"What? Nakatulog din ako. Akala ko nga panaginip lang na nakita ko si Jaehwan sunbae na pumasok ng bahay niyo eh." Nakasimangot na sabi ni Youngmin.

"Sooooo, Im Youngmin, anong ginagawa mo dito sa bahay namin?" Seryosong tanong ni Minhyun. Napaupo naman ng maayos yung dalawa dahil alam ni Chungha na medyo galit ang kuya niya.

Naalala niyang hindi pa nga pala alam ng kuya niya ang buong storya kung bakit sila laging magkasama ni Youngmin nitong mga nakaraang buwan.

"Kuya." Tawag ni Chungha pero tinitigan lang siya nito ng masama kaya napashut up nalang siya.

"Ahm, sunbae, dahil nandito ka narin naman. Gusto ko sanang magpaalam sayo.. pwede ko bang ligawan si Chungha?"

Napuno ng sigawan galing sa barkada ng kuya niya ang buong bahay at si Chungha naman ay halos maestatwa dahil sa sinabi ni Youngminsa kuya niya.

"Alam kong ayaw mo sa akin, sunbaenim, pero ipapangako ko sayo na hindi ako gagawa ng kahit anong makakasakit kay Chungha." Hinawakan pa ni Youngmin ang mga kamay ni Chungha kaya lalo itong na-speechless.

Napabuntong hininga nalang si Minhyun dahil hindi niya talaga alam kung anong irereact niya. Wala narin naman siyang magagawa kaya pumayag narin siya. "Basta tutuparin mo ang pangako mong hinding hindi mo sasaktan si Chungha. Dahil oras na sinaktan mo siya, hindi ka na sisikatan ng liwanag."

Napangiti naman si Chungha dahil sa sinabi ng kuya niya. "At pagsinaktan mo tong si Chungha kasama rin kami sa makakalaban mo." Singit ni Ong kaya lalong napangiti si Chungha. Perks of having many oppas.

Napatingin siya kay Youngmin na ngayon ay nakikipagkwentuhan na kina Daniel.

Kakasabi lang niyang wag silang mahulog sa isa't isa, pero heto siya nasa bingit na talaga siya ng pagkakahulog.

As if it's your last | MXM • IYMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon