055

115 4 0
                                    

"Chungha?"

Nagulat pa si Chungha nang makita niya si Chaeyeon na nasa kabilang table lang pala. Mag-isa siyang naglalunch ngayon dahil well, wala pa rin naman siyang mga bagong friends sa bagong school na pinasukan niya.

"Chaeyeon?" Nagtataka niyang tanong. Gustong gusto na sana niyang magpanic dahil baka awayin siya ng dalaga pero nawala ang worries niya nang lumapit ito ng nakangiti sa kanya.

Hindi nga lang niya alam kung totoo ba yung ngiting binibigay ni Chaeyeon ngayon sa kanya.

"Nandito ka lang din pala sa Seoul, alam mo bang hinahanap ka ni Youngmin hanggang ngayon?"

"Bakit mo sinasabi yan sakin?"

"Chungha matagal na akong sumuko kay Youngmin. Una palang talo narin naman ako eh. Kaso ayoko lang tanggapin na ikaw ang pinili niya." Nakita ni Chungha kung gaano kamahal ni Chaeyeon ang binata, kahit kasi noong hindi pa man niya gaanong kakilala ang dalawa kitang kita na niyang kung gaano kamahal nung dalawa ang isa't isa.

Kaya isa siya sa mga nagulat nang malaman niyang nagbreak yung dalawa at umalis si Chaeyeon.

Kaya ganun din ang laki ng doubt niya sa sarili niya at sa kung anong meron sila ni Youngmin ngayon. Dahil nakita niya kung gaano minahal ni Youngmin si Chaeyeon dati.

"Mahal mo siya diba?" Napatingin si Chungha sa mga mata ni chaeyeon na ngayon ay titig na titig sa kanya.

Yumuko siya at dahan dahan siyang tumango. "Then mapag-ayos ka na sa kanya. Make him happy."

As if it's your last | MXM • IYMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon