045

121 6 0
                                    

"Youngmin, hanggang kailan mo ba ako iiwasan?" Pangungulit ni Chaeyeon na kanina pa sinusundan si Youngmin. First day of classes at hindi maiwasan na pagtinginan sila ng ibang estudyante dahil basically, pagpinagsama mo silang dalawa ay parang perfect couple na sila.

Well, ex couple naman talaga sila kaya hindi maiwasan ni Chungha na hindi magselos tuwing naririnig niyang pinag-uusapan si Youngmin at si Chaeyeon.

"Hanggang kailan ko rin ba sasabihin sayo na tigilan mo na ako? Tantanan mo na ako, Chaeyeon ." Inis na sabi ni Youngmin nang harapin niya ito.

"Sa tingin mo ganun ganun lang yon? Hindi ako basta basta sumusuko, Youngmin. Gagawin ko ang lahat para bumalik ka sa akin."

Huminto sa paglalakad si Youngmin at hinarap niya ito. "Hinding hindi na ako babalik sayo. Hindi ba ikaw ang unang nang-iwan?"

"I know! Kaya nga kita binabalikan eh. Youngmin! mahal na mahal parin kita hanggang ngayon!"

"I'm sorry Chae but I don't love you anymore." Seryosong sabi nito at iniwan niyang mag-isa doon si Chaeyeon.

Inis na inis naman si Chaeyeon dahil sa nangyari. Hindi parin niya matanggap na basta basta lang siyang iniwanan ni Youngmin nang dahil lang kay Chungha

"I'll make sure na sa akin ka parin babalik, Youngmin. Hindi ako papayag na basta basta ka lang maagaw sa akin ni Chungha."

As if it's your last | MXM • IYMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon