Really, I'll Just Waste Your Time

11.7K 67 7
                                    

Inuulit ko (para sa mga hindi nakabasa ng description) na hindi ito isang kuwento.

Ito ay ginawa ko para sa sarili ko bilang virtual diary o planner kung saan inilalagay ko ang kung ano mang maisipan ko---maaaring isang bagong plot, isang opinyon tungkol sa random na issue, o isang research finding.

May OC (obsessive-compulsive) personality traits ako (note: OC personality ha, hindi OC Disorder) at dahil doon hindi ako mapalagay na sa notebooks ko lang o sa blog ko lang nailalagay ang mga pumapasok sa isip ko. Kailangan ko rin siyang maisulat rito. Kasi pa'no 'pag nawala o nasunog ang notebook ko o 'di naman kaya ay nalimutan ko ang password sa blog ko? Mas mainam ng marami akong paraan para ma-retrieve ang mga write-ups ko.

Yes, gano'n ako kalala. Hayaan n'yo na lang ang kabaliwan ko.

Which brings me back to the matter at hand. Hindi n'yo kailangang patulan ang kabaliwan kong ito.

Sige na, 'wag niyo ng ituloy ang pagbabasa nito. Close this now and go find something else to read that is worthwhile.

Hindi kayo yayaman, tatalino, o gaganda sa pagbabasa nito. Wala kayong mapapala, ako na ang nagsasabi.

NakedWhere stories live. Discover now