Naked Life Update 2

200 10 1
                                    

Dati hindi ako nagla-log out sa Wattpad account ko. Pero kamakailan lang ay inuugali ko nang mag-log out kahit pa personal computer or phone ko ang aking ginagamit.

Kaya nang subukan kong mag-log in sa aking account three days ago, nagulat ako na hindi ko siya mabuksan. It keeps saying that the password is incorrect and that I have to reset it.

Siyempre, sinubukan ko uli mag-log in. Baka naduling lang ako sa pag-type ng aking password. I even checked the password I typed five more times before pressing "enter". Unfortunately, it yielded the same result.

Na-wierduhan ako sa pangyayaring 'yon. Pero sa huli, I brushed it off as something that was the effect of the latest app update, parang bug kumbaga. Kaya ni-reset ko na ang aking password. Nagawa ko namang mabuksan uli ang aking account.

But then, when I logged out and tried to enter once again, lumabas uli ang pop-up na mali ang password na nilagay ko at kailangan ko ulit i-reset 'yon. Kako parang lasing lang ang wattpad, tipong tinamaan ng alcohol-induced amnesia.

I went to reset my password for the second time. Hindi na ako nag-log out pa. Baka ma-imbyerna lang ako sa paulit-ulit na pag-reset ng password.

Pero kahit na nabuksan ko naman ang account ko, hindi pa rin ako maka-get over sa nangyari. Nag-imbestiga ako upang malaman kung anong problema.

That's when I found out that I'm not the only one who has experienced the same thing. Marami ring ibang users ang nagrereklamo na hindi sila makapasok sa kanilang account at hinihingi ng Wattpad na i-reset ang kanilang mga passwords.

By then I had a feeling that something heinous was going on. The circumstance was all too familiar with the Yahoo data breach that happened in 2016.

As I scoured the internet for more information, nalaman ko na may naganap ngang hacking sa Wattpad. Nangyari ang krimen noon pang June. Ayon sa betakit.com, umaabot sa 270 million user records ang na-leak. Ito ang isa sa mga pinakamalaking data breaches sa buong kasaysayan. Although, it's to be noted that in August, Wattpad reported it only has 80 million monthly users.

Ang data ay ibenenta sa isang public hacking forum sa halagang 10 bitcoins o mahigit $100,000. Sa kasalukuyan, ito ay libre na. Ilan sa mga impormasyong nakuha ay mga pangalan, usernames, cryptographically hashed passwords, email, IP address, kasarian, kaarawan, list of paid stories and chapters, at third party accounts ng mga users tulad ng Facebook, Google, at Tumblr. Ayon sa statement ng Wattpad, so far ay wala pang financial information, stories, private messages, at phone numbers ang na-access.

Ang mga impormasyong na-hack ay maaaring magamit para sa marketing at spamming. Posible ring magamit sa cyber attack ang mga sensitibong impormasyong nanakaw.

Kaya paalala lamang:

1. Regular na baguhin ang password
2. Pumili ng malakas na password
3. I-update ang passwords ng ibang mga accounts na gumagamit ng parehong password at huwag na uling gumamit ng parehong password sa iba't ibang accounts

Protektahan ninyo ang inyong mga sarili. Kasi ngayon, pati mga kriminal ini-invade na rin ang cyberspace.

Bad people will treat your privacy, which is your fundamental right, as if it's free real estate. Unfortunately, these bad people have too much free time to do malicious deeds. So, always be alert and be wise. Be careful what you do on the internet. Someone is always watching.

Ingat!

NakedWhere stories live. Discover now