How's everybody holding up right now?
I hope you're staying strong during this tumultuous time. Maraming binawian ng buhay at marami ring binawian ng kabuhayan, kaya ipinagdarasal ko na kayo at ang inyong mga mahal sa buhay ay nasa mabuting kalagayan.
Pinaalala na naman ng sitwasyon na ito sa atin na sa isang iglap, maaaring magbago ang lahat. I hope after this, we never take anything for granted again.
Anyway, it's been a while since I posted.
Una sa lahat, humihingi po ako ng pasensya sa mga naghihintay ng updates sa aking mga ongoing stories.
My life's been hectic. I had to take adulting seriously. Kaya kayong mga wala pang adulting problems, I envy you.
They say stress affects your libido. In my case, my desire to write plummeted to an all-time low. Hindi ako maka-concentrate sa pagsusulat. Ang oras na igugugol ko sana sa pagsusulat ay ginamit ko na lang upang matulog o magpahinga. I'm in my early 20s, but why does it feel like I have the energy of a bed-bound 90 year old?
Again, I apologize for making you wait long. Sa mga nag-aabang pa rin ng updates, ang plano ko ay isahang bagsak na lang ng updates sa October ngayong taon (if the universe works in my favor). October is my birth month, so it'll be significant for me.
Hmm, what else?
Ah, I guess I could talk about what I've been doing while I was on a writing hiatus.
I used to watch a lot of TV serieses since my college days. Pero nitong last writing hiatus ko, hindi ako masyadong nanood ng mga TV series. Tatlo sa pinanood ko ay Brooklyn 99, The Umbrella Academy, at Castle Rock. Kung hindi n'yo pa napapanood ang mga 'yon, I recommed you try watching those serieses.
Sa anime naman, isa lang napanood ko. 'Yong Welcome To Demon School, Iruma-kun. Naaaliw ako sa kanya, kaya i-check n'yo s'ya kung gusto n'yo.
Sa mga Asian dramas, wala akong napanood this time. Pero gusto kong manood ng Hotel Del Luna, 'yong subtitled version, hindi dubbed. I have nothing against dubbing. Pero kung papipiliin ako between subtitle or dub, mas prefer ko ang subtitle.
Nagbalik-loob ako sa pagbabasa ng manga. Hindi ko na matandaan kung kelan ako last nagbasa ng manga. Basta matagal na akong hindi nagbabasa no'n. However, now I started reading them again. My reading even expanded to manhwas, the Korean version of mangas. I am particularly invested in the isekai genre. I'm not so much into the otome game related isekai. Mas bet ko 'yong reincarnation sa historical fantasy setting. The isekai genre's slammed by a lot of critics. I could see the validity of their arguments to the point na sumasang-ayon rin ako sa mga puna nila. Pero ewan ko kung bakit pabalik-balik pa rin ako sa pagbabasa ng isekai. Super entertained talaga ako sa pagbabasa, 'yong tipong fangirl level na. Hahaha.
Siguro gagawa na lang ako ng separate post sa mga isekai stories na binabasa ko.
As for novels, mga gawa ni Fredrik Backman ang kasalukuyang binabasa ko (A Man Called Ove, My Grandmother Asked Me To Tell You She's Sorry). For non-fiction, I picked The Wierd World Of Words by Mitchell Symons. They're all great reads, so do add them to your reading list.
Also, I've always wanted to draw, kaya at present ay gumagawa ako ng time para sa aking mga drawing sessions. Hindi pa naman siguro huli para matuto. Naa-amaze at naiinggit talaga ako sa mga taong magaling gumuhit. Someday, kapag advanced na ang skills ko sa drawing, gusto kong gumawa ng sarili kong comics, just for my personal use.
So, hanggang dito na lang muna. Wala na akong ibang maisip i-share.
Kung may mga tanong or suggestions kayo, feel free to tell me.
Take care and enjoy the weekend!
YOU ARE READING
Naked
Non-FictionThis is the little black book of the uncensored, unabridged, and unedited thoughts of a misbehaving mind that goes by the alias nakedwords. *May contain senseless ramblings, crazy ideas, and some dirty stuff. (LOL) *This is not a story.