dumeretso na ako sa arcade at pinapalitan ko na yung 1500 ko nang coins hindi token, nasasayang ako sa ticket eh mas gusto ko yung mag huhulog ka namg tigpipiso sa machine tapos ticcket ang lalabas.
natatawa ako sa itsura nang cashier habang hirap na hirap sa pag bibilang
" sorry miss" sabi ko sa kanya at iniabot sakin ang coins na nasa dalawang malaking bucket na
"okay lang mam thank you po"
dumeretso ako sa hulugan ng piso at nag hintay mag karoon nang bakante at naka cosplay din ang mga katabi ko pinatong ko ang bucket sa gilid, at nag simula na mag laro, sa gitna nang pag lalaro ko ay may maingay akong katabi
"wooooohooooo haha andami nahulog" hindi ko siya pinansin
habang nag huhulog ako nang coin ay naisipan kong tawagan si Amara
"Amara nasan ka?" tanong ko sa kanya" nandito na ako sa bahay" natigil ang pag huhulog ko nang coin nang marinig yon
"ha? ano ?"
"nandito na ako sa bahay"
"bakit?"
" kala ko nakauwi ka na saka may party kami mamaya eh"
"hala edi sana iniwan mo na sakin yung susi mo"
"hinanap kita day, nasaan ka nga pala"
"nandito sa arcade nag huhulog nang tig pipiso"
"haha pasalubong ah"
"anong pasalubong andami kong bit bit tapos pasalubong oa eh iniwan mo nga ako dito marami akong bitbit"
"haha mag commute ka na lang "
"sige na wag kang umasa na pasasalubungan kita ah" sabay ibinaba ko yung linya
at nag patuloy sa pag lalaro at naubos na yung coin ko saka ko kinuha yung ticket na sobrang dami. buti nalang iniwan ko yung gamit ko sa Baggage nakatingin sakin ang mga tao at parang gulat na gulat sa bit bit kong ticket
"am miss eto na po yung ticket ko" gulat na gulat siyang nakatingin saakin hahahah ang haba na nung pila dahil saakin antagal nung machine eh
"mam pili na po kayo" sabi niya
"ilan po ba lahat nang ticket ko?" sabay naming natignan yung machine 694,500 ang ticket ko nagulat ako
"694,500 po mam" mangha na tanong niya nakita ko ang hoverboard 200,250 lang hahahah ang saya shheeeeet
"dalawang hover board po" hahah 400,500 lang lahat meron pa akong
"ang galing naman neto" bulong nung naka cosplay kanina
hahahha meron pa akong 294,000 nakita ko yung instax na camera hahahah 290,000 siya nag hanap ako nang maliit may stress ball doon na tig 25 lang at may coloring book na pambata na tig 25 din
"isang instax, at uubusin ko po ang 2000 sa stress ball at coloring book"
"okay po mam, sakto po lahat mam"
"thankyou po"
" uhm 30 minutes lang po mam"
" ay teka po, pwede bang bukas ko na lang kunin para di na rin kayo mahirapan" sabi ko
"ay sige po" sabay inabutan ako nang papel "pakita nyo nalang po bukas"
"ay thank you"
hinanap ko ang DQ ice cream ulit nag order ako nang dalawang ice cream blizzard, cookies and cream lang ang flavored nang binili ko loyal ako sa cookies and cream eh, nag hanap ako nang upuan at buti nalang nakahanap ako nang upuan inilapag ko na muna ang inorder ko at inilapag ko na rin sa lapag ang gamit ko, di ko alam kung nagulo ba ang make up ko dahil andami talagang nakatingin sakin, pero heheheh satingin ko sa costume at dala ko sila nakatingin ehehh.
YOU ARE READING
The more you hate, The more you love
Genç KurguZara Moffet, isa sa mga anak nang may ari Nang Moffet Company kung saan may ari rin nang paaralan, hospital at kung ano ano pa. Ronron sya ang kaisa-isang naging kaibigan ni Zara, paano nya nga ba ito muling makikita? may papalit na ba? Katulad na l...