HOPE: 3

73 4 1
                                    

Dinala ako ni John sa mamahaling restaurant. Marami na akong napuntahang restaurant pero ito.. ito talaga ang hindi ko pa napupuntahan bukod kasi sa napakamahal ng pagkain dito, mahihirapan kang humanap ng pwesto dahil sa napakaraming tao.

Ang balita ko pa nga kailangan mong magpabook a month before para lang makakain ka rito. Bongga di ba? Kaya never kong inisip na kumain dito e. Kailangan ko pa maghintay ng isang buwan para lang makakain dito?! Wag na uy!

"Good evening Sir." Sabi ng usherette. At ginuide kami papunta sa...

T-teka? Private room? Ganon na ba to kayaman? Bakit wala na akong alam ngayon dito sa bestfriend ko.

"Private room? Susyal mo naman pala koya." Napatawa sya sa sinabi ko. Hinila na nya yung upuan na uupuan ko. Gentledog! Nagbago na talaga to. "Thank you." Sabi ko nang nakaupo na kami pareho.

Binigyan naman nya ako what-are-you-thanking-for look. "Dito. Di ko to inexpect. Si John na best friend ko? Dinala ako sa mamahaling resto. That's new! The last time I checked fishball at kwek kwek ang favorite mo." Natawa naman sya sa sinabi ko at tinawag yung waiter. Wow ha! Parang wala akong sinabi.

"What do you want?" He ask me referring to the food.

"Anything. Basta masarap!" I answer him while smiling from ear to ear. Pagkain to e, libre pa! Hahaha

"That would be all sir?" Tanong nung waiter tapos inulit nya yung order ni John. Nung makaalis na yung waiter nagsimula nang mangulit si John.

"Ganda mo talaga ngayon! Last time I saw you na maganda ka is yung prom pa natin. Inlove ka na ba ngayon? Di ka na nagkkwento sa akin. Nagtatampo nga ako sa inyo ni Kier e. Once a month nyo lang ako kausapin sa skype." Paglilitanya nya.

"Sino kayang busy? Kala mo naman nag aaral talaga. If I know puro chicks lang inaatupag mo dun. Naka ilan ka na ba?" Natatawang tanong ko sakanya.

Hindi naman to chick boy. Suplado nga to sa mga babae e. Paano kasi yung first love nya, biniyak agad ang puso hindi lang sa dalawa! Maraming beses pa.

Ayan si John? Kahit gwapo to, seryoso ma inlove. Kaya nga bilib ako dito e.

"Don't change the topic. I asked first. And well dahil pag-ibig na rin ang topic natin.." pabitin nyang sabi. Putek! Ayoko ng ganto e. Alam ko na kung saan to pupunta. 

"Balita ko andito na si Mike. Two months before ako dumating and he is staying for good! Damn that man paiba iba talaga ng desisyon. Did you two met na ba?" Walang paligoy ligoy na sabi nya.

Thats it! Sabi ko na e. And wait? Is it me or wala na talaga syang galit kay Mike? Hmm..

"Yeah. We met nung thursday. Unfortunately, doon sya nag aaral sa school ko." Napatigil naman sya sa pagsubo nang marinig nya yung sinabi ko.

At oo, kumakain na kami. Steak, at to tell you di pangkaraniwang steak. Di na ako nagtaka kung bakit maraming tao ang gustong pumunta dito kahit mahal. Definitely worth it ang pera.

"As far as I know hindi naman ampalaya ang kinakain natin? Bakit ang bitter mo?" I rolled my eyes in his question.

"Seryoso ka? Hindi mo alam kung bakit? *in sarcastic tone* Alam mo nung nakita ko sya ulit? Hindi ko alam yung gagawin ko. Nataranta ako na kinabahahan na ewan! Galit ako sakanya pero.. ah basta!

Teka nga! Bakit parang tropa na kayo? If I'm not mistaken kung naabutan mo sya, baka napatay mo na yon."

Napakibit balikat na lang sya. At pinagpatuloy yung pagkain.

"This is suppose to be a night to remember. Kaya don't spoil the night. This is our bonding kaya dapat hindi ganyan ang pinag uusapan natin." Sabi nya and after that wala nang nagopen nang topic about doon. Sya kaya nagsimula. Batukan ko to e.

Pagtapos namin kumain, dinala nya ako sa parang mini garden. Naupo kami sa bench.

"Naiisip ko tuloy gusto mo na akong ligawan." Pag uumpisa ko.

"Please Hope. Don't spoil the night...

I mean maganda ka, oo. Pero not my type." Bastos to! Para hindi ko best friend kung kausapin ako.

"Thank you ha! Nadagdagan yung self confidence ko." Asar na sabi ko. Pero ganyan talaga kami. Kinokontra ang isa't isa para hindi lumaki ang ulo. Ganyan kami magmahalan.

"Pero seriously John. Thank you. Never thought this one coming lalo na from you? Na-ah-ah talaga. You really missed me that much ha? To think na dinala mo ko sa bonggang resto na yun mahirap kaya makapasok don." Itinaas ko yung kamay nya dahilan para mapa akbay sya sa akin tapos inakap ko sya.

"Namiss ko yung ganto natin." Sabi nya.

Bumuntong hininga sya tapos.. "Looks like wala ka talagang balita sa akin ha."

Napatingin naman ako sakanya na nagtataka. "Pagmamay ari ko na yung kalahati nong resto na yon.. Well, hindi pala ako. Sila mama. In right time bibigay na nila sa akin yun."

Napanganga ako dun. "Di nga best?"

Nalungkot ako bigla. Napa angat yung ulo ko para tignan sya. "Wala na ba akong kwentang kaibigan?"

Natawa naman sya tapos ginulo yung buhok ko. "Hindi ah. Baliw!" Sabi nya tapos tumingin sya sa wrist watch nya. "It's already 10 na. Tara na?"

"Ayoko muna. Ganto muna tayo please? Namiss kita e. 11 uwi na tayo." Binalik ko na yung pwesto namin kanina. Naka akbay sya sa akin tapos ako naka yakap sakanya.

Hays! Siguro nga naging masamang kaibigan ako. Hindi ko man lang tinanong kung kamusta sya, sila ni Kier. Hindi ko man lang inisip yung nararamdan nila. Wala akong ibang inisip kung hindi ang sarili ko. Mas lalo akong pinanghinaan ng loob nung nalaman kong aalis tong si John dun na daw sya sa France mag aaral. Nagtampo ako sakanya noon. Iwan ba naman ako kung kailan wala na akong pag asa sa buhay?!

Pero naisip ko tama rin siguro yun, para hindi sya madamay sa galit ko sa mundo. I mean kaya lang naman ako nagkaganito kasi ng dahil sa lalaki. At ayokong masama si John doon. Iba sya, ibang iba sya sa lahat ng lalaking nakilala ko. At hindi ako nagkamali kasi pagdating na pagdating nya sa France, nagskype agad kami. Nung una talaga ayaw ko syang pansinin, kaso si Kier kinonsensya ako kaya ayun. Naging ok na kami pinaintindi nya sa akin lahat kaya ayon. Tapos nagkataon naman na busy na kami sa kung ano ano kaya once a month na lang kami mag usap.

AUTHOR'S NOTE:

Thank you sa nagfallow sa akin. Dedicated ko ito sayo.

Hope you like it guys!

VOTE. COMMENT. SPREAD! ♥

follow me on twitter: stuningcreation

-stunningcreation

HOPETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon