AUTHOR'S NOTE:
Sa easter ko pa sana ito ipopost kaso di ko kayo matiis e. :">
Continue supporting guys..
Sorry sa errors naka mobile lang kasi ako. Enjoy!
VOTE.COMMENT.SPREAD!
----------
Tanghali na nang naisipan kong lumabas ng kwarto. Grabe naman kasi hindi ako makatulog ng maayos kagabi. Bakit ko ba sinabi yun?
Ah! Kasi akala ko monday na kinabukasan. Oo tama ayun nga yon!
"Good morning!" Kinusot kusot ko yung mata ko pababa ng hagdan kung totoo ba itong nakikita ko.
"Afternoon na po. Tss" Pagtataray ko. Tirik na tirik ang araw pero nandito sya sa bahay namin.
Gusto mo naman. sabi ng subconcious ko. Tseh!
"Kanina pa kita inaantay nasira tuloy plano ko. Buti na lang may plan B." Nakangising sabi ni Mike. Oo si Mike na bwisit ang nandito.
"Get ready may pupuntahan tayo." Sabay dekwatro nya. Ayos to ah boss ba to?
"Kain lang ako saglit ha. Gutom ako. Kahit konti lang boss."
Habang nasa byahe kami hindi ako mapakali. Hindi ko kasi alam kung saan kami pupunta ayoko pa naman ng ganon.
"Chill babe. Don't worry, hindi kita dadalhin sa lugar na masama."
Inirapan ko na lang sya.
Nagulat ako kung saan hininto ni Manong driver ang sasakyan. simbahan...
"Baka naman isang apak mo pa lang sa pinto nyan di na kita makilala."
Nagtaka naman si koya. "Bakit naman?" Slow! psh.
Tumawa ako. "Masusunog ka kasi."
"Hindi naman. Kasama ko kasi yung angel ko." he wink. Napapadalas na pagkindat nito sa akin ah! Sundutin ko mata nito e.
After the mass dinala nya ako sa korean resto na kinaasar ko.
"After mong mahawakan yung kamay ko kanina sa simbahan dito mo ko dadalhin?!" Asar na sabi ko.
Napakunot noo naman sya. "Bakit? Ayaw mo ba dito?"
"Hindi naman sa ayaw. Pero di kasi ako marunong magchopstick" pabulong kong sabi.
Natawa sya sa sinabi ko. "I'll teach you.. then I'll teach you how to love me."
Umakting akong nasuka kunwari. corny nito. pwe!
Pero infairness natuto nga ako sakanya. Natatawa pa sya sa akin nung una kasi tumatalsik yung mga kinukuha ko na kinainis ko naman.
So far, so good naman. Nakikilala ko si Mike. Hindi naman pala sya ganoon kasama gaya ng naisip ko. Siguro may reason kung bakit sya nang bababae. Nakikita ko naman kung gaano sya ka sincere sa akin.
----------
6 months.
Its been 6months since pinayagan kong ligawan ako ni Mike. Nakita ko kung paano sya nagbago para sa akin. Iniwasan nya lahat ng babaeng lumalapit sakanya. Sa lahat ng nagawa nya sa akin sa loob ng 6 months, siguro its time na para sagutin ko sya. After all dapat ang relationship ang pinapatagal hindi ang ligawan. Naisip ko after ng game nila mamaya.. sasagutin ko na sya.
"What time laban nila Mike? Samahan kita sa field ha!" Pangungulit ni John.
"Aye aye captain!" at nagsaludo pa ako sakanya.