HOPE 5: FLASHBACK

78 5 1
                                    

AUTHOR'S NOTE:

Hope you like it guys! Mejo sabaw lang ako today. :)

Say hi to fafa Mike. sa media board =)))))

 Pakinggan nyo rin yung video. Sarap sa tenga. Bagay din kay Hope pati Mike. 

VOTE. COMMENT. SPREAD!  ♥

-stunningcreation

-----------

Flashback High School Days...

"Hope alam mo lagi kong napapansin si Mike na nakatingin sayo." Napatigil naman ang kutsarang hawak ko sa ere dahil dun sa sinabi ni Ellen. Recess kasi namin ngayon. Hindi ko naman makita si John busy siguro kaya dito na lang ako kila Ellen sumabay.

"Si Mike na varsity player na crush nang buong babae sa campus?" Tanong naman Nika. Ang super daldal kong classmate.

"Sino pa ba?" Sabay na sabi ni Ellen pati Ana.

"Baka nagagandahan sakin. Hihihi" pabirong sabi ko sakanila. I tucked my hair then pout my lips. At nagtawanan kami.

"Pero seryoso, crush ko sya pero eh! Babaero, ayoko ng ganon." Pagpapatuloy ko sa kwentuhan namin habang kumakain.

"I agree. Ako ok lang na babaero sya. Pag ako naging girlfriend nyan kahit marami pa akong kasabay basta ako pa rin ang uuwian nya at kikilalanin ng lahat na gf nya." Paglilitanya ni Ana. Ang morena at muse sa classroom.

"Desperada ka talaga bruha! Basta lang masabing jowa ka eno?" Pagtataray ni Nika.

Hay nako. Basta lalaki sarap na sarap sila sa pag uusap. Tapos na kaming kumain, tambay lang kami saglit 15 minutes pa naman bago mag ring ang bell.

Napatingin naman ako sa table nila Mike. Kasama nya yung mga ka-varsity niya. Kung tititigan mo si Mike, sobrang gwapo nya. Bagay na bagay sakanya ang mata nyang gray-ish, ang tangos pa ng ilong nya at ang lips. Jusko! Napalunok naman ako dun bigla. Parang ang sarap *lunok* halik... Erase erase!

Pero shet! Kaya siguro nahuhumaling din yung mga babae dito e. Kissable naman kasi talaga. Ang sarap talagang.. Nevermind! Nagkakasala ako. Sorry po!

Naagaw naman ang aking atensyon ng lumingon ang lalaking nasa harap nya na nakatalikod sa akin. Gets nyo ba? Hehehe.. at sa kasamaang palad si Ryan yun. Classmate ko rin sya pero di kami ganon kaclose kasi nga babaero din at base sa naririnig ko pagkausap niya ang mga classmate naming babae, mambobola sya. He grinned! And I swear! May meaning yun. Nginitian ko na lang sya tapos I look back kila Ellen. Narinig ko naman na nagaasaran sila. Problema ng mga yun? Tsk.

Napagkasunduan naman namin nila Ellen na bumalik na ng room, magababasa din ako ng notes ko para may masagot naman ako sa recitation.

Nagsidatingan naman na yung mga classmates ko. Sumunod naman dumating ang teacher namin si Sir Salvador. At dahil boring to hindi ako makikinig hahaha! Magpapanggap lang akong nakikinig pero ang aking utak ay na kay Mike. Hihihi Ang gwapo nya kasi talaga. Di ba? Agree ba kayo readers? :))

Habang ako ay nag iisip kung paano mahahalikan si Mike. Ay de joke lang! Baka sabihin nyo ang landi ko e. =))

May hampaslupang kumalabit sa akin. Whoah! Di ko napansin iba pala katabi ko. Si mike kasi e, masyado nyang ginugulo ang isip ko. Chos! Landi ko! XD

"Hi Hope lalim ng iniisip mo ha." Nagandahan to sa akin kanina kaya to naglakas loob kausapin ako.

"Wala akong panahon sa pambobola mo Ry." Pagtataray ko sakanya. Mahirap na baka mamaya maging bola ako sa pambobola nyan. Ako pa gamitin nila sa field. Ay wit! Ok lang sana kung si Mike lang gagamit e. I smile at the thought.

HOPETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon