Nagising ako ng may tumamang liwanag sa mata. Umaga na pala at nasa...
nasa kwarto na ko?
Nako naman! Natulugan ko si John. Ang sarap kasi ng hangin doon sa pwesto namin e. Di ko namalayan nakatulog na pala ako.
Pagtingin ko sa orasan sa may bedside ko 8 na pala. Sakto nandun yung phone ko. Maitext na nga lang si John.
To John:
Morning! Sorry last night, I fall asleep. Sarap ng hangin e. Thanks ulit. :* Next time with Kier naman ha?
Maya maya nagreply na. Ang aga naman nito magising.
From John:
Ang bigat mo na. Hahaha Anyway, If you two have time. Text me agad. I'm always go. Good morning din pala. :) eat na para mas tumaba ka.
Oh di ba ang sweet? Sarap balatan ng buhay gamit ang nail cutter.
I replied: Letse! Tapos iniwan ko na yung phone ko sa kwarto.
"Good morning" bati ni mama.
"Morning din ma." Tapos kiniss ko sya sa cheeks.
"Your class is afternoon pa di ba? Dito ka na mag lunch. Ipagluluto kita." Aw. Minsan lang to! Tapos aalis na naman si mama.
"Sure po."
After namin kumain, umakyat muna ako sa room ko to study the lessons. Di ako nakapagbasa kagabi e. Baka mamaya may surprise quiz, atleast prepared ako. Oh di ba? Akala nyo di ako nag aaral. Ako kaya tutor ni Kier. XD
-----
Nagmamadali pa akong pumasok wala naman pala yung prof ko ng 1st subject. Badtrip! Kung kailan ka nagmadali doon pa wala. Sino nakaranas ng ganto? Kaway kaway!
Sarap na sarap kasi ako sa luto ni mama e. Paano niluto nya yung favorite kong afritada. Wala naman pala yung prof edi sana naka isang kanina pa ako. psh.
Nagtext si Kier, nasa field daw sya. Hindi kami magkablock ni Kier. Sayang nga e. Nalipat sya kasi bumaba yung general average nya last sem. Hopefully next sem magkablock na ulit kami.
"Bagong tambayan natin?" Tanong ko agad pagkaupo.
"Oo. Busog mata ko dito e." Ngiting asong sagot nya. I see. Last time din na tumambay ako dito busog din mata ko e. Hahaha
"Magbasa ka kaya. Hindi puro kalandian ang alam mo. Pag ikaw may sabit na naman ha!" Kunyari di ko gusto yung ginagawa nya. Ay syempre babae din ako. May landing tinatago. Ikaw ba naman! Makakita ng batok na pwedeng iulam e. xD
"KJ mo naman. Hindi yan. Sabay tayong gagraduate wag kang mag alala." Pakalat kalat pa rin yung mata nya. Tanghaling tapat ang harot ni Kier! Buti na lang hindi ganoon katirik yung araw, makulimlim pero hindi mukang uulan. Alam nyo yon? Basta ganon. Kaya siguro marami rin tambay dito.
Magbubukas na sana ako nang bag ko para kuhanin yung notes ko nang...
"Hope di mo naman sinabi sa akin na sobrang gwapo pala ni Mike. Kasi naman yung mga picture nya sa fb totoy pa.." napatingin naman ako bigla sa kanya.
"Iba pa rin talaga pag personal." Nakatingin sya sa akin. Tapos na patingin sa likod ko. Kinabahan ako bigla..
"Hope." Halos pabulong na tawag nya sa pangalan ko.
Shet! Boses pa lang alam ko na kung kanino yun. Unti unti akong lumingon para makumpirma. And confirmed! Sya nga.
"Hmm. Yes?" Na master ko na ata ang art of pretending ah. Pero deeo inside kinakabahan ako.
"Can we talk?" Tapos napatingin sa kay Kier. "In private?"
"So ako yung aalis kahit ako yung nauna dito?" Sabi ni Kier. Oh di ba? Kanina ang landi landi tapos ngayon nagtataray.
"Ayaw mo ba Kier? Di ba obvious pinapaalis ka?" Pero sinenyasan ko syang wag umalis. Di naman ako nakikita ni Mike kasi nakatalikod ako sakanya.
"Ok. Madali naman ako kausap e." Sabay tayo nya. Great! Just great! Galing mo talaga Kier. She winked at me. And I mouthed her 'pakyu' tinawanan lang ako ng bruha.
Tahimik lang ako na nakatingin sa kawalan. Di ko namalayan na nakaupo na pala si Mike.
Napabuntong hininga sya. "Kamusta ka na Hope?" Ok na ok ako. Until dumating ka at nagulo na naman ang isip ko. Gusto ko sanang sabihin sakanya kaso iba yung lumabas sa bibig ko...
"Tell me what you want. Dami pang pasubali e. Go straight to the point Mike, I don't have all the time in the world." Bitter ko di ba? Sorry di ko na mapigilan e.
"I get it. You still hate me..
Hope.." paawa effect pa kala mo cute.
"I hate you to death Mike. Di ko nga maisip kung bakit ka andito sa harap ko. Para kamustahin ako after mo kong iwan?! Well, guess what! I'm better off without you. I should've thank you pa nga e. Dahil sayo naging matatag ako. Kinaya kong harapin ang mga problema nang mag isa ako. Thank you Mike. Thank you!" Tumayo na ako at naglakad palabas ng field.
Hinabol nya ko at hinigit "Hope. Please hear me out?" hinihingal na sabi nya.
"Putcha naman Mike oh! Tigilan mo na ko. Ok na e. Ok na ang lahat! Nagulo na naman ng dumating ka!" Pasigaw na sabi ko. Pilit kong hinihila yung kamay. Ang higpit nang pagkakahawak nya. "Bitiwan mo na ako. Kung may natitira ka pang kahihiyayan sa katawan mo. Pinagtitinginan na tayo." Binitiwan na nya ako. Di ako iiyak lalo na sa harapan nya. Hindi ako magpapakita ng kahinaan sakanya.
Umuwi na lang ako. Di na ako pumasok. Tinext ko na lang yung mga classmate ko na masama pakiramdam ko. Although alam kong alam na nila kung bakit absent ako. Chismis to panigurado.
"Haayss!" Napabuntong hininga ako. Nakatingin ako ngayon sa kisame ng kwarto ko.
Its been 2 years yet the wound he left is still fresh. Akala ko nung una ok na ako. Siguro nga kasi hindi ko sya nakikita. Ito na nga yung kinakatakot ko e. Yung makausap ko sya. Noong una namin pagkikita muka man akong tanga na nataranta sa pagmamadali para umalis, ok lang. Kasi ayoko talaga sya makausap o makasama ng matagal nang kaming dalawa lang. Feeling ko kasi any moment sasabog ako. At ayon nangyari nga kanina. Gusto ko syang murahin, saktan!
After nang ginawa nya sa akin? Kakausapin ko sya? No way!
Napabuntong hininga na naman ako.
Di ko pa rin maisip kung bakit hindi galit sakanya si John. Oo nung una, halos mapatay na nga nya si Mike. Pero di na nya nasaktan kasi nakaalis na si Mike non. Kung nakakamatay lang ang pagmumura nun. Panigurado patay na si Mike.
"Hays!"
Makapagshower na nga lang, atleast doon mababawasan yung stress ko. Alam ko naman mamaya pupunta dito si Kier at magpapakwento. Ayun pa! Ang mayamang chismosa.
Pag iisipan ko rin kung paano ko ito sasabihin kay John. Ayoko na siyang madamay dito. Ayoko rin na umabot sa magkasakitan sila.
AUTHOR'S NOTE:
HOPE sa right side nung kausap nya si Mike. -------------------------->
Hope you like it guys!
VOTE. COMMENT. SPREAD! ♥
follow me on twitter: stuningcreation
-stunningcreation
