Hope 8: Revelation

29 2 0
                                    

1 year..

Isang taon na kami ni Mike. Hindi nawala sakanya ang pagiging sweet naging mas sweet pa nga sya simula nung sinagot ko sya. He never fail to make me happy. Lagi syang may surprises sa akin.

Gusto nya sabay kaming pumasok kaya sinusundo nya ako sa umaga at wala pa syang nasasayang na araw sa pagbigay ng bulaklak sa akin. Tapos bago kami umuwi dinadaan nya ako sa iba't ibang resto para kumain. Hindi rin maarte si Mike kahit mayaman kasi minsan niyaya ko syang kumain ng street foods go lang sya.

We almost have a perfect relationship. Oo nag aaway kami pero hindi ito tumatagal ng isang araw. In almost one year we never had a major fight, mostly reason ng away namin ay yung hindi lang namin napagkakasunduan.

Nung isang gabi napaisip tuloy ako. We never had a major fight, what if dumating yung time na yon? Am I ready to face it? Panatag naman ako na kaya ko yun as long as dalawa kami ni Mike ang lalaban. I even asked fate to challenge our relationship. I am confident na hindi kami matitinag kasi kahit hindi gaano kalaki yung mga pinag aawayan namin alam kong hindi ako iiwan ni Mike and so am I. I love him with all my heart and all my soul.

Tama na ang pag iisip. Graduation day namin ngayon. Napag usapan na namin ni Mike kung saan kami mag aaral, gusto nya kasi iisa lang kami ng school para mabantayan nya daw ako. Ang sweet! Mas lalo tuloy akong nainlove sakanya.

"Are you ready?" tanong sa akin ni mama after nya akong ayusan.

"Yep! And excited." sagot ko.

"Ang ganda mo baby. Mas lalong maiinlove sayo si Mike." pang aasar ni mama.

"Thanks to you and to your genes ma." natawa na lang sya sa sinabi ko.

"Get ready na. Dadaanan ka ba ni Mike?" at iniabot sa akin yung toga ko.

"Nope. Doon na lang kami magkikita. Gusto ko kasi kayo kasabay ko papunta doon." and I kissed her cheecks. "Thanks ma!"

Hindi mapakali ang ulo ko sa paglingon. Andito na ako sa labas ng venue kung saan gaganapin yung graduation. Napatingin ako sa wrist watch ko. 5 minutes bago mag umpisa... ang tagal naman ata ni Mike. Dapat kanina pa sya dito ah.

"Hope! Pasok na. Mag mamarch pa kayo. Baka na late lang si Mike." sabi ni mama

Tumango na lang ako at pilit na ngumiti sabay sumunod kay mama.

The ceremony started and no one knows where Mike is even his closest friends.

The ceremony went well, natapos ito nang hindi ko man lang sya nakita ni anino nya. Anong problema? May nangyari ba? Sinilip ko yung phone ko baka may text sya pero bigo ako.

"Are you okay baby?" mom asked habang nasa biyahe kami pauwi. I just smile.

"Pwede po ba akong pumunta kina Mike? Baka kasi may nangyari kaya hindi sya nakapunta."

"Oo naman. Hahatid ka na namin doon."

Natatanaw ko na ang malaking bahay nila na punong puno ng mga puno at bulaklak.

"Thanks po. Ako na lang uuwi mag isa. I'll take a cab or papahatid na lang po ako kay Mike if ever." sabay sarado ng pinto ng sasakyan.

Nang hindi ko na matanaw yung sasakyan saka pa lang ako nag doorbell. Bakit ganoon? Kanina naman hindi ako kinakabahan. Why now? Is there something going to happen?

Lumabas ang isang katulong na may dalang bagahe. "Maam Hope ikaw po pala."

"Si Mike po? Nag aalala po kasi ako hindi kasi sya umatted ng graduation baka may nangyari sakanya." Nakakapagtaka naman bakit nya kinakandado yung gate?

"Wala po bang tao sa loob? Asaan po sila?"

"Ay nako Mam. Hindi mo ba alam?" kumunot ang noo ko sa sinabi nya.

"Sabagay wala na naman daw kayo." now my eyebrow goes up.

"Ano po? Di ko kayo maintindihan. Ano po bang sinasabi nyo? Nasaan po si Mike?"

Hindi ko na maintindihan itong katulong nila Mike. Nasiraan na ata ng bait kung ano ano na ang nasasabi.

Umupo sya sa may gather ng hardin sa gilid ng gate. At may hinalungkat sa mga bagahe nya. Tinitignan ko lang sya habang hinihintay ang sagot sa mga tinanong ko sakanya.

"Ito, pinapaabot pala ni sir. Alam daw kasi nya na pupunta ka dito."

Iniabot nya sa akin ang isang puti na sobre. Lalong kumunot ang noo ko. "Ano po ba ito? Hindi ko po kayo maintindihan sa totoo lang."

Tumabi na rin ako sakanya. At tumungo, niyakap ko tuhod ko. Naguguluhan ako. Ano bang nangyayari? Gusto kong maiyak.

"Umalis na ang buong pamilya Mam Hope kanina pang madaling araw. Sa pagkakarinig ko pupunta sila ng US doon na raw mag aaral yung magkapatid at imemeet daw nila ang pamilya ng fiancè ni Mike, kaya ang akala ko hiwalay na kayo...."

Umiling ako habang tuluyan ng nagbagsakan ang mga luha ko.

"...tango lang kasi ng tango si Mike. Pero makikitang hindi maipinta ang kanyang mukha. Siguro dahil doon kaya mahigit isang linggo noon sila nag aaway ng mga magulang nya." pagpapatuloy nya.

Bakit hindi man lang nya sinabi sa akin? Hindi sya nagpaalam, siguro maiintindihan ko naman kung sinabi nya agad sa akin. At fiancè? Ano ba?! Naguguluhan ako.

Hindi ko na pinatapos ang kwento nya, pinara ko agad yung taxi na dumaan. Iyak lang ako ng iyak. Hindi ko pa rin lubos maisip kung bakit hindi nya sinabi sa akin yun? Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Pagkababa ko ng taxi ay dali dali akong pumasok ng bahay patakbo sa kwarto hindi ko pinansin ang tawag ni mama, nilock ko ang pinto doon umiyak ng umiyak.

Katok ng katok sa pintuan si mama natataranta ang boses nya "Hope, baby what's wrong?"

"Ok lang ako Ma. Iwan nyo po muna ako." after non wala na akong narinig na tunog ng pagkatok.

Umiyak lang ako ng umiyak, hindi ko namalayan na nakatulugan ko na ito.

Nagising ako na mahapdi ang aking mga mata, mabigat pa rin ang aking pakiramdam. Hindi ko alam ang gagawin ko. Pakiramdam ko tumigil na sa pagtibok ang puso ko.

Nakahiga pa rin ako at nakatingin sa kisame. Pinagulo nya ang isipan ko. FIANCÈ? Iniarange marriage pala sya bakit nya pa ako niligawan? Tinaggap naman ako ng pamilya nya noong pinakilala nya ako. Bakit biglang ganon? Masyado na akong maraming tanong na alam kong wala itong kasiguraduhan kung may sagot.

Damn! What the hell did just happen? Ang saya namin kahapon tapos kanina graduation namin tapos ngayon wala na sya!

The thought of him leaving me makes my heart break and my sane gone. Is this for real? Hindi pa rin ako makapaniwala na iniwan na nya ako.

Fate.... Mali pa lang hamunin ang kapalaran. I never saw this one coming. I thought mawawalan sya ng time sa akin dahil sa practice or makikita ko lang sya na nambababae, nakikipaglandian or even having sex! I don't effin' care! It will cause a big fight, yes pero mapag uusapan naming dalawa yun. Hindi ganito na halos mabaliw ako sa kakaisip at naghahanap ng sagot sa mga tanong ko.

HOPETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon