HOPE: 1

99 4 6
                                    

Author's Note: At dahil bakasyon na, ipopost ko na yung mga kwentong nakasave sa phone ko.

-stunningcreation

 VOTE. COMMENT. SPREAD! Thank you.

-------------------------------------

"Asa!" Sigaw ni Kier.

"Ano ba? Kailangan sumigaw? Ilang bundok pagitan natin?" I shouted back.

Nakakaasar to! Ayoko pa naman ng maingay lalo na't nagbabasa ako. Ano na naman kaya himutok nito sa buhay. Pag tinatagalog nito pangalan ko it's either nagpapacute to o may kailangan e.

"Asa kasi.. I need you. Pati wag mo kong sungitan di bagay sayo." Tinignan ko lang sya na parang nagtatanong tapos ibinalik ko rin yung tingin ko dun sa binabasa ko.

"Hoopppe! Pansinin mo ko uy! May sabit akong subject. Tulungan mo ko please?" pagpapatuloy nya.

Ano ba to. Di ko rin naman mababasa to ng maayos pag andito tong asungot na to e.

"Anong subject ba yan? Amina nga! Pasalamat ka wala na akong klase ngayon.. Ano na naman bang ginawa mo Kier at sumabit ka? Pasaway ka!"

"Sorry pooo! Kasi naman yung prof kong yun e, may favoritism. Biology, Hope." Sabi nya habang kinakalikot yung bag nya.

"Nakanamputs! Eh mahina din ako jan e. Tuktukan kaya kita. Sa lahat naman ng pwedeng subject ko. Try natin ha! Paganahin mo yang utak mo ples?"

At nagsimula na akong review'hin si Kier.

Ako ng pala si Hope Costa. Ang babaeng punong puno ng pag-asa sa buhay. Sakto yung binigay na pangalan sa akin ng magulang ko.

At itong babaeng tinuturuan ko? SI Kier Rivera. BFF ko yan, alam na alam nyan ang bawat pag galaw ng utak ko. Pero mahal ko yan kasi sya lang ang nakakaunawa sa akin.

"Antayin kita dito sa bleachers ha! Ayoko pang umuwi e." Kaya pala madaling madali to magpaturo kasi ngayon din yung special exam nya. Special child talaga tong babaeng to.

"Ok po. Thank you ha! Basahin mo na ulit yang The Fault in Our Stars mo para magkaroon ka naman ng Augustus mo. Hahaha" Sabay tawa ng loka.

"Sira! Ge Goodluck na!" Sabay kaway ko sakanya. At naglakad na sya palayo.

Sarap pala tumambay dito sa field e. Ang daming gwapo. Busog yung mata ko! Kahit mga nakatambay din ang gwapo. Mahirap pala pag school-bahay lang. Di enjoy. Hahaha

Teka! Tama ba tong nakikita ko o nanlalabo na yung mata ko kakabasa?

"M-mike?"

Taranta mode ako. Shet shet! Dito ba yan nag-aaral? Bakit naman hindi ako nainform. Sa pagkakaalam ko nasa ibang bansa to e.

Paano ako bababa nito nang hindi nya nahahalata? Buset naman oh! Hindi pa ako ready na makita sya.

Ah! Dito muna ako. Hintayin ko na lang sya umalis. Magpapanggap na lang ako na nagbabasa para hindi nya mahalata. Talino ko talaga! Whooo!

Peroo... di ko mapigilang di sya tignan. Ibinaba ko yung libro ko hanggang ilong ko. Hay! Ang laki na ng pinagbago nya. Meron na syang balbas ngayon na ikinagwapo nya pa lalo. Tapos yung buhok nya.. Clean cut! Himala! Ayaw nya ng ganoong buhok ah. Taray binata na si tutoy! Hahaha

Tumangkad din sya ng sobra, tapos nagkalaman na sya. I mean kitang kita mo na may muscles na sya yung kamay nya oh! All in all lalo syang gumwapo. :">

Nasira yung pagkakatitig ko sakanya  ng dahil sa gulat.

"Hooooppee!" Ay anak ng! Uso ba ngayon ang isigaw ang pangalan ko? Jusmiyo! Mukang narinig pa nya. Wag sana.

Pero.....

Ayun na! Nakita na nya ako. Huhuhuhu Sinundan nya ng tingin kung saan papunta si Amil, seatmate ko. Syempre hindi ko sya tinignan ha! Nakita lang ng peripheral view ko.

"Uy Amil! Bakit?" I smiled.

" Wala lang. Buti nakita kita dito. Wala kasi akong mapuntahan e. Tinatamad pa akong umuwi. Wala naman pasok bukas e." Anak ka nang tupa oh! Wala naman pa lang sasabihin e. Sana lumapit na lang sya, hindi yung isisigaw pa yung pangalan ko. Mamaya maraming makarinig tapos hingiin yung number ko. Nako! Di ako magdadalawang isip kasi wala akong isip. Hahaha Chos!

"Ah. Hinihintay ko kasi si Kier, sabay na kaming uuwi. May quiz pa kasi ang loka loka." Napatawa naman sya at iginala ang mata sa field. Nako boy hunter talaga to!

Mabalik na nga lang sa binabasa ko. Kaso ayan na naman sya! Nagsalita na parang kinikilig.

" Oh my gosh! Is that Mike? Mike Garcia!?"

Napatingin naman ako bigla sakanya. Kilala nya si Mike?!

"You know him?" I asked curiously.

"Yeah. My cousin introduced him to me nung birthday nya. He's so hot di ba?" Kinikilig na sabi nya.

"I was froze nung nakita ko sya. Hindi ko nga alam kung anong gagawin ko e." Natatawang pagpapatuloy nya. " Transferee yan, galing US I think. Feeling ko nga sinusundan ako nyan dito e."

I rolled my eyes nung narinig ko yung last sentence nya. Seriously?! Ganda mo naman! Hahaha Joke. Tropa ko to si Amil. Feelingera talaga yan. Naalala ko tuloy, nginitian lang sya nung classmate naming gwapo. Aba'y crush na daw sya. Lakas eno! Hahaha

Napangiti tuloy ako doon. Paglingon ko. Wala na sya, papunta na kay Mike.

Ay ang bruha! Anong balak sa buhay?! Bahala sya.

Mejo mahangin na. Hapon na rin kasi. Ayoko pa naman na sumasabog yung buhok ko. Feeling ko kasi sabog na rin ako e. Joke! :D

Asan na ba yung baseball cap ko? Teka, andito sa bag yun e. Pagbukas ko ng bag ko. Boom! Ilang bagyo ba dumaan dito? Bat ang gulo?

"Hope!" Napahinto naman ako sa paghahanap ng may nagsalita.

Wrong move pa napatingin ako. Ano ba naman to si Amil!

"Hope Costa?!" gulat na tanong niya.

Nanlaki naman yung mata ko para kunyari nagulat din ako.

"Uy Mike! Mike the great!" Napangiti na lang ako ng alanganin.

"Ehem! Magkakilala kayo?" tanong ni Amil. Obvious ba? Gusto ko sana sabihin sakanya.

"Yep. Schoolmate ko sya noong highschool." Bilisang sagot ko nung nakita kong bubuka na sana yung bibig ni Mike.

"I see." Tatango tangong sagot ni Amil.

"Gotcha!" I said ng makuha ko na yung cap ko. At sinuot ko na tapos pinasok ko na rin sa loob ng cap yung nakalaylay na buhok ko. Sakto naman nagvibrate yung phone ko at si Kier ang nagtext.

"Got to go Amil, Kier texted me already e nasa may gate na sya."

Napatingin na rin ako kay Mike, "Nice seeing you again bro. Sorry can't stay for long. Bye!" 

I waved my hand to both of them tapos nakita ko si Mike ngumiti.

Dali dali na akong bumaba ng bleachers. Wew! Muntik na ako dun ha!

"Bat ka nagmamadali? Para kang nakakita ng gwapo ay multo pala." Nako Kier kung alam mo lang.

"Kwento ko sa iyo maya. Sa inyo ako matutulog."

At pagdating na pagdating namin sa kwarto nya. Nagmamadaling magpakwento. So kinuwento ko na. No choice e.

"Omg Hope! He's back! Anong gagawin mo?" alalang tanong nya.

"Wala. Ano ba dapat kong gawin? Pero kanina nung lumapit sya. Parang nagflashback yung nakaraan." Malungkot na sabi ko.

"Ok lang yan. Darating din yung panahon na magiging maayos ang lahat. After all ikaw si Hope, ang babaeng punong puno ng pag-asa." At nagtawanan na kami. Tama to! Idaan ang problema sa tawa.

HOPETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon