Author's Note:
Dahil birthday ko bukas...
Here's my update. Enjoy!
Sorry sa typo, grammar, errors.
VOTE.COMMENT.SPREAD!
------
"Hope may naghahanap sayo sa baba." Sabi ni kuya.
Ang aga aga naman nyang bwisita na yan. Sabado ngayon so walang pasok at dito lang ako sa bahay, wala akong balak lumabas.
Pagkababa ko hinanap ko yung sinasabing bisita. Wala naman dito.
Pumunta ako sa gate baka hindi pinapasok ni kuya. Ibig sabihin hindi si John yun kasi pag si John kahit hindi papasukin pagbukas ng gate sakanya papasok agad yun.
"Good morning Hope." Bati sa akin pagbukas ko ng gate.
"Obviously hindi na sya good. Anong ginagawa mo dito?" Pagtataray ko.
"Yayayaiin kita. Kain tayo. Brunch." Sabay hila nya sa akin doon sa sasakyan nya.
"Ngayon agad? Teka nga!" Sabay kuha ng braso kong hawal nya. "Can't you see what I'm wearing?" Shet lang! Nakapajama pa ko, white shirt at slippers na bunny. Buti na lang nagtoothbrush na ako bago bumaba.
"Ok lang yan Hope. Maganda ka pa rin." He wink at me. At tinulak ako papasok ng sasakyan nya.
Guess what kung saan ako dinala?
Sa bonggang resto. Pinagtitinginan ako dahil sa suot ko. Argh!
"Damn Mike! Ganito ka manligaw? Pinapahiya mo mga nililigawan mo!"
"Nah. This is my first Hope. You know, ako ang nilalapitan kaya I have no experience manligaw."
"Conceited jerk! Pumayag na ba akong ligawan mo? Hindi naman di ba?!" Napapalakas na ang boses ko. God! Nakakahiya to. Ok lang sana kung sa fast food chain. Kahit ganito suot ko pero dito?! Nakakainis!
"Look, I'm sorry. Ginagawa ko to para mapansin mo ko. Ok lang na tarayan mo ko parati basta napapansin mo ako." Siya habang pumipili sa menu.
I rolled my eyes. "Whatever Mike."
He asked me what to eat. Hinayaan ko na lang syang umorder para sa akin.
Nagkausap na kami si John pa nga ang nagdala sa akin kung saan kami mag uusap. Nagulat pa nga ako nun kasi ayaw ni John na nakikipag usap ako sa mga varsity players most of them daw kasi babaero. Which is partly true based sa mga nakikita ko. Nagulat din ako sa itsura ni Mike dahil may pasa sya sa pisngi tapos may sugat sya sa labi. Habang nag uusap kami puro pamimilosopo lang ang sinasagot ko sakanya. Hindi ko kasi talaga bet ang aura ng mga players feeling ko pagkausap mo sila pinapaikot ka lang nila, lalo na pag maganda ka bibilugin ka nila. Ewan ko ba sa iba at gustong gusto nila kahit alam nilang binobola lang sila. Hindi ko rin sila masisisi gwapo naman kasi tong mga to. Lalo na si Mike pag malapitan gwapo talaga sya.
Pinapakita ko kay Mike na nabobored akong kausap sya pero sa totoo lang noong mga panahon na yun may part na kinikilig ako. Lalo kasi akong humanga sakanya nung makita ko sa malapitan ang mga features nya. Sobrang gwapo! Ang tangi ko na lang iniisip ay 'looks can deceive' para hindi ako kiligin.
Ikinabigla ko naman yung biglaang pagtatanong nya sa akin kung pwede daw ba syang manligaw. Napatingin ako sakanya noon at for the first time nautal ako. After nun kung ano anong kalokohan na ang ginawa nya at ng mga kaibigan nya.
Kalokohan? Gantong kalokohan..
Superflashback..
"Hope! Hope! Si Mike nasa rooftop mukhang tatalon masama yung loob nya kasi hindi mo daw pinapansin yung feelings nya." -Kiel
"Whaat?! Tara puntahan natin."
Pag akyat namin sa rooftop andun nga si Mike... may hawak na boquet of flowers. May nakahandang candle light pero hindi sya dinner, lunch! Oo tirik na tirik ang araw. Pero may payong na malaki doon sa mesa. Si Kent may gitarang hawak tapos si Don na misteryosong tignan palagi ay nakangiti at kumakanta.
-end of superflashback
Oo, kinilig ako don. Pero hindi pa rin natinag ang pagkamaldita ko sakanya. Bibigyan ko sya ng one month bago ako pumayag magpaligaw. Gusto kong makita kung gaano nya ako kagusto kahit na nagtataray ako sakanya.
Meron pa! Ito ang super kalokohan na hindi ko kinaya.
-superflashback pt.2
Nagtext sa akin si John na sabay daw kaming kakain ng lunch. Sakto paglabas ko ng room andon na sya naghihintay.
Napadaan kami sa may quadrangle sabi ko doon na lang kami pumwesto tutal wala rin naman masyadong tao dito. May upuan at lamesa naman dito. Nagpaalam sya na sya na lang bibili ng pagkain.
Habang hinihintay ko si John, nagreview muna ako kasi may quiz kami next subject. Napatingin ako sa paligid at dumarami na rin ang tao buti na lang nauna kami ni John dito. Tutungo na sana ako nang...
"Hope Costa! Ikaw ang pag asa ko sa buhay. Sana pakinggan mo ako."
Paglingon ko si Mike...
Nagkasalubong ang mata namin at nginitian nya ako.
Ngayon silang dalawa lang ni Kent. May hawak ulit na gitara si Kent at sya ang ata ang kakanta.
Nagsimula nang magstrum ng gitara si Kent tapos tumungtong si Mike sa mesa sabay......
-end of flashback pt2
Wag nyo nang alamin kung bakit ko pinutol kasi hindi ko talaga kinaya. Hindi ko alam kung matotouch ako o hahagalpak ako sa tawa ng mga panahon na yun. Kasi naman ang gwapo na nya e. Ayaw lang talaga ng musika sakanya, tama yung desisyon nyang magfootball.
----------
Habang kumakain kami biglang naiba ang mood ni Hope. Ngumingiti na sya. I wonder why, ako kaya ang naiisip nya?
"Wala pa naman akong sinasabi bat ang saya mo na ata?"
Napatingin sya sa akin pero hindi naalis sya labi nya ang ngiti. "Wala, I just remember something."
"Mind to share it?" Nagulat naman ako kasi bigla syang humagalpak ng tawa.
"Syet Mike. Hahaha Wag mo... hahaha alamin." Pinagmamasdan ko lang sya habang tumatawa. Mas lalong maganda si Hope pag ganito.
Nang mapansin nyang nakatingin lang ako sakanya ay tumigil na sya.
"Pero seryoso Mike. Maglaro ka na lang ha? Wag ka nang kumanta." At tumawa na naman sya.
Alam ko na kung anong naiisip nya. Yung pagkanta ko sakanya last week. Hindi naman talaga ako marunong kumanta, music hates me. Ginawa ko yun kasi gusto kong makita nya na sincere ako sakanya, na kahit mapahiya ako sa maraming tao ay ok lang sa akin.
"Alam mo, gagawin ko ang lahat para sayo Hope mapasagot lang kita." Seryoso kong sabi sakanya.
She rolled her eyes. "Can we go home Mike?" Natawa naman ako sa sinabi nya. Halatang iniiwasan nya yung sinabi ko.
Hinatid ko na sya sa bahay nila tapos dumiretso ako sa tambayan namin sakto naman na andon silang lahat.
"Ang saya mo ata ngayon napasagot mo na ba?" Umiling ako sa tanong ni Kiel.
"Not yet dude. I am willing to wait kahit gaano katagal." Sabi habang papalapit sa sofa at sumalampak agad.
"Ang corny talaga pag nainlove." Sabi ni Don sabay bato ng unan sa akin.
"I am really inlove with her. Deeply and madly."
"Bading mo puta! Wag mo nga kaming idamay jan... Ano mga pre mang chicks tayo maya oh." Sabi ni Kiel.
Pinabayaan ko na sila mag usap usap. Ininternalize ko pa yung sinabi ni Hope kanina bago sya pumasok ng bahay nila...
See you tomorrow Mike.