HOPE: 2

84 5 0
                                    

"Saglit lang po. Bababa na rin ako." Nagising ako sa ingay ng bibig ni Kier.

"Ang aga aga ang ingay ingay mo!" Sabi ko ng makalapit sya sa kama. Oh di ba bahay  nila to, pero bosaboss ako.

"Sorry si mom kasi e. Tayo ka na jan. Ready na yung breakfast." Sabi nya habang nagsasapatos.

"San punta mo Kier? Wala ka namang pasok ha!" Pupungay pungay na sabi ko. Lalandi lang to e. Di pa ako isama. Selpish to!

"Girl may remedial ako. Badtrip talaga. Pag naayos ko to. Shopping tayo. Naiistress ako e. My treat syempre."

Kuminang bigla mata ko dun ah. Makakatanggi ba ako dun. Libre na yan oh. Biyaya na lumalapit sa akin. "Oo ba. Basta ayusin mo na yan. Sabay tayong mag OOJT di ba? Kailangan tuparin mo yun."

Ay. Di ko pa pala nabanggit. We're taking up Marketing Management. Second year. Second sem na kaya dapat maayos ni Kier lahat ng subjects nya para next summer next year makapag OJT kami. Dream company ko yung JPMorgan. Sasamahan ako ni Kier kahit may company sila na pwede syang mag OJT dun. Lab kasi ako ni Kier e. Hihihihi

"Good morning Tita" Bati ko sa mama ni Kier. Minsan nga mama na tawag ko jan e. Ok lang naman sakanya.

"Pasensya na kung maingay kami ha. Ayan kasing kaibigan mo nagloko naman. And worst sa studies pa nya. Porket kasi alam nyang may papasukan agad sya."

"Kaya nga po tita. Hayaan nyo po tutulungan ko si Kier makabawi. Pag hindi po yan umaayos sasapakin ko yan. Pati sabay kaming mag OOJT nyan e." Pampalakas loob kong sabi.

After nun, tahimik na kaming kumain ng breakfast.

-------------------------------

"Minsan ka na lang umuwi ha. Doon ka na lang kaya kina Kier tumira." Sabi ng magaling kong kuya.

"Malapit na, wag kang mag alala." Umakyat na ako sa kwarto ko. At sleeping beauty muna ang peg ako.

Pagpasok ko ng kwarto sumalampak agad ako sa kama tapos nagpagulong gulong. Ganto ako bago matulog, para masarap ang tulog ko. Papikit na ako nang........

*tok tok*

Ano ba yan! "Pasok!" Istorbo naman to.

"May bisita ka sa baba." Sabi ni kuya.

"Jusko naman kakauwi ko lang e meron agad? Di ba pwedeng matulog muna? Iba talaga pag maganda." Pagmamaktol ko. Kasi naman e.

"Joke ba yan? Osige tatawa ako. HAHA Masaya ka na ba? Bilisan mo jan! Nag aantay na sa baba yung bisita mo!"

"Oo na teka lang." at nagtsinelas na ako. Bayan e! Gustong gusto ko nang matulog ulit. Si Kier kasi e. Tinakot ako kagabi late na tuloy ako nakatulog.

Humihikab pa ako pababa ng hagdan nang makita ko kung sino yung bisita na sinasabi ni kuya. At take note bwisita sya hindi bisita.

"Huwag kang masydong ngumanga Hope. Baka mapasukan ng langaw. Pati laway tulo oh! Alam ko naman na gwapo ako e." Putek! Naka nganga ako? Di ko napansin yun ah. Tae! Gusto ko syang yakapin kaso kunyari hindi ako excited. Hahaha

"Ano pong maililingkod ko sa inyo ser?" Boring na tanong ko. Aba'y gumwapo nga ang loko. Nagmature ang itsura! Uso ba yon? xD

"Ganyan ka ba magwelcome ng gwapo? Super na appreciate ko." Sarcatic na sabi nya.

"Pwede pakituro sa akin kung saan banda? Ang kapal mo talaga po ples." Sabi ko habang naglalakad papunta doon sa katapat nyang upuan.

Tinuro nya yung mukha nya tapos nag pogi pose. Jusko lord! Kunin nyo na po sya.

HOPETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon