chapter dose❤

21 4 0
                                    

Iunna
-hi bebe😻
Salamat sa pag vote at pagbasa. It means a lot to me lalo na at wannabe lang ako😝
Pagpatuloy lang yan. Hihihi.
Anyways. Chptr10-11 ay sinulat ko habang nakatingga ako dto sa hospital. (Bantay Kay lil boss)
And again, sorry kung napakaraming typos,errors at xgrammar here. Hindi rin kasi fluent sa English😭😭trying hard here. Hihihi.
So ayon, keep on reading.
Xoxo💋❤

†************""""""****

Tutop pa rin ni Nalia ang kanyang dibdib. Kanina pa siya iniwan ni Korr pagkatapos nitong magsalita ng Hindi niya naintindihan at lakumusin siya ng muli ng halik. Parang tulisan itong tumalilis at nagiwan pa ng kindat na ngpadagdag sa pagbilis ng kanyang puso.

Pilit niya itong pinapakalma sa pamamagitan ng mabining paghagod dito while chanting in her head that it was nothing.

So far, it was working because slowly, she is regaining the calmness na nawala kanina ng mahalikan siya.

'Hindi maari to Naih.' Piping saway niya sa kanyang sarili.

'Pero nagustuhan mo Hindi ba? Sa to too lang,hinahanap hanap mo ang halik sayo ng lalaking iyon!'

'Oo! Pero Hindi maaaring magpatuloy sa ganyan! Ni wala kayong relasyon para magkaroon siya ng karapatan na halikan ka!'

Her thoughts are torn between liking his kisses too much and telling herself that it was not right.

Everything is new to her. SHe never be in any relationship so how on earth she would know what to do?

And for the sake of goodness, ni Hindi pa siya nagkakanobyo.

'"Pero bakit sa kabila ng pag Iwas ko, hinahanap ko ang kanyang halik? Baket ganito kabilis ang tibok ng puso ko sa tuwing nakikita ko siya? Ni ang makausap at mahawakan siya, parang aatakihin ako!" Mahinang saad niya.

'Mahabaging Maria, ano nga ba ito?'

Lumipas ang ilang sandali bago niya napagpasyahang pumasok sa loob at magtungo sa kanyang silid.

Maghahating gabi na pero nananatiling dilat ang kanyang mga mata.

Pabiling biling siya sa kama pero Hindi pa din niya nakuha ang antok.
Why? Sa bawat pagpikit ng kanyang mata, ang imahe ni Korr ang nakikita niya sa kanyang balintataw.

"Arghhh! Shemay kang magnanakaw na halik ka! May gayuma ba ang bibig mo at Hindi ako patahimikin!?" Hapong hapo niyang sapo ang unan,niyakap ito ng mahigpit and frustratedly scream.

Hinayaan lang niyang manatili ang imahe ng binata sa kanyang isip hanggang sa tuluyan na siyang lamunin ng antok.

  Kinabukasan, bumangon siya ng narinig ang tunog ng alarm clock.

Inabot niya ang kanyang salamin na NASA bedside table at pumasok sa banyo upang maghanda para pumasok.

Naabutan niyang NASA sala si Noona at nanunuod ng TV.alas nwebe na ng umaga kaya Hindi siya magtataka kung wala na ang ama sa kanilang bahay.
Well, madalang lang naman sila magsalo sa agahan dahil paniguradong puyat na naman ang kanyang mga ate.

FALL FOR YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon