"Good morning meine dame."Napapitlag si Nalia pagkarinig sa baritonong Bose's ni Korr.
Sinipat niya ang kabuoan ng binatang prenteng nakasandal sa gamba ng kanilang pintuan.
At gaya ng inaasahan niya, napakisig nito sa suot nitong rugged pants at plain T-shirt.
Bakas dun ang namumutok nitong abs.Bago pa magkasala ang mga mata niya at kung ano pa ang maisip niya, ginawi niya ang paningin sa iniinum na kape.
"I said Good morning meine Dame" he said while his famous lopsided smile was evident in his face.
"Nalia Mendez ang pangalan ko at Hindi yang 'meyn' na sinasabi mo" masungit niyang tugon.
He softly chuckle and it makes her heart beat faster again.
Shemay! Bakit lagi na lang bumibilis ang tibok ng puso ko sa tuwing malapit ang mr,.kissnapper na to.
Baka magkasakit ako nito huhuhu.
She silently said to herself."Still grumpy I see. Alam mo gustong gusto Kong nakikita lang nagsusungit sa akin but at the same time, I see some emotions lingering in your eyes. Your action is a contradiction of your emotion" anito at tumabi sa kanya.
"Hump. Sinasabi mo diyan." Nakaingos niyang wika.
"That's why I'm always amaze at you meine dame." Anito ng pabulong.
Ang mainitt nitong hininga ay naglandas sa kabuoan ng kanyang tenga that sends an electrifying sensation all over her body..Pumiksi siya at bahagyang umurong. She still feel that sensation kahit may isang dangkal na ang agwat nila sa isat-isa.
Hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa kanya sa pagkakalapit nilang ito kaya minabuti niyang lagyan ng distansya ang kanilang pagitan.Mahirap na at baka kung saan pa tagpo mauwi ang closeness na ito.
"Hindi ko naiintindihan ang sinasabi mo. Ilang beses mo na along sinasabihan ng ganyan eh ikaw lang naman ang nakakaintindi. Minumura mo ba ako?" Mulagat niyang tanong sa kanya.
Muling humalakhak ang binata but this time is loud and long.
"Kainis lang kausap. Lagi mo na lang ako tinatawanan. Nakaka insulto ka alam mo ba yun?" Nakalabi niyang reklamo dito.
Ilang segondo pa ang lumipas bago ito tumigil sa pagtawa pero ang mukha nito ay kababakasan pa rin ng pagtawa.
"Hindi kita minumura meine dame."
"Nalia nga sabi. Oh di kaya ay Naih. Hindi yang kung anong sinasabi mong ka-alienan mo"
"Relax. Walang masamang ibig sabihin yun."
"Eh anong ibig sabihin nun? Pakiramdam ko kasi minumura mo ako"
"Why would I do that?"
"Malay ko sayo!" Singhal niya.
Ngumisi ito. "Then I wouldn't tell you what's the meaning of that hanggat sinusungitan mo ako"
"Tsss. Dining tinakot mo. Di wag mo sabihin sa akin. Di kita kakausapin" maktol niya.
"Sege, kapag Hindi mo ako kinausap, hahalikan kitang muli" nakangisi nitong hamon.
"Waaah!" Mulagat niya. "Subukan mo at kakagatin kita!" Banta niya pero nagsisimula na siyang kabahan. Baka kasi totohanin nito, mahirap na.
"Huhmm. Do it. That's more I like it meine dame." Ana's nito sa kanya ng mukha. Hindi niya namalayang ganun nito kabilis nilapit ang mukha sa mukha niya.
Hindi siya makasagot sapagkat Hindi niya malaman kung ano ang sasabihin lalo na at nang namasid niya ang mukha nitong nakatunghay sa kanya. List is evident in his eyes. Tutok na tutok ang mga mata nito sa kanya ng bahagyang nakaawang na labi.
Pakiramdam niya na istatwa siya.
She tried to cleared her throat and find her courage to speak pero sa halip,paanas niya itong nasambit."A-are you going to kiss me again?" Pautal niyang nasabi at halos pabulong. Ni Hindi siya halos makapaniwala na iyon ang lumabs sa kanya ng bibig.
Napasinghao siya ng mahina at napakurap ng ilang beses.Nararamdaman niya kasing pumapasok ang hininga nito sa loob ng kanyang bibig.
Ganun sila kalapit.
"You know how much I really wanted to do it meine dame." Nilapat nito ang kanyang noo sa noo niya. Napapikit siya ng maramdaman niyang magkadikit ang dulo ng kanilang ilong.
Isang maling kilos lang at maglalapat na ng tuluyan ang kanilang labi.
"But I'm trying to control myself. Ayokong isipin mo na binabastos kita. Kaya kahit gustong gusto ko, wag muna" mahinang Ana's nito.
Nalilitong matiim niya nitong tinitigan bago tuluyang pumasok sa kanya ng isip ang tinuran nito.
"A-ah. I-i. O-okey?" Pautal niyang sagot.
"For the meantime, can I ask you to go out with me?"
"Ha?" Nabibigla niyang tanong .Hindi kasi siya sigururado sa kanya ng narinig.
"I'm asking kung pwede
Kang yayaing lumabas."Na lang ang a si yang tumitig fito.
"You're asking me for a date? "
"Precisely." Anito.
"L-like Yung ginagawa ng iba? K-kakain sa lavas, manonood ng sine, ma-mamasyal?" Paniniyak niya.
He nodded. "If that's the concept of dating, so be it. Just say yes please? " nagsusumamong tanong nito.
"B-bakit?" Nalilitong tanong niya?
Napakunot noo ang binata sa kanyang tinuran. "Anong bakit meine dame?"
"Bakit mo ako niyayaya?"
"Bakit Hindi? I want to make things right and in order."
"What do you mean?"
Huminga ito ng malalim bago sumagot. "I just want to be with you."
"H-hindi ka ba nahihiya na kasama ako?"
"Bakit naman ako mahihiya??" Nagtatakang tanong nito.
"Kasi ganito ang itsura ko. Kasi ganitong lang ako" paanas niyang sagOt.
Malalim siya nitong tinitigan tila inaarok ang ibig niyang sabihin.
Hinawakan siya sa kanyang baba at bahagyang iniangat ito upang magtama ang kanilang paningin.
"There's nothing wrong with you and how do you look meine dame. And one more thing, for me, you're pretty.
Beautiful rather. So please? Please say yes?" Bakas sa mga mata nito ang kaseryosohan at pagsusumamong pumayag siya.Alam niya sa kanya ng sarili na gusto niyang pagbigyan ito sa hinihiling.
Kaipokretuhan kung sasabihin niyang ayaw niya dahil alam niyang gusto ng kanyang isip at puso.Ganun pa man, nagdadalawang isip siya. Ito ang unang beses na lalabas siya at may kasamang lalaki. Na Hindi lang basta bastang lalaki,kundi ubod ng kisig na lalaki.
Sino ba naman ang Hindi magaalangan kung ang kasama ng hunk na iyon ay ang manang at napagiwanan na ng panahon kung makapagsuot ng damit na tulad niya?Papayag ba siya?
Ilang Segundo din siyang nag isip bago ngumiti sa naghihintay ng kanyang isasagot."S-sege. Payag ako" nakangiti niyang tugon.
Lumarawan sa mukha ni Korr ang galak sa kanyang sinabi at walang sabi saving idinampi into ang kanyang labi sa malambot niyang labi.
Mabilis lang ito. Parang dumamping hangin lang pero hindi iyon dahilan para Hindi muling bumilis ang pintig ng kanyang puso.
Hinampas niya sa balikat ang natatawang si Korr.
"Akala ko ba control yourself!" Nanggigigil niyang saad na sinagot lang nito ng ngisi.---
Iunna.
BINABASA MO ANG
FALL FOR YOU
RomanceUgly duckling kung ituring siya ng kanyang pamilya. Why ? Siya ba naman mabiyayaan ng apat na nakakatandang ate na nung nagsabog ng kagandahan ang "dyosa ng mga alindog" ay tanging sila lamang ang nakasalo. Samantalang siya, ayon, tulog. Until a ver...