Chapter 1

5.2K 170 3
                                    

"hey.. ready ka na?" tanong niya sa'kin..

"oo.. ewan.. hindi ko alam.." sagot ko na hindi na siya nilingon..

ngayon na kasi kami pupunta sa Magic World para mag-aral.. kinakabahan ako.. Halos sampung taon kaming namalagi dito sa mortal world.. Para maging ligtas ako.. Maraming nagtatangkang paslangin kami ng pamilya ko noong nasa Magic World pa kami.. Kamusta na kaya sila? Miss na miss ko na sila.

Tumayo ako at isinakbit ang bag ko sa likod ko.. Nag-cast ako ng spell para magbukas ng portal.. May lagusang nabuo sa harapan namin at alam ko kung saan patungo to..

hinarap ko muna siya.. "gaya ng napag-usapan?" sabay abot ng kamay ko sa kanya..

inabot niya ito.. "yes. gaya ng napag-usapan." ngumiti siya.. At tuluyan na kaming pumasok sa lagusan ng magkahawak kamay..

--------------
Ng imulat ko ang aking mga mata.. Nasa harap kami ng isang malaking gate na kulay ginto.. Pinagmasdan ko ang paligid.. Maraming tao rin na tila kararating din.. Mga kasing edad ko rin siguro..

Napadako ang tingin ko kay Frost. Nakangiti siya.. Wala na siya sa tabi ko at medyo malayo siya dito sa kinatatayuan ko. Nginitian ko din siya..

Bigla akong napatingin sa harap namin ng biglang bumukas ang gate.

Napangiti ako.

This must be a new journey.
Good luck sa'kin.
Sa amin.
Sana maging ok lang ang lahat sa pamamalagi namin dito..
Sana ligtas ako..

Pumasok na ang iba. Ako ang nasa pinakalikod. Napahinto ako at biglang lumingon sa likod ko..

Sandali??

Parang may mali..

Nabigla ako ng may bumato sa'kin ng mga dagger.. Tumambling ako ng dalawang beses patalikod para iwasan ang atakeng yun.

And I made it.. A perfect landing.. Hahahaha..

Liningon ko ang mga kasama ko. Nakapasok na sila. Ako na lang ang natitira sa labas. Halata sa mukha nila ang gulat at may konting pagtataka. Inalis ko ang bag nasa likod ko at inilapag sa lupa.

Itinuon ko ang atensyon ko sa mga kalaban sa harapan ko. They are invinsible but i can sense them.. Their just like a ninja.. Ang bilis nilang kumilos.. God! I can't reveal my true power. Not now. Shit.

Tumalon ako sa kaliwa ko at bahagyang yumuko at isinangga ko ang isang kamay ko para panangga sa atakeng ginagawa ng bwisit na to. He's kick was strong.

Dumistansya ako para subukan kong mag-counter attack sa kanya.. Sipa, suntok at tadyak ang ginawa ko pero mabilis niya lang itong naiilagan..

-------------
Frost's POV

Tuluyan na kaming nakapasok sa malaking gate. Hindi ko matanaw si Yves. Saan naman kaya siya nagpunta? May napag-usapan kami kaya kahit nagkukunwari kaming hindi kami magkakilala dito sa Magic World, proprotektahan ko siya. I have to keep my eyes on him. Mahirap na baka mapahamak siya at kapag nangyari yun. Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

Naagaw ng atensyon ko ng halos lahat ng kabataang kasama ko ay tumigil sa paglalakad at lahat sila ay nakatingin sa labas. Kaya tiningnan ko kung anong tinitingnan nila.

WHAT THE??!!!

SERIOUSLY??!!!

Ano ba na namang trip to Yves?? My god.
Sumusuntok lang naman siya sa hangin. May pasipa sipa pa siyang nalalaman. He's jumping, flipping, at parang may iniilagan siya. May kalaban ba siya??

He's totally an insane. And he's getting too much attention..

Pero nabigla ako ng may nagpakitang limang kalalakihan na nakasuot na parang ninja. At may hawak silang iba't ibang klase ng mga sandata.

The Dragon PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon