Chapter 19

1.7K 109 3
                                    

Yves's POV

Isang oras din kaming nagpahinga. Natuyo na rin ako. Isinukbit ko na rin ang bag ko sa likod ko dahil napagpasyahan naming ipagpatuloy ang paglalakbay namin. Tumayo na ako pero napatigil ako ng makaramdam ako ng malakas na kapangyarihan na nasa paligid lang. Luminga linga ako para inspeksyunin ang buong paligid. Inactivate ko na rin ang Elemental sight ko kung sakali mang may umatake sa aming halimaw. Hindi ito basta basta dahil ramdam ko ang lakas nito.

"Yves, may problema ba?" pagtawag sa akin ni Aries ng makalapit na siya sa kinaroroonan namin ni Cris.

"may malakas na pwersa sa paligid. nasa malapit lang ito." seryosong sambit ko.

Tumigil ako ng mapagtantong nasa loob ito ng gubat. Kaya tumakbo na ako papaloob sa kagubatan. Tumalon ako sa isang sanga ng puno at mabilis na nagpalipat lipat dito. Narinig ko pang tinatawag nila ang pangalan ko pero hindi na ako nagpapigil dito. Kailangan kong mahanap ito. Dahil ramdam ko na hindi ito kalaban.

---------
Cris's POV

Nabigla ako ng may maramdaman akong kakaiba sa paligid. Pero hindi ko na ito ipinahalata sa mga kasama ko. Lalakad na sana kami ng sabihin ni Yves na may nararamdaman siyang isang malakas na kapangyarihan na nasa paligid lang. Tinitignan ko lamang siya habang lumilinga linga sa paligid namin. Pero nabigla ako ng bigla siyang tumalon paitaas sa isang puno at mabilis na nagpalipat lipat sa mga sanga ng mga ito. Tinawag ko siya pero hindi na siya nakinig. Matigas talaga ang ulo ng isang ito. Padalus dalos kung gumawa ng aksyon. Kaya wala na kaming nagawa kundi sumunod sa kanya.

May malakas na kapangyarihan din akong naramdaman kay Yves ng sinusubukan niyang hanapin ang pinanggagalingan ng malakas na pwersang nararamdaman niya. Binalewala ko na lamang ito.

Palipat lipat kami sa mga puno ng may umalingawngaw na malakas na pagsabog sa buong paligid. Kaya nagmadali na ako kung saan ito nanggaling. Baka napano na si Yves.

-------------
Yves's POV

Tumalon ako pababa sa lupa ng marating ko ang pinanggalingan ng pagsabog. Pero bago pa ako makababa ay itinapat ko na ang palad ko sa mga nakaitim na cloak. May lumabas na dalawang magic circle sa magkabilang side ko at may lumabas na mga ugat ng puno dito at mabilis na humaba paatake sa mga nakacloak. Nakailag ang mga ito sa ginawa kong pag-atake. Tuluyan na akong nakababa. Binalot ko ang kinaroroonan ko ng mga ugat ng puno ng subukan nila akong paulanan ng mga matutulis na bagay na kulay itim. Ng matamaan ang ginawa kong shield ay biglang sumabog ang mga ibinato nila sa akin.

Pinawala ko ang shield ko. Kung titignan ay maraming nawasak na mga puno dito sa kinaroroonan namin. Lima silang lahat na nakaitim na cloak. Itinapat ko ang palad ko. May lumitaw na magic circle sa kanilang kinatatayuan at binalot ko sila ng mga ugat na puno. Tsaka ko binato ng mga bolang kulay berde. Nagkaroon ng pagsabog sa kanilang kinatatayuan dulot ng ibinato ko sa kanilang bolang berde.


Kasunod nun ay ang pag-ulan ng mga bolang apoy at may matutulis na bagay na kulay violet na nanggaling sa itaas sa may likod ko paatake sa mga nakaitim na cloak. Napatakip na lang ako sa aking mata ng magdulot ito ng malakas na pagsabog.

"Ayos ka lang?" si Cris. Nasa tabi ko na siya. Nakahawak siya sa braso ko. Tumango ako.

"Mukhang nakatakas sila." si Jack ang nagsalita.

"Bakit nandito sila?" si Ruby.

"sinong sila?" curious kong tanong.

"Black Shadows." si Cris.

"Pero anong pinunta nila dito?" si Ruby.

"Hindi ko alam." si Cris.

Nawala na ang malakas na pwersa na kanina ko pa nararamdaman. Pero napatingin ako sa isang maliit na leon na nasa paanan ng isang puno. Mukhang may sugat siya. Linapitan ko ito. Tinanggal ko ang jacket sa beywang ko at lumuhod ako. Ibinalot ko ito sa maliit na leon na nasa harapan ko. Kinarga ko ito at ihinarap sa mga kasama ko. Na nasa likod ko na pala sila.

"wow. White leon." komento ni Ruby na parang nasisiyahan sa nakikita. Tama nga. Isang kulay na puting leon ang karga karga ko. Para itong isang baby leon. Sa totoo lang, ang cute niya. "Wait. Ako na ang bahala sa mga sugat niya." sabi ulit ni Ruby.

Itinapat niya ang palad niya sa baby leon. Umilaw ang palad niya at napapikit na lang ang leon na karga ko. Unti unting nawawala ang mga sugat sa katawan niya. Napangiti ako.

"Is that a mythical creature?" si Aries.

"Parang." si Jack.

"It's a rare one." si Ruby.

"Pwede bang gawing pet ito?" tanong ko.

"yes. It's up to you." si Cris. Lumapit siya at bahagyang ginulo ang buhok ko.

"Loki. Loki ang magiging pangalan mo." sabi ko sa baby leon na karga ko. Mukhang nasiyahan siya sa sinabi ko.

"Tara na. Malayo pa ang lalakarin natin." si Cris. Nagsimula na kaming maglakad. Hinanap muna namin ang ilog dahil ito ang magiging gabay namin patungo sa bundok. Nang mahanap namin ito ay sinundan na namin ito.

Hapon na ng marating namin ang paanan ng bundok. Kailangang akyatin daw namin ito para marating ang Sydra Valley na nasa kabila lang nito. Nagsimula na kaming umakyat dito. Habang tumatagal ay parang may sumusunod sa amin. Hindi ko na lamang inintindi ito.

Inabot kami ng ilang oras sa pag-akyat nito. Narating din namin ito at tanaw na tanaw na namin ang Sydra Valley. Nadismaya ako sa nakita ko. Napakalawak nito. Nababalot ng buhangin ang kabuuan ng Valley. Napatingin ako kay Loki ng bigla itong naging agresibo.

"hey. hey. calm down Loki." sabi ko sabay himas sa likod nito. Agad naman siyang sumunod pero nakatitig pa rin sa may Valley. Mukhang may peligro na namang nakaabang sa amin.

Napagdesisyonan naming magpahinga muna dito at pag-usapan kung ano ang gagawin namin. Inilapag ko si Loki. Naglabas ako ng tubig at pwedeng makain sa bag ko. Ganun din ang mga kasama ko.

"may mga tao pa bang nakatira diyan?" tanong ni Ruby.

Biglang may sandstorm na dumating at dahilan yun para balutin ng alikabok ang buong paligid ng Valley. Ang saklap. Nakakapanghinayang. Siguro, maganda dito kung hindi lang dumating ang disaster na ito.

"baka wala na. kasi mas gugustuhin ko ng lumikas at lumipat sa ibang lugar keysa manatili diyan." si Jack.

"kung wala nga ay bakit pa tayo pinadala dito?. sino ang nag-request ng tulong natin?" si Aries.

"Tama. Baka may taong naninirahan pa diyan." si Cris.

Nakikinig lang ako sa mga sinasabi nila. Napagdesisyonan rin namin na bukas na kami lalakad at gagawa ng aksyon. Kaya nagtayo na ang mga kasama namin ng mga tent. Dalawa lang pala ang nadala naming tent. Nagsindi na rin sila ng bonfire na magsisilbing ilaw namin. Salitan ang pagbabantay. Sa isang tent ay dun matutulog si Ruby samantalang sa isang tent naman ay sina Aries at Jack. Napagdesisyonan kong magbabantay muna ako kasama si Cris na sinang ayunan naman nila. Mukhang pagod na pagod sila.

Ibinaba ko ang bag ko malapit sa tent. Kinuha ko si Loki na natutulog. Inilapag ko siya malapit sa bag ko at kinumutan ito gamit ang jacket ko. Tumayo ako at tumalon sa isang sanga ng puno. Umupo ako dito. Medyo malamig ang gabi. Napayakap na lang ako sa sarili ko. Ang lagkit na ng pakiramdam ko. Buong maghapong wala akong ligo. My god.

Napalingon ako sa tabi ko ng may umupo sa tabi ko. Si Cris. Hinawakan niya ang beywang ko. Feeling ko ay secured ako kapag siya ang nasa tabi ko. Sumandal siya sa puno at isinandal ko na rin ang ulo ko sa may balikat nito. Ipinikit ko ang mga mata ko. Pero bigla akong napamulat ng maalala kong kailangan ko palang magbantay.

"hey. Yves, ok lang. magpahinga ka na. Ako na ang magbabantay." Tinignan ko siya. Ang aliwalas ng mukha niya. Sapat na ang liwanag ng buwan para maaninag ko ang mukha niya.

Unti-unting lumapit ang mukha niya sa akin. Hinawakan niya ang baba ko. At tuluyan nang nagdikit ang mga labi namin. Nagsimulang tumibok ang puso ko ng mabilis. Hindi ko maintindihan. Nagsimulang gumalaw ang bibig niya. At sinabayan ko ito.

Pero pagkaraan ng ilang sandali ay kumalas ako. Tinignan ko muna siya bago ako tumayo at tumalon pababa sa lupa.

Hindi ito maaari.
Hindi pwedeng mangyari ito.

----------
Ok lang ba ang takbo ng story ko??
Sad to say. I'm sorry kung hindi maganda ang takbo ng story kong ito.

Leave comment.
Just Vote.

The Dragon PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon