Chapter 107

289 33 0
                                    

Yves's POV


Inihanda ko na ang sarili ko habang karga ko si Dale. Nasa harap namin si Cris. Isa isang lumitaw ang mga lalakeng may pakpak. Nakalutang sila sa itaas namin. Napansin ko ring may mga babae silang kasama. Hinawakan ko si Cris at ibinigay sa kanya si Dale ng tumingin ito sa akin. Ngumiti ako sa kanya.


"Hindi kami pumunta dito para makipaglaban." panimula ko. Naglakad ako ng ilang hakbang palapit sa kanila. "Pumunta kami dito para humingi ng tulong." Wala akong nakuhang sagot sa kanila. Nanatili silang nakatingin sa amin.

Napalingon ako sa likod ko ng marinig kong sumigaw si Cris. Nakita kong nahulog sila at mabilis na bumulusok pababa. Agad akong tumalon pababa at mabilis na nagpalit ng anyo. Lumipad ako patungo sa kanila. Sinubukan ko silang hawakan gamit ang kamay ko. Ibinato ko sila paitaas ng mahawakan ko si Cris para makasakay sa likod ko. Pagkasakay nila ay lumipad ulit kami paitaas. Lumapag ako sa ulap kung nasaan kami kanina.

"Diyan lang kayo.." utos ko kay Cris na nakasakay pa rin sila sa likod ko. "Baka may gawin na naman silang hindi maganda."


Nanatili silang nakatingin sa amin. Ang ilan ay nagulat dahil sa akin. Inihanda ko ang sarili ko ng lumipad ang isang lalake palapit sa amin. Lumapag ito sa harap namin. Nabigla ako ng lumuhod ito sa harap ko.


"Kung hindi ako nagkakamali... kilala niyo ba ang babaeng nagngangalang... Lucy Heartfillia?" tanong niya ng makatayo na ito. Umalis sina Cris sa likod ko at unti unti akong bumalik sa pagiging tao ko.


"Siya po ang Ina ko." sagot ko sa kanya.



Ngumiti ito. "Tama nga ang hinala ko..." ngumiti na rin ako. "Ano nga ba ang pinunta niyo dito?"



"Kailangan namin ang tulong ng mga Deity."


Tinignan niya ang anak ko. "Dahil sa kanya, di ba?"



Tinignan ko na rin ang anak ko. "Archangel's Blessing.. kailangan namin ito para sa kanya."




"Kung ganun ay tara na.. Hinihintay na nila tayo." masayang sabi niya. Lumapit na rin ang ibang mga kasama niya. Nauna na siyang naglakad kaya sumunod lang kami sa kanya. Hindi na ako nagsalita habang naglalakad kami. Tumigil kami ng nasa harap na kami ng isang gintong gate. Napansin ko rin na may mga halaman sa itaas ng mga ulap. Unti unting nagbukas ang gate.



"Hindi na namin kayo masasamahan.." nakangiting sabi niya. Napag-alaman kong mga Angel sila at sila ang nagbabantay sa labas ng Land of Deity. "Hanggang dito na lang kami.." Tumango ako. "Huwag kayong mag-alala.. Alam nilang nandito kayo at inaasahan nila ang pagdating niyo." nagpasalamat lang kami sa kanila bago kami pumasok. Inilibot ko ang paningin ko. May mga puno sa paligid at may mga tubig na nakalutang at umaagos sa mga ulap. Liningon ko ang likod namin pero wala na ang gate dito. Naglakad lakad kami para tignan ang paligid.




"Mabuti naman at nakarating kayo." salubong sa amin ng isang lalake. Nakasuot ito ng puting damit at may mga tela na nakalutang palibot sa kanya. "Ako si Bagwis.. Ang Diyos ng Hangin." sabi niya. Dahan dahan kaming lumuhod sa harap niya dahilan yun para tumawa siya. "Isa ka sa amin.. Kaya huwag mo na dapat gawin yan." napaangat ang ulo ko para tignan siya. Tumayo kami.


"Sumunod kayo sa akin." utos niya. Naglakad na ito kaya sumunod kami sa kanya. "Ano pala ang pangalan mo?" tanong niya habang naglalakad.



"Ako si Kaizer... Kaizer Spriggan... ito si Cris Perez.. at si Dale." sagot ko.


Lumingon ito para tignan kami. "Anak mo at asawa mo?" seryoso niyang sabi. Tumango na lamang ako sa kanya dahilan yun para ngumiti siya at ipagpatuloy ang paglalakad niya.



May natanaw akong isang babae at lalake na nakalutang malapit sa isang umaagos na tubig. Lumingon sila ng mapansin nila kami. Kumaway ang babae sa amin pero nakatingin lang ng seryoso ang lalake.



"Si Luffa.. the Earth Goddess.. at si Vulcan.. ang Fire God.." pakilala niya sa amin bago kami naglakad ulit.





"Kanina pa kita hinahanap.." napatingin ako sa babaeng sumulpot. Nakasuot ito ng kulay asul na damit at may maliliit na bilog na tubig na umiikot sa kanya. Ngumiti ito ng mapansin niya kami. "Hindi mo man lang sinabi sa akin na may ginagawa ka." bulong niya kay Bagwis.



"Ako si Aqua.. ang Diyosa ng Tubig." pakilala niya. Yumuko kami sa harap niya. "Pwedeng sumama?" masayang sabi niya kay Bagwis. Tumango na lamang ito bago kami nagpatuloy sa paglalakad.


Hindi nagtagal ay natanaw namin ang isang malawak na sementadong kulay puti. May mga pillar sa gilid nito na nakapalibot. May mga taong nakalutang sa paligid. At sinabi na lang ni Bagwis sa amin na mga Deity sila.




"At isa ka ring Deity... di ba?" napatingin ako kay Aqua. Sakto namang nakatingin ito sa akin.



"Demi-God." sabat ni Bagwis. Naglakad kami palapit sa malawak na sementado.



"Mukhang alam ko na kung bakit nandito kayo." sabi ni Aqua dahilan yun para mapatigil kami sa paglalakad. "Kailangan niyo ang tulong ni Archangel.. di ba?"

Ngumiti ako sa kanya. "Kailangan namin ang blessing niya."


"Pero, sa tingin mo... ganun na lang kadali na makuha mo ito?" paghahamon niya sa akin. Tinignan ko siya ng nagtataka. Pero napatingin ako sa harap namin ng makaramdam ako ng malakas na kapangyarihan. May isang lalakeng bumababa mula sa itaas. May pakpak ito habang nakasuot ng armor. Malakas ang majikang nagmumula sa kanya.



"Archangel... ang Angel Deity.." mahinang sabi ni Bagwis.




"Lumapit kayo dito." malalim na sabi niya sa amin. Sinenyasan kami ni Bagwis na sumunod sa sinabi niya. Umakyat kami sa malawak na sementado at lumapit sa kanya habang nakaupo ito sa isang upuan sa gilid. Karga ni Cris ang anak namin. May mga nakaupo na rin sa tabi niya. "Anong kailangan niyo?"

Lumuhod kami sa harap niya. "Ang Blessing niyo po.." sagot ko habang nakayuko. "Kailangan po namin ito."



"Tumayo kayo.." agad naman namin itong sinunod. "Duel." nagtaka ako sa narinig ko. "Kailangan niyo munang patunayan na karapat dapat kayo para ibigay ko ito sa inyo." Napaatras ako ng isa isang lumitaw sina Aqua, Vulcan, Luffa at Bagwis sa harap namin. Nakalinya sila at nakaharap sila sa amin. "Alam ko kung ano ang kapangyarihan mo.. At alam ko rin na isa kang Demi-God.." nakangising sabi niya. "Patunayan mo ngayon kung ano ang kaya mo."




"It's too dangerous." nag-aalalang sabi ni Cris sa akin. Liningon ko ito.


Ngumiti ako ng pilit. "Alam ko.. pero, susubukan ko... Alang alang sa anak natin." hinawakan ko ang ulo ni Dale habang nakatingin ito sa akin. Hinalikan ko ang noo niya.



"Mag-iingat ka." mahinang sabi ni Cris. Naglakad sila at lumabas sa sementadong parte. Malawak ito para sa gagawing laban. Hinarap ko sila. Napansin ko ang mga taong nakalutang. Marahil ay manonood sila. Inihanda ko ang sarili ko. Napansin kong naghanda na rin ang apat. Ito ang unang beses na makakaharap ako ng mga Deity. Hindi ako sigurado kung kaya ko sila.




Huminga ako ng malalim para kumalma dahil kinakabahan ako.



----------
A/N: Keep reading... don't forget to follow me guys... please... salamat...



(I'm speechless... di ko alam ang sasabihin ko... basta, ang alam ko, masaya na ako...)

The Dragon PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon