Chapter 69

928 68 1
                                    

Yves's POV

"Talaga bang dadalo ako sa pagdiriwang na yan?" hindi makapaniwalang tanong ko kay Cris. Ngayon na kasi ang pagdiriwang para sa pagtatapos ng nasabing Festival. At kailangan ko daw sumama at dapat ay nandun ako.

"Hindi ikaw.. kundi tayo.. magkasama tayong pupunta dun." sabi niya sa akin. Napabuntong hininga na lang ako bago ako pumasok sa banyo para maligo. Pagkalabas ko ay nakapulupot lang ako ng towel sa baywang ko habang pinupunasan ko ang buhok ko ng isa pang towel.

"Are you seducing me?" napatingin ako sa nagsalita. Sinamaan ko lang siya ng tingin dahilan yun para tumawa siya. Lumapit siya sa akin. "Nakahanda na ang isusuot mo. Nasa ibabaw yun ng bed." sabi niya. Hinalikan niya ako sa noo ko bago siya pumasok sa banyo.

Tinungo ko ang kama at nakita ko ang dalawang pares ng damit. Formal ang mga ito. Mapapansin din ang pagkakahawig nila. White ito na may disenyong kulay ginto. Kinuha ko ito at isa isang isinuot. Sakto lang ang sukat nito sa katawan ko. Napangiti ako ng may yumakap sa likod ko.

Ng matapos kaming magbihis ay sabay kaming lumabas ng kwarto. Naabutan namin ang mga kasama namin sa labas ng mga kwarto nila at napagdesisyonan naming sabay sabay na kaming pupunta sa nasabing pagdiriwang. At sa palasyo nila Cris gaganapin.


Pagdating namin ay huminga muna ako ng malalim bago kami pumasok sa isang malaking pinto. Pagpasok namin ay lahat ng mata ay nakatingin sa amin. Sinubukan kong ngumiti ng maramdaman kong hinawakan ni Cris ang kamay ko. Pumunta kami sa isang sulok. Hindi nagtagal ay may isang lalaki na lumapit sa kinaroroonan namin.

Yumuko ito sa harap ni Cris. "Pinatatawag po kayo ng inyong Ama mahal na prinsipe." sabi niya kay Cris.

Napatingin ako sa katabi ko. "Sige." tipid na sagot niya. Ngumiti ito sa akin. "Babalik ako." paalam niya. Tumango lang ako sa kanya.

"Mukhang may problema." sabi ni Warren. Napatingin ako sa kanya. Tinignan ko kung saan siya nakatingin. Nakita kong nakasunod si Cris sa Hari na palabas sa kwartong kinaroroonan namin.

Tumayo ako para sana sundan sila ng humarang ang Reyna sa daraanan ko. Nakangiti ito. "Maaari ba kitang makausap?." malumanay na sabi niya.

Bahagya akong yumuko sa kanya. "Pwede po." sagot ko.

"Sumunod ka sa akin." sabi niya. Naglakad na ito. Nagtaka ako sa inasal niya pero sumunod pa rin ako sa kanya.

Lumabas kami ng kwartong kinaroroonan namin. Napansin kong tinungo niya ang labas at dumiretsiyo sa may garden. "Alam mo naman siguro kung ano ang gusto namin para sa anak namin. At sa susunod na maging Hari ng kahariang ito." panimula niya ng makalapit ako sa kanya.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya ng lumingon ito sa akin. "Alam ko kung anong ugnayan mayroon kayo." seryoso niyang sabi. Napatingin ako sa kanya. "Gusto kong ikaw na mismo ang tumapos sa ugnayang iyon."

"P-pero..." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil nagsalita na ulit ito.

"Wala akong pakialam kung sino ka... Kung saan ka nagmula... At kung saang angkan ka nabibilang.." medyo pasigaw na sabi niya. "Royalty siya kaya dapat sa Royalty din siya mapupunta... At hindi sa mga katulad mo." sabi niya. Tinignan niya ako mula ulo hanggang sa paa.

Parang natapakan ang pagkatao ko dahil sa narinig ko. Yumuko ako.

"Kung mahal mo talaga ang anak ko... Alam mo na kung ano ang gagawin mo... Para sa ikabubuti niya... At para sa ikasasaya niya." sabi niya.

"Masusunod po... Mahal na Reyna." mahinang sagot ko sa kanya.

"Aasahan ko yan." sabi niya. Bago niya ako iniwan. Napaluha na lang ako. Tumingala ako para pigilan ang patak ng mga luha ko. Nanatili akong nakatayo. Kinalma ko muna ang sarili ko bago ako bumalik sa loob.

Tinungo ko agad kung nasaan ang mga kasama ko. Umupo ako sa tabi ni Aries dahilan yun para mapatingin siya sa akin. "Umiyak ka ba?" sabi niya. Napatingin ang ibang kasama namin sa akin.

Ngumiti ako ng pilit. "Ok lang ako... Huwag niyo akong pansinin." sabi ko. Nakatingin lang si Aries sa akin na parang hindi siya naniwala sa sagot ko.

Lumipad si Aria sa balikat ko. Yumakap siya sa pisngi ko. Napangiti ako. "Salamat." mahinang sabi ko sa kanya.

Mula sa kinauupuan ko ay natanaw ko si Cris na may kinakausap siyang babae. Halata sa suot ng babae na isa itong Royalty. Napangiti ako ng mapait. Naalala ko ang sinabi sa akin ng Reyna kanina. Mukhang ito na lang ang pinakamabuting paraan para sa aming dalawa. Para na rin sa ikabubuti niya.

Nakita kong kumapit ang babae sa braso ni Cris pero halata sa kanya na hindi niya ito gusto. Makikita rin sa kanila na may pinag-awayan sila. Iniwas ko ang tingin ko sa kanila ng lumingon si Cris sa kinaroroonan ko.

"May problema... di ba?" kalmadong tanong ni Aries sa akin. Liningon ko siya. Bumuntong hinanga ito ng mapansin niyang hindi ako ok. "Umalis na tayo dito." seryoso niyang sabi. Hinila niya ako dahilan yun para mapatayo ako. Tinungo namin ang pinto para lumabas. Tumigil ito ng nasa isang hallway na kami malayo sa kwartong pinanggalingan namin.

Nabigla ako ng bigla niya akong yakapin. "Ilabas mo na kung ano mang nararamdaman mo ngayon. Nandito lang ako." mahinang sabi niya. Napakapit na lang ako sa damit niya sa tagiliran niya. Nagsimula ng mag-init ang mga mata ko. Napahagulgol na lang ako sa yakap niya.

Hindi agad ako nakapagreact ng may humila sa akin at nakita ko na lang na napaupo na lang sa sahig si Aries habang hawak ng isa niyang kamay ang gilid ng bibig niya. Napatingin ako sa humila sa akin. Nabigla ako ng makita kong si Cris ito. Nakatingin ito ng masama kay Aries. Sinubukan kong tanggalin ang pagkakahawak niya sa akin pero mas lalo niya itong hinigpitan.

Tumigil ako sa ginagawa ko ng tumingin ito sa akin. "Anong ibig sabihin nito?" seryoso niyang sabi. Umiling ako. "Then, what happened?.. Bakit ka umiiyak?" mahinang sabi niya. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko habang pinupunasan ito. Nanatili akong nakatingin sa kanya. Yinakap niya ako.

"Let's end this." mahinang sabi ko. Napakagat ako sa labi ko.

Napabitaw siya sa pagkakayakap niya sa akin. "A-anong... sabi... mo?" hindi makapaniwalang sabi niya. Nakahawak siya sa magkabilang balikat ko.

"Tapusin na natin ito..." sagot ko sa kanya. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. "Let's break up."

"Please... huwag... huwag namang ganito..." sabi niya. Napatingin ako sa kanya ng mapansin ko sa boses niya na bumibigat na ito. Umiiyak na ito. "I can't.. please." mahinang sabi niya. Yinakap niya ako ulit. "Alam mo naman kung gaano kita kamahal, di ba?" sabi niya sa gitna ng pag-iyak niya.

"Hindi na kita mahal." sagot ko sa kanya. Napayuko ako ng bumitaw ulit siya sa pagkakayakap niya sa akin.

"I don't believe you..." seryoso niyang sabi. "Please naman.. pag-usapan muna natin ito.." patuloy lang ito sa pag-iyak niya. "Ayusin natin ito... please..." hinawakan niya ang baba ko para makita ko siya. "Hindi ko kaya kapag nawala ka.."

Tinanggal ko ang kamay niya na nakahawak sa baba ko. "Just... let... me go..." sabi ko sa kanya. Linampasan ko siya at umalis ako sa harap niya. Hindi ko kayang nakikita siyang nasasaktan dahil sa akin. Pero, kailangan ko itong gawin kahit masakit. Napansin kong wala na dito si Aries.

Napatigil ako sa paglalakad ng yumakap ito sa likod ko. "Please... huwag mo kong iwan." Hinawakan ko ang kamay niya na nakayakap sa akin. Tinanggal ko ito. Ng wala na akong marinig na sasabihin niya ay nagsimula na akong maglakad para lisanin ang lugar.

Habang lumalayo ako sa kanya ay unti unting bumibigat ang pakiramdam ko. Tumigil ako sa paglalakad ko ng tuluyan na akong makalabas ng palasyo. Lumingon muna ako dito. "I'm sorry." mahinang sabi ko. "Wala akong lakas ng loob para ipaglaban kita." pagkasabi ko nun ay napaluha na ako.



------------
A/N: Keep reading..

The Dragon PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon