Chapter 9

2.1K 117 0
                                    


Yves's POV

Hindi ko talaga alam kung bakit nakatago ang mga librong yun. Parang tinago nila ang tungkol sa amin. At parang pinatay na nila kami dahil sa ginawa nilang yun.

Bakit ba kasi wala akong matandaan kung nasaan ang eksaktong lokasyon ng aming kaharian. Basta ang alam ko ay sa himpapawid ito at sa ibabaw ng karagatan. Sobrang lawak ng Magic World. Saan ako magsisimula? At tsaka hindi ako basta basta makakalabas ng academy.

Argh. Bumangon ako sa pagkakahiga. Dito ako dumiretsyo sa dormitory namin ng mapagpasyahan kong lumabas na ng library.

Liningon ko ang bintana. Palubog na ang araw. Napansin ko ang libro na nasa study table ko. Napangiti na lang ako. Kailangan kang makita ni Frost.

Tumayo ako at nilapitan ito. Dinampot ko ang librong nasa study table ko. At binalot ng mga maliliit na vines ang librong hawak ko. Mahirap na baka may makakita nito baka mabisto pa ako.

Lumabas na ng kwarto ko dala dala ang libro. Wala pa si Ian. Malamang patungo na dito yun.

Nakasuot ako ng itim na printed t-shirt at itim na pants. Naka black converse shoes din ako. All black. Di ba?

Ng tuluyan na akong makalabas ng dormitory namin ay agad kong tinungo ang gym ng academy. May nakakasalubong akong mga estudyante. May ilan sa kanila na tinitignan ako pero binabalewala ko lang sila.

Ng marating ko ang gym ay agad akong umupo sa pinakamataas na bleacher nito. May mangilan-ngilang estudyanteng busy sa pagtratraining. Tatlong araw na lang at elimination na.

Sana maging maayos ang lahat. Wala sanang mangyayaring masama.

Napapitlag ako ng may marinig akong mga sigaw at tili na nagmumula sa gitna ng gym. May isang estudyanteng nagwawala. Pati kapangyarihan niya ay sumasabay din sa pagwawala niya. Ano bang problema ng isang 'to?

May mga estudyanteng natatamaan ng kanyang kapangyarihan. He's a wizard from Guardian class. Nagcacast siya ng random spells gamit ang fire element. Ang mga wizard kasi ay may kakayahang magcast ng offense magic gamit ang isang element. May kakayahan din silang magcast ng defense, support at healing spells. In short, malaking tulong sa labanan ang mga wizard.

Wait. Nasa under siya ng spell ng puppet controller. Nasa malapit lang ang may pakana nito. Inobserbahan ko ang paligid. Wala akong maramdamang kakaiba. Malas lang kasi, kung nasaan ako, nandun din ang gulo. Sadyang minamalas naman ohhh.

Napailag ako ng may mabilis na fire ball na tatama sana sa'kin sa kinauupuan ko kanina. May mga warriors na dito. Pinipigilan nila ang nagwawalang guardians. Pati na rin pala ang leader nila nandito. Hayst. Stress na naman ito. Naglakad ako pababa, palabas ng gym. Kaya na nila siguro yun.

Aww. Aray. Napahawak ako sa noo ko ng mauntog ako. Wait. May protective shield dito sa buong gym. Kinapa ko ang nasa harapan ko. Tama. May barrier nga dito. Napatigil ako ng may sumabog sa likod ko. Lumingon ako sa pinanggalingan nito.

"Kailangan nating pigilan ang estudyanteng yun bago tayo makakalabas dito." sabi niya habang naka cross ang dalawang espada niya sa harapan niya para panangga sa mga fire ball na binabato sa min ng estudyanteng nagwawala.

Lumingon siya sa'kin. "Alam kong gwapo ako pero baka matunaw ako niyan sa kakatitig mo." sabay kindat tsaka siya ngumiti ng nakakaloko.. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.

"asa ka namang gwapo ka." sabi ko sa kanya. Naglakad ako patungo sa gitna ng gym para harapin ang estudyanteng yun. Tumigil na rin kasi siya sa pag-atake sa amin.

Tumawa lang siya sa sinabi ko. Nilagpasan ko lang siya. Pero alam kong nakatingin lang siya sa'kin. Tumigil ako sa paglalakad. Ilang metro lang ang agwat namin ng estudyanteng kanina pa nagwawala.

"don't worry babe. Proprotektahan kita." sabi niya. Nasa tabi ko na pala siya. Sinamaan ko siya ng tingin.

Nagsummon ako ng Leaf Sword. Itinutok ko sa kanya. Sakto ang dulo ng sword ko sa leeg niya. "pagkatapos ko sa bwisit na lalakeng yan." turo ko sa estudyanteng nagwawala. "ikaw ang isusunod ko." seryosong sambit ko. Napalunok na lang siya ng kanyang laway.

Humarap ako sa gitna. At mabilis na umatake. Pinalitan ko ng PoleArm ang Leaf Sword ko. Buong lakas kong ihinampas sa kanya ang sandatang hawak ko pero may barrier din siya. Kaya sa lakas ng impact ng atake kong yun ay tumilapon ako ng ilang metro. Napadaing ako sa sakit ng tumama ang likod ko sa concrete na wall ng gym.

Nakita kong umaatake na rin ang lokong yun. Pero wala. Malakas ang kumokontrol sa kanya. Tumayo ako. May ilan ding warriors na umaatake sa kanya.

Napangiti na lang ako ng mapansin ko ang mga string na nakakabit sa mga kamay at paa ng estudyanteng nagwawala. Tumingala ako at dun. Nakita ko ang isang taong nakaitim na cloak at may hinahawakan siyang parang x na metal. Iyun siguro ang ginagamit niya para kontrolin ang isang to.

Tumayo ako. Pinalitan ko ng Bow ang PoleArm na hawak ko. Itinutok ko ang bow ko sa kanya. Ng hilain ko ang string nito ay may namuong kulay berdeng arrow dito at sa dulo nito ay may kulay dilaw na namumuong enerhiya.

"Nature Sprung!" sigaw ko sabay bitaw ko sa string ng bow na hawak ko. Ng mapakawalan ko ang arrow ay biglang dumami ang bilang nito at sabay na sabay na pumaitaas at patungo sa taong nakacloak.

Nagkaroon ng pagsabog sa itaas. Naagaw ang atensyon ng lahat dahil sa ginawa kong yun. Ang iba ay nakatingin sa akin habang ang iba ay nakatingin sa itaas. Inactivate ko na rin ang Elemental Sight ko.

Tumalon ako sa kaliwa ko ng agad niya akong atakihin gamit ang String niya. Halatang delikado ang mga yun kapag natamaan ka niya. Ng makapaglanding ako ay agad ko ulit siyang pinatamaan gamit ang arrow ko. Gumawa lang siya ng shield gamit ang thread niya. Hindi lang pala delikado kundi matibay din ang mga ito.

"Let me handle him." nabigla ako ng may nagsalita sa tabi ko. Ang leader ng warriors.

"Nope. I can manage." sabi ko. Hindi niya mapapansin ang mga thread na nakakalat sa paligid. Baka mapahamak siya kapag nahiwa siya ng mga ito. Pero bago pa ko gagawa ng aksyon ay inunahan na niya ako.

Mabilis siyang umatake. Hinabol ko siya at yinakap sa likod niya ng mapansing may string sa harap niya. Nagsummon ako ng dalawang Leaf Sword sa kamay ko at nagform ako ng x sa harap ng Leader ng warriors para panangga sa string. Halata sa kanya ang gulat. Muntik na siya dun.

"Troy." mahinang bigkas niya.

--------

updated.

The Dragon PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon