Chapter 80

711 62 2
                                    

Yves's POV

Pumwesto ako sa harap ni Walden. Nakangisi pa rin siya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Anong ginagawa mo?" narinig kong sabi ni Warren mula sa device na nasa tenga ko. Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa espada tsaka ko hinawakan ang tiyan ko gamit ang isang kamay ko.

"Stay back." seryosong sabi ko. Naghanda na ako. Tumakbo ako tsaka  buong lakas kong ibinato sa kanya ang hawak kong espada. Napangiti ako ng masalo niya ito. Tumalon ako ng malapit na ako sa kanya. Nagsummon ako ng isang Air Sword at buong lakas kong iwinasiwas paatake sa kanya. Tumalon siya pakanan kaya sinundan ko siya ng makalanding ako. Patuloy lang ako sa pag-atake sa kanya pero naiilagan niya lamang ang mga ito. Naaasar ako sa tuwing makikita kong nakangisi ito.

"Please... tumigil na po kayo.." pagpigil ni Fyro sa akin. Nasa harapan ko na ito habang nasa likod nito si Cris. Itinapat ko ang palad ko sa kanya. "Protektahan mo muna siya sa gagawin ko." sagot ko sa kanya. Nagcast ako ng spell. "Spirit Assimilation... Spirit Drive." May lumabas na magic circle sa palad ko tsaka umilaw si Fyro. Hanggang sa umilaw ang katawan ni Cris at ng maglaho ang ilaw ay nakasuot na ito ng Fire Drive. Napangisi ako ng tinignan niya ako ng nagtataka.

Mabilis akong umatake sa kanya gamit ang Air Drive ko. "Air Blast." pagcast ko ng spell sa harap nito. Habang nakatutok ang dulo ng espadang hawak ko sa kanya. Tumilapon ito palayo. Naglakad ako palapit sa kanya. Napansin kong nanunuod na halos lahat ng estudyanteng nandito. Tumigil ako sa paglalakad ko ng makita ko siyang nakatayo. Bigla siyang nawala sa kinatatayuan niya at sumulpot sa harap ko. "Tama na." seryosong sabi niya.

"Pero..." sasagot pa sana ako ng unti-unti niyang tinatanggal ang armor niya. Tinanggal ko na rin ang armor na suot ko. Huminga ako ng malalim.

"Sorry." mahinang sabi niya.

"Galit ka?" tanong ko sa kanya. Umiling ito. "Eh, ba't sumisigaw ka kanina?.. Natatakot na sila sa'yo.." iniwas ko ang tingin ko at tinignan ang mga estudyanteng nandito. Bumalik na rin sila sa mga ginagawa nila.

"Sorry na... please?" napatingin ulit ako sa kanya. Tumango na lang ako. Ngumiti na ito. Itinapat ko ang dalawang palad ko sa kanya para pigilan siya ng tangka niya akong yakapin. Napangiti na lang ako ng sumimangot siya dahil sa ginawa ko.

"Ano bang maitutulong ko dito?" pag-iiba ko ng usapan namin. Habang iniikot ang paningin ko sa mga taong nandito.

"Huwag na... Kami na lang bahala..." nakangiting sabi niya. "Magpahinga ka na lang dun." napatingin ako sa tinuro niya. Wala na akong nagawa ng ihatid niya ako patungo sa isang bench. "Tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka." Tumango na lang ako.

Naglakad na ito pabalik sa kumpulan ng mga estudyante. Nakatutok lang ang atensiyon ko sa kanya. Napangiti ako ng mapansin kong nasa balikat nito si Fyro.

"Ok na kayo?" napatingin ako sa nagsalita. Si Warren. Ngumiti lang ako sa kanya bilang sagot. "Ikaw lang pala ang magpapakalma sa kanya.." napatawa ako sa sinabi niya. "Alam mo bang pagdating niya dito ay galit na siya at lahat ng nasa harapan niya ay sinisigawan niya." hindi makapaniwalang sabi niya.

"Nag-away ba kayo?" tanong niya ulit.

"May hindi lang pinagkaintindihan." tipid na sagot ko. Itinuon ko na ulit ang atensiyon ko kay Cris na panaka-nakang lumilingon sa kinaroroonan namin. Na ngumingiti ito sa tuwing nagtatama ang mga paningin namin.

"emh... excuse me po." napatingin ako sa isang babae.

"yes?" nakangiting sabi ko.

"Yves, right?" tanong niya. Tumango lang ako. "Pinapatawag po kayo ng Headmistress." sabi niya.

The Dragon PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon