Chapter 109

293 30 0
                                    

Yves's POV



"Hindi ko naman gustong umalis siya dito." malungkot na sabi niya. Ang Lolo ko. Si Archangel.

"Pero, bakit po siya umalis?"

"Mahal na mahal niya ang Ama mo." sagot niya. Hindi ito nakatingin sa akin. "Sinubukan ko siyang pigilan.. Dahil ayokong maugnay siya sa mga tao."


"Ano po bang nangyari?" Naramdaman kong hinawakan ni Cris ang kamay ko. Kasama ko siya ngayon at nasa tabi ko siya. Habang sumama muna si Dale sa apat na God at Goddess.



"Nalaman ko na lamang na palihim siyang pumupunta sa mundo niyo sa ibaba.. Pero, huli na nung malaman ko." sabi niya. "Nasa sinapupunan ka na niya noon at wala akong magawa."

"Hindi niyo po ba tanggap ang relasyon nila ng Ama ko?" nag-aalalang tanong ko.


"Isang beses ko lang nakausap ang Ama mo. At masasabi kong mahal na mahal niya ang anak ko."



"Sinabi po sa akin ng Ina ko na hindi na siya pwedeng bumalik dito."

Halatang nagulat siya sa sinabi ko. "Buhay siya?" hindi makapaniwalang sabi niya. Tumango lang ako tsaka ngumiti. "Hindi naman sa ayaw ko siyang pumunta dito.. Pero, may batas na sinusunod kami."

"Pero, anak niyo po siya." sabat ni Cris.

Tumingin siya sa akin. "Alam ko.. At mahal na mahal ko siya.. Pero, wala akong magawa.. Hindi ko pwedeng labagin ang batas namin para lang sa kagustuhan ko."  Huminga ito ng malalim. "Simula nung, pinili niya ang Ama mo.. Hindi ko na siya nakita.."



Ngumiti ako. "Gusto niyo po bang makita siya?"


"Titignan ko." tumango na lamang ako.


"Matutulungan niyo po ba kami?" pagsabat ni Cris sa usapan namin.


"Tungkol sa anak niyo.?" tanong niya. Tumango lamang siya. "Nasaan na nga ba siya?" May ginawa siya at biglang nagpakita si Bagwis sa harap niya karga si Dale. Lumapit siya sa akin at binigay ang anak ko. Lumapit din si Archangel sa amin at hinawakan ang noo ng anak ko. "Paanong?" tiningnan niya kami ng nagtataka. "Puti at itim na majika ang nasa loob niya." Ngumiti ako ng pilit. "Paano nangyari ito?"

"Marahil ay namana niya sa amin." sagot ni Cris. "Nanggaling sa akin ang Dark Magic at kay Yves naman ang Light Magic."

"Hindi pwedeng mangayari ito. Delikado para sa bata." sagot niya. Bahagya itong lumayo sa amin.

"Wala po ba kayong magagawa?" tanong ni Cris.

"Blesssing mula sa akin. Yun lang ang alam kong makakatulong sa inyo." naglakad ito. "Sumunod kayo sa akin."



Tinungo namin ang isang altar. Pumunta ito sa gitna kaya sumunod lang kami. "Seal Magic ang gagawin natin." sabi niya ng nasa gitna na kami nito. "Pero, kailangan ko na munang ilipat ang majika niya sa inyo." Tumingin ako sa kanya ng nagtataka. "Kayo muna ang hahawak ng majika niya at kapag sumapit ang ika-labinwalong kaarawan niya ay babalik na ng kusa sa kanya ang majika niya." Wala na kaming ibang magawa kundi ang pumayag. "Sa ganitong paraan ay magiging ligtas siya."


"Magiging maayos din ang lahat." sabi ni Cris sa amin ng anak ko.

Ikinumpas niya ang kamay niya at biglang nagpakita ang apat na Elemental Gods. "Kailangan ko ng proteksiyon dito sa buong altar." utos niya sa kanila. Na agad naman nilang sinunod. Isa isa silang lumipad paitaas at pumwesto sa apat na direksiyon paikot sa altar. May lumabas na malaking magic circle sa mga likod nila at dalawa sa magkabilang palad nila hanggang sa mapansin ko ang unti unting pagbuo ng barrier palibot sa altar.



"Magsimula na tayo." sabi ni Archangel. Ikinumpas niya ang kamay niya at may umangat na parte ng altar sa harap niya. "Ihiga niyo siya dito." utos niya kaya agad akong lumapit at sinunod ito.

"Nandito lang si Dad.. ok?" sabi ko ng maihiga ko siya. Hinalikan ko siya sa noo. Hinawakan ni Archangel ang noo niya tsaka ito nawalan ng malay.

"Para hindi niya maramdaman ang sakit." sabi niya. Tumango na lamang ako bago ako naglakad palayo para pumwesto sa sinabing pwepwestuhan namin ni Cris. Medyo malayo kami sa isa't isa.


Nagsimula na siyang magcast ng spell. May lumabas na magic circle sa kinatatayuan ko ganun din si Cris. Tinignan ko si Dale ng lumutang ito at may magic circle sa ibaba niya. May sinasabi si Archangel. Hanggang sa may lumabas na mga majika sa katawan ni Dale. Puti at Itim. Nagwawala ito at ang iba ay tumatama sa barrier. Napadaing ako ng may tumama sa braso ko pero hindi ko na ito pinansin kahit nagdudugo na ito.



"Ayos ka lang?" napatingin ako kay Cris ng magsalita siya gamit ang Link namin. Ngumiti lang ako sa kanya bago namin ulit ituon ang atensiyon namin kay Dale. May ginagawa si Archangel at patuloy ang pagcacast niya ng spell. May mga sinasabi siya at hindi ko yun naiintindihan. Napalinga ako sa paligid namin ng unti unting bumabalik ang mga liwanag sa katawan ng anak ko hanggang sa bumalik lahat sa kanya. Napatingin ako sa kinatatayuan ko ng mapansin kong lumiwanag ang magic circle dito. Nararamdaman ko ang malakas na majika na nagmumula dito.


Iniangat ko ang tingin para matignan ko ang anak ko. Nakalutang pa rin ito. Hanggang sa lumabas ng mabilis ang itim at puting liwanag sa katawan ni Dale at mabilis na bumulusok sa kinaroroonan namin ni Cris. Sa akin patungo ang puti habang kay Cris naman ang itim. Naramdaman ko ang malakas na majika ang gustong pumasok sa katawan ko. Masyado itong malakas. Tinatagan ko ang sarili ko ng maramdaman kong nanghihina ang mga paa ko. Pumikit ako ng unti unti ko ng maramdaman na sumasakit na ang buo kong katawan. Nahihirapan na ako. Pero, sinusubukan kong magpakatatag. Para sa anak ko.


Napaluhod na ako ng matapos ang spell. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko dahil nananakit ang buo kong katawan. Tinignan ko si Dale kung nasaan ito. Nakalapag na siya pero wala pa ring malay. Napansin kong nagcast ulit ng spell si Archangel. Napaangat ako ng tingin ng may lumabas na malaking magic circle sa itaas. Wala na ang barrier sa paligid pero nandito pa rin ang apat na God. May lumabas na gintong liwanag mula sa magic circle at tumama kung nasaan si Dale. Napapikit ako ng nagliwanag ang katawan niya. Pero, pagmulat ko ay wala na ito.

"Tapos na." nakangiting sabi ni Archangel. Nakatingin ito sa akin. Unti unti akong tumayo pero napangiwi ako ng may maramdaman pa rin akong sakit sa katawan ko. Agad akong nawala sa kinatatayuan ko at lumitaw sa tabi ng anak ko. Kinarga ko siya kahit masakit pa ang kamay ko.


"Magiging maayos din siya." sabi ni Archangel. "Sa ngayon, hindi na muna niya magagamit ang majikang taglay niya." ngumiti na lamang ako.

"Salamat." bahagya akong yumuko sa harap niya.


"Yves." napatingin ako sa tabi ko. Nandito na si Cris. Halata sa kanya na nahihirapan siya. "Ayos lang ako." nakangiting sabi niya. "Makakaya ko ito." Hinawakan niya ang ulo ni Dale bago niya ito kunin. Hinawakan ko siya sa kabilang braso para hindi ako matumba dahil nanghihina pa ako.


"Sana, ay pangalagaan mo sila.." napatingin ako kay Archangel ng magsalita ito. Nakatingin siya kay Cris.


"Makakaasa po kayo." nakangiting sagot ni Cris sa kanya bago ito yumuko.



"Babalik na kayo?" balik tanong niya sa akin.


Ngumiti ako. "Babalik na po sana kami." Ngumiti siya. "Gusto niyo po bang makita ang Ina ko?" tanong ko sa kanya. Halata sa kanya na nag-aalinlangan ito. "Matutuwa po siya kapag nakita niya po kayo." Tumango na lamang siya.



-----------
A/N: Please... Follow me guys.





(sana patuloy niyo itong suportahan... at sana rin, magustuhan niyo...)

The Dragon PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon