Chapter 70

1.1K 73 15
                                    

Yves's POV

Mag-isa kong tinungo ang cafeteria ng academy para kumain. Maaga pa naman kaya konti palang ang estudyante dito. Umupo ako sa isang gilid. Pagkaraan ng ilang sandali ay napansin kong pumasok dito sina Warren at Jack. Nasa likod nila si Cris na nakatingin ito sa akin. Iniwas ko ang tingin ko at ibinalik ko na ulit ang atensiyon ko sa pagkain. Napatingin ako ng biglang dumapo sina Rain at Fyro sa lamesa sa harap ko.

"May problema po ba?" mahinang tanong ni Rain sa akin. Ngumiti lang ako ng pilit sa kanya.

"Nag-away po ba kayo ni Cris?" si Fyro. Hinawakan ko ang ulo nito gamit ang isang daliri ko.

"Magiging maayos din ang lahat... Pasensiya na." sagot ko sa kanila. "Bantayan niyo na muna siya." Tumango lang sila kahit alam kong labag sa kalooban nila.

Napatingin ako sa tabi ko ng may umupo dito. "Nag-usap kayo kagabi ng Reyna.. ng Ina ko.. di ba?" mahinang sabi niya. "Anong sinabi niya sa'yo?" Hinawakan niya ang braso ko pero tinanggal ko ito. Agad akong tumayo, "Tapos na kung ano mang meron tayo." sabi ko bago ako umalis sa cafeteria.

Tinungo ko ang likod ng academy. Tumigil ako sa paglalakad ko ng nasa kakahuyan na ako.

"Hindi kita pwedeng pakawalan ng ganun na lang." nabigla ako ng may nagsalita sa likod ko. Hindi ko inakalang susundan niya ako hanggang dito.

Humarap ako sa kanya. Pero nabigla ako ng makita kong umiiyak ito. Iniwas ko ang paningin ko sa kanya. "A-a.. Ano ba.. ang hindi mo.. maintindihan sa sinabi ko?" mahinang sabi ko. Naramdaman kong lumapit ito sa akin.

"Kung ano ang dahilan mo kung bakit ginagawa mo ito?" kalmadong sabi niya kahit umiiyak pa din ito.

"Hindi.. na kita.. mahal.." sagot ko sa kanya.

Napatingin ako sa kanya ng lumuhod ito sa harapan ko. "Hindi... hindi ako... naniniwala sa'yo." sabi niya. Yinakap niya ako sa beywang ko. Sinubukan ko itong tanggalin pero mas hinigpitan niya ito. Nasasaktan din ako sa tuwing nahihirapan din siya ng dahil sa akin. Pero, kailangan ko itong gawin.

"Please.. tumayo ka na..." sabi ko.. Napaiyak na din ako. Kumalas siya sa pagkakayakap niya sa akin. Tumayo siya at yinakap niya ako.

"You really... love me, don't you?". sabi niya. Yumakap na lang ako sa kanya.

"I'm sorry..." mahinang sabi ko. Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya.

"Sinabi niya bang... hiwalayan mo ako?" tanong niya. Napakagat labi na lang ako para hindi na ako mapahagulgol. "O, inutusan ka niyang layuan mo ako?" dagdag niya. Napabuntong hininga siya. "Sorry.. wala ako sa tabi mo ng mga oras na yun para ipagtanggol ka sa kanya."

"No.. you can't do that." seryosong sabi ko sa kanya.

"Of course I can." desididong sagot niya. Inilayo niya ang katawan niya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat ko para makita niya ako.

"Ina mo siya... hindi pwedeng ako ang piliin mo.." bulyaw ko sa kanya. "Mas uunahin mo siya kaysa sa akin."

"So, sigurado ka bang..." huminga muna ito ng malalim. Dahil nagsimula na namang pumatak ang mga luha niya. "gusto mo na talagang tapusin ito?" mahinang sabi niya. Pumatak na ang luha nito.

"I'm sorry." mahinang sabi ko. Napayuko na ako. "I'm not that strong to fight for you.." Naramdaman kong binitawan niya ako.

"Kung yan ang gusto mo.." bahagya siyang lumayo sa akin. "Sana,.. hindi mo ito pagsisisihan." Napatingin ako sa kanya ng magsimula na itong maglakad palayo sa kinatatayuan ko. Kinalma ko muna ang sarili ko bago ako bumalik sa dorm ko.

Pagpasok sa room ko ay agad akong humiga sa kama. Yinakap ko ang isang unan tsaka ko isinubsob ang mukha ko dito. Nagsimula ng lumabas ulit ang mga luha ko. Kainis. Hindi nagtagal ay hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako dahil sa kakaiyak.

Nagising na lang ako dahil ss katok na nagmumula sa pinto ng kwarto ko. "Yves?" tawag ni Ian sa akin sa labas. Pinilit kong bumangon para pagbuksan siya. "Shocks..! Anong nangyari sa'yo?" gulat na sabi niya ng makita niya ako. Lumapit na ulit ako sa kama ko para umupo sa gilid nito. Alam kong nakasunod lang siya hanggang sa umupo sa tabi ko.

Sinabi ko ang lahat sa kanya. Kung ano ang nangyari. Wala akong narinig mula sa kanya hanggang sa matapos na akonv magkwento.

"Sorry... ako ang nagsabi kay Cris na kinausap ka ng Reyna ng gabing iyon." sabi niya. Ngumiti lang ako ng pilit sa kanya. "Napansin ko kasing nag-iba ang mood mo ng matapos ang pag-uusap niyo kaya sinabi ko yun sa kanya kanina." dagdag niya.

"Ok lang yun.. wala kang kasalanan." sagot ko sa kanya.

"So?.. anong nangyari sa inyo ni Cris?.. mukhang hindi kayo ok." nag-aalalang tanong niya sa akin.

"Wala na kami." mahinang sabi ko. Tumingala ako para pigilan ang luha ko. Nabigla ako ng yumakap siya sa akin.

"Nandito lang ako..." mahinang sabi niya. "Friends tayo, di ba?" Napatawa na lang ako ng mahina.

"Salamat." -ako.

"Ano ng balak mo ngayon?" tanong niya ng kumalas siya sa pagkakayakap niya sa akin dahil kumalma na din ako.

"Aalis na muna ako dito sa academy.. May hahanapin lang ako." sabi ko. Tumayo na ako para ihanda ang dadalhin kong mga gamit.

"Sasama ako sa'yo." sagot niya.

Liningon ko siya. "Hindi na kailangan. Kaya ko na ito." seryosong sabi ko.

"Nag-aalala ako sa'yo." -Ian.

"No worries... kaya ko na itong mag-isa." pangungumbinsi ko sa kanya.

Tumango na lang ito. "Basta... kung kailangan mo ng  tulong... sabihan mo lang ako... darating ako." sabi niya. Tsaka niya tinuro ang device sa likod ng tenga niya. Oo nga pala. Hindi pa pala natatanggal ang device na binigay ni Ram sa amin. Tumango na lang ako.

"Can you  do me a favor?" tanong ko sa kanya.

"Ano yun?" -Ian.

"Huwag mong sabihin sa iba na aalis ako." sabi ko.

"Pero..." pagdadalawang isip niya. Alam kong sasabihin niya sa iba ang gagawin kong ito. Huminga muna ito ng malalim. "Fine... But promise me, mag-iingat ka.. ok?" sabi niya. Tumango na lang ulit ako.

"Ano ba kasing hahanapin mo?" nagtatakang tanong niya sa akin. Napatingin ako sa kanya.

"Isa sa mga Elemental Guardian.... si Rock." kalmado kong sagot sa kanya habang patuloy ako sa ginagawa kong paghahanda.

"Ano?!..." gulat niyang tanong. "Delikado ang gagawin mo." sigaw niya sa akin.

"Alam ko... Pero, kailangan kong gawin... Siya na lang ang kulang para mabuo ang Elemental Guardian." sagot ko. Humarap ako sa kanya dahil tapos na ako sa ginagawa ko. "Kailangan ko ang tulong niya."

"Kailangan na talaga akong sumama sa'yo." sabi niya. Tsaka ito tumayo.

"Hindi na.." pangungumbinsi ko.

"P-pero..." Ngumiti ako sa kanya dahilan yun para hindi niya matuloy ang sasabihin niya.

"Mas mapapabilis ang paghahanap ko kung mag-isa akong pupunta dun." sabi ko. "And besides, ayokong mapahamak ka. I can handle myself. Trust me.. Babalik ako ng buo." Napatawa ako nv mahina ng mapansin kong nagdadalawang isip siya.

"Hindi talaga ako makampante sa gagawin mong ito." sabi niya habang umiiling ito.

"Babalik ako..." sabi ko ulit. Tumango na lang ito. Hindi nagtagal ay nagpaalam na ito.

Maggagabi na ng maisipan kong umalis ng academy. Liningon ko muna ito bago ako lumabas ng barrier nito.

"Babalik ako... pangako..." mahinang sabi ko. Bago ako naglakbay..

-----------
A/N: Please... follow me guys.

The Dragon PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon