Chapter 57

1.1K 76 3
                                    

Cris's POV

Napatingin ako sa bag na nasa harapan ko. Tsaka ko tinignan kung sino ang naglagay nito sa lamesa. Si Warren. Masama itong nakatingin sa akin.

"Ano yan?" taka kong tanong sa kanya. Tinuro ko ang bag na nasa harap ko.

"Food..." tipid na sagot niya.

"Bigay ni Yves." sabi ni Fyro. Lumipad ito sa harap ng mukha ko. Nakalagay sa harap niya ang dalawa niyang kamay tsaka seryosong nakatingin sa akin. "Pinapasabi niya na kumain ka na daw."

"Nasaan siya?"

"Umalis na siya... Ayaw ka niyang maistorbo.." si Warren. Napatingin ako sa kanya. Ngumiti ito ng nakakaloko.

"Gusto ka niyang makasabay sa lunch para kumain... Kaso, kumakain ka na kaya umalis na lang siya." si Fyro.

"So? Hindi pa siya kumain." mahinang sabi ko. Tinignan ko ang pagkain na nasa harapan ko. Tumayo ako para puntahan siya. Naglakad na ako.

Pero, tumigil din ako ng mapansing kong hindi sumunod si Fyro sa akin. "Hindi ka sasama?" tanong ko sa kanya.

Umiling ito. "Dito lang ako. Sasamahan ko muna si Rain dito." sabi niya. Lumipad na ito palapit kay Rain. Huminga muna ako ng malalim bago ako umalis para hanapin siya.

Pumunta ako sa dorm niya pero wala siya dito. Habang pababa ako ng hagdan ay nagtanong tanong ako sa mga beginner na nakakasalubong ko kung nakita ba nila si Yves pero hindi pa daw nila ito nakikitang bumalik sa room niya. Halos naikot ko na ang lahat ng building dito sa academy. Apat na oras ko na siyang hinahanap. Saan naman kaya siya nagpunta??

"Drake." sigaw ko. Napatingin ito sa akin. Tumakbo ako palapit sa kanya. "Can you do me a favor?." sabi ko ng makalapit ako sa kinaroroonan niya. Tumango na lang ito. "Pakihanap naman si Yves... please?" sabi ko. Ngumiti na lang ito. Pumikit ito. May lumabas na magic circle sa kinatatayuan niya.

Tinignan niya ako. "Nasa library siya." seryosong sabi niya. Nagpasalamat na lang ako sa kanya tsaka ako tumakbo patungo sa library. Ng marating ko ito ay agad akong nagtanong sa babaeng nasa front desk nito. Nagulat siya ng makita ako. Hindi niya siguro inaasahang mapapadpad ako dito. Tinanong ko kung pumasok ba dito si Yves para makasiguro lang ako. Tumango na lang ito. Pumasok ako para hanapin siya. Inikot ko na ang lahat ng sulok nito. Hanggang sa mapadpad ako sa isang pinakasulok na parte ng library. Napatigil ako ng makita ko si Yves na nakasubsob ang ulo niya sa isang lamesa pero nakatagilid ito kaya nakikita ko ang mukha nito. Linapitan ko ito. Mukhang nakatulog siya dito. Umupo ako sa tabi niya. Bahagya kong inilapit ko ang mukha ko sa kanya para makita ko siya ng malapitan. Hinawi ko ang mga buhok niya na natatakpan ang mukha niya. Inayos ko ito. Pero napatigil ako sa ginagawa ko ng mapansin ko ang pisngi nito. Mapapansin pa rin na nabasa ito.

Napamura na lang ako sa isipan ko. Mukhang ako na naman ang dahilan kung bakit umiyak siya. Nasasaktan siya pero mas nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang umiiyak ng dahil sa akin.

"Nasaktan na naman kita... Pasensiya na.." mahinang sabi ko.. Dahan dahan kong pinunasan ang pisngi nito.

--------------

Yves's POV

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko ng maramdaman kong may humahawak sa pisngi ko. Napatingin ako sa kamay niya tsaka ko siya tinignan. Si Cris. Nakatitig ito sa akin. Inayos ko ang pagkakaupo ko.

Humarap siya sa akin. Hinawakan niya ang pisngi ko. Tsaka niya ako hinalikan sa labi ko. Bahagya ko siyang itinulak. Hindi dahil ayaw ko kundi naguguluhan ako sa mga kilos niya. "May problema ba?" tanong ko sa kanya. Tinignan ko ito.

The Dragon PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon