Chapter 87

597 55 1
                                    

Yves's POV

Inihanda ko na ang sarili ko. Dumipa ako at itinapat sa magkabilang gilid ko ang dalawang palad ko. Huminga ako ng malalim.

"Four Elements Forbidden Law." May lumabas na tig-dadalawang magic circle sa gilid ko. White, Green, Blue at Red ang mga ito at pare-parehong umiilaw. Nararamdaman kong maraming maji ang unti-unting nawawala sa katawan ko dahil hindi ko ginamit ang mga Elemental Guardian para dito. Ipwinesto ko ang dalawang kamay ko sa harap ko para maitapat ang mga palad ko kay Cris at para na rin mag-isa ang apat na magic circle. Isang kulay gintong magic circle na lang ang nasa harap ko tsaka may lumabas na magic circle sa kinatatayuan nito at halatang nagulat siya sa mga nangyayari. Ngayon ko lang ito gagawin kaya sana magtagumpay ako.

Inipon ko ang lakas ko at nagcast ng spell. "Elemental... Drive.!" sigaw ko. May lumabas na nakakasilaw na liwanag mula sa magic circle sa ibaba niya at unti-unting binabalot ang katawan niya hanggang sa umilaw ang buo niyang katawan. Kasabay ng pagkawala ng magic circle sa harap ko ang pagkawala ng ilaw na bumabalot kay Cris. Tumambad sa amin ang isang lalakeng nakasuot ng isang kulay gintong armor at may pakpak din ito sa likod nito. May narinig akong mga hiyaw ng mga nandito. Napangiti ako dahil nagtagumpay ako pero agad akong napaluhod ng manghina ang mga paa ko.

"Ayos ka lang?" nabigla ako ng nasa harap ko na ito. Ngumiti ako sa kanya ng maitayo na niya ako. Hinawakan ko ang dibdib niya para matanggal ang armor na suot niya.

Gusto kong makabisado ang spell na ito para protektahan siya kapag nagkataon. Kakailanganin ko ito balang araw.

"Prince." tawag sa akin ni Fyro. Nasa balikat na ito ni Cris. "Pwede po naman niyo kaming tawagin at gamitin ang kapangyarihan namin para sa spell na yun." sabi niya. Tumawa na lang ako.

"Oo nga pala. Hindi ko gaanong nakikita ang mga Air at Fire Element user?" tanong ko sa kanya. Nakahawak pa rin ito sa akin habang naglalakad kami patungo sa isang gilid para umupo.

"Nasa kaharian namin sila. May inaasikaso sila." sagot niya ng makaupo na kami. Nagtaka ako sa sinabi niya. "Kapatid ko ang Fire user. Si Burn. Mas matanda siya ng dalawang taon sa akin. At ang Air Element user naman ay prinsipe rin ng isang kaharian." paliwanag niya kaya tumango na lang ako.

"Huwag mo na ulit gagawin yun." seryoso niyang sabi. Tumango ako pero nakatingin ako sa mga nagsasanay. Napansin ko na rin ang kambal na nakikisabay na rin sa kanila.

"Mukhang, kailangan kong bumuo ng isang grupo." sabi ko.

"Anong grupo?" tanong ng katabi ko. Nakahawak pa rin ito sa beywang ko.

"Dragon Knights." tipid na sagot ko. "Kakailanganin ko ang tulong nila. Sila ang makakasama ko sa frontlines kapag may digmaan."

"Dapat kasama ako."

"Hindi." ngumiti ako ng nakakaloko ng tumingin ako sa kanya. Sumimangot ang mukha niya kaya tumawa ako. "Hindi ka kasali bilang isang Dragon Knight.. Boyfriend kita kaya sapat na yun, di ba?.." Ngumiti ako sa kanya. "Ok na ako basta nandiyan ka sa tabi ko."

Ngumiti na ito dahil sa sinabi ko. Yinakap niya ako sa beywang ko. "Husband na lang kaya?" bulong niya sa tenga ko kaya pinalo ko ng mahina ang kamay niya dahilan yun para tumawa ito.

"Sila." turo ko sa kambal at para na rin maiba ang topic namin. "Kasali sila sa grupong bubuuin ko." Narinig kong sinang-ayunan niya ito bago niya ako bitawan. "Ako mismo ang magsasanay sa kanila."

"Hindi ba delikado yan?" tanong niya.

"Kaya ko pa naman siguro." sabi ko at hinawakan ang tiyan ko gamit ang isa kong kamay. Napatingin ako sa kanya ng hawakan niya ang kamay na nasa tiyan ko.

The Dragon PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon