Day 47 - Tip of the Iceberg

5.7K 576 121
                                    

A/N: So pag may LQ kayo ng partner mo, who you gonna call?

"Ayan tayo beshy e, nadumduman mo lang ako kon may kinahanglan ka sa akon. Ngayong LQ kayo, sa akin ka tatakbo. Nasaan ang hustisya? Alam ko naman, bff lang ako. But I'm still hurt, you know" (naaalala mo lang ako pag may kailangan ka sa akin)

"Ah eh, bes, Diday, di ba magkausap lang tayo nung isang gabi? Nung pinakuwento mo kung ano nangyari sa Aurora? Remember?"

"Baka makalusot lang, beshy. Award season ngayon. Pang-ilang LQ n'yo na nga ito?"

"In 13 days? 2nd. At naiinis pa rin ako!"

"In fairness, pangalawa pa lang. Once a week? Magandang record yan for a new relationship of two strong personalities. At hindi na selos ang dahilan. Improving, I'm very much encouraged. Teka, baka naman kasi bes, gutom ka lang ng mga panahon na 'yon kaya mainit ang ulo mo? Bakit naman 'may I walkout' agad ang drama mo? Dapat you stood your ground, fight till the end! Ganon!"

"Bes, pinagbigyan ko na siya kung paano gagawin 'tong pilot episode na 'to, pa'no gagawin ang investigative report na siyempre hindi ko puwedeng sabihin sa 'yo ang topic. I already allowed him to set kung sino kakausapin namin, kailan, saan. Bes, I was a very good citizen of the Philippines for world peace. I was magnanimous in victory and gracious in defeat! Bes, alam mo kung ga'no ko ka-independent. Tapos isang hirit ko lang, motion denied agad? Sabihin mo nga, am I not entitled to my own opinion and suggestion?"

There was no response from the other line.

"Bes, bakit hindi ka na nagsalita diyan. Walang reaction? Kahit mema lang?"

"Ay sorry bes, pinapanood ko kasi 'tong Morning News ng boyfriend mo at ni Ms. Kara. Alam mo na, supportive bff here. Never missing an episode. Baka bigla mo kong i-quiz at hindi mo ko gawing maid of honor, mahirap na."

"Maid of honor ka diyan! Sorry, but I'm not interested. Hindi ko siya kayang tingnan ngayon."

"Mukha ngang may pinagdadaanan ang mata. Mukhang puyat. Ay ano ba yang mga patayan na yan sa Manila! Always in the news, breakfast, dinner at lunch, laging present sa mga balita. O yung isa o, may fatal wound to the head na, may hiwa pa sa tiyan. Ano ba yan!"

"Ako ba ay may kausap dito, o may kausap dito? O sige manood ka na lang ng balita. Traitor!"

"Eto naman, maka-traitor agad. O ayan na pinatay na ang TV! Pero beshy, alam mo pag si Tisoy mo ang nagbabalita, parang kulang ang dating ng mga crime news. Ang guwapo kasi nung newscaster, parang hindi bad news yung dala."

"Guwapo nga, masyado namang opinionated!"

"Nagsalita ang hindi opinionated. Ako na bff mo, ilang beses ba ko nanalo sa 'yo sa discussion? "

"Eh bakit may pagsumbat?"

"Beshy, wag ako please! Mamaya pag okay na kayo, iba na naman ang dialogue mo. Magtrabaho na tayo at late na ko! Pag-usapan n'yo yang dalawa. Umayos kayo!"

"Sorry na lang siya. Full ang schedule ko ngayon. Sige bes, ang laki ng tulong mo, promise! I'm overwhelmed. Bye"

Maine got out of the house and hailed a passing taxi. She continued thinking about what happened last night. Maybe these are the perils of working with your boyfriend. The work will get in the way of your relationship. Or is it the other way around? The relationship getting in the way of work?

Whatever it is, she's not prepared to talk to him yet. I'm standing by what I believe is right. We should pursue what's written in the journal. Who are the people that Dr. Alvin referred to in the journal when he said he distributed the organs and tissues? Who are the recipients?

The Heart Can See (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon