Day 6 - Who You?

6K 544 175
                                    

A/N: Bilang masaya naman po ang sambayanang ADN kagabi, iyak muna po tayo dito... joke lang po Lola!

PAST: May 19, 2007

"Menggay. Ineng, andito na tayo. Ihahatid na natin ang nanay mo."

"Hindi n'yo pa rin po sinasagot ang tanong ko Nanay Adela. Akala ko po ba wala pang mapapaglibingan si Nanay?"

Inakbayan ng kapitbahay si Menggay. "May pumunta kasi kahapon. Nagmagandang loob na pinapagamit yung lote nila. Tayo pa ba ang tatanggi? Hulog na 'to ng langit.... Handa ka na ba?"

Puwede ba kong tumanggi? Puwede ko bang sabihin huwag muna? Hinawakan ni Menggay ang medyo kulubot nang kamay na nakaakbay sa kanya. "Basta nanay Adela, alam mo kung paano puntahan itong sementeryo ha? Magpapasama ko sa 'yo pag dadalaw ako kay nanay."

Hindi nakakibo si Nanay Adela, hindi niya masabi na kailangan nang sumama ni Menggay sa mga taga-DSWD pagkatapos ng libing.

Kung makikita lang ni Menggay, hindi pampublikong sementeryo na may mga "apartment" o kaya ay basta sementeryo na mga mga nitso ang paglilibingan sa nanay niya. Maging ang mga nakipaglibing na sakay ng mga inarkilang pampasaherong jeep ay namangha sa nakita nila.

Dahil isang magandang memorial park ang magiging huling hantungan ng nanay ni Menggay.

Ilang minuto pa at kinailangan na niyang magpaalam sa ina. Pinangako niya sa sarili na kagabi na ang huling iyak niya. Binuhos na niya lahat. Simula ngayon, gusto niyang makita ng mga tao na kaya niya. Kakayanin niya.

"Nay, babay na. Alam mo masaya ko na malungkot. Masaya, kasi kahit paano bago ako nawalan ng paningin, nakita naman kita. Marami ngang bata diyan lumaki pero hindi naman nila nakita kahit anino ng nanay nila. Ako naalagaan mo, dinamitan, at higit sa lahat, nayakap mo. Okay na po ako doon. Masaya ako kasi marami akong baon na kuwento mo. Kapag sinasabi mo yung hitsura at kulay ng mga bagay na nakikita mo."

Malungkot po ako kasi mamimiss ko ang boses mo saka yung pag-akay mo. Wala na kong partner Nay. Pero alam ko po na may dadating din na aakay sa akin. At aakayin ko rin. Kasi sabi mo nga, hindi tayo hahayaan ng Diyos na subukin na hindi natin kaya. Kaya alam ko kaya ko 'to. Kakayanin ko 'to para sa 'yo. Pahinga ka na Nay. At pag nagkasama ulit tayo, sigurado ko nakakakita na ko. Basta tandaan mo, mahal kita. Saan man ako mapunta, tatandaan ko lahat ng tinuro mo. Magiging matapang ako. Babay na po."

Hindi man siya umiyak, wala yatang hindi basa ang mga mata sa pagkarinig sa sinabi niya.

Lalo na ang dalagang doktora na nasa tabi lang at tahimik din na pumapatak ang luha at naalala ang sariling ina na malayo sa kanya. Tama si Menggay, mas mapalad siya dahil hanggang bago mamatay, nakasama niya ang nanay niya.

Nakita niyang lumapit ang dalawang taga-DSWD na magsasama kay Menggay sa center. Lumapit siya at tumango sa mga taga-DSWD. Masyado nang malungkot ang buhay ni Menggay. Panahon na para lagyan naman ng rainbow na kulay. Rainbow na puwede niyang makita.

Halos isang linggo din niyang pinag-isipan ang gagawing ito. Napag-awayan pa nila ng boyfriend niya nang magsabi siya. Naloloko na daw ba siya. Pero habang iniisip niya, lalong nagiging desidido siya. Gagawin niya 'to dahil kaya niya. Gagawin niya 'to dahil gusto niya.

"Menggay, natatandaan mo pa boses ko?"

"Doc Ann? Tama, Doc Ann?"

Yumuko siya at hinawakan ang dalagita sa dalawang balikat. "Simula ngayon, Ate or Ate Ann na itatawag mo sa 'kin"

Biglang kinabahan si Menggay. Pero yung hindi nakakatakot na kaba. "Ano po ibig n'yong sabihin?"

"Sasama ka muna sa kanila sa center habang inaayos ko yung Adoption papers. Pag naayos ko na, sa amin ka na titira para magkasama na tayo. Gusto mo ba yon?"

The Heart Can See (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon