KANINA pa pabalik-balik ng lakad si Freida sa loob ng opisina niya habang hinihintay ang pagdating ni Renji. Inutusan niya kasi ang branch manager niya roon sa main shoppe upang mag-set ng appointment for Renji Pascual. Hindi naman porket sikat na sikat ito ay magpapakababa siya para rito. Siya pa rin ang boss at siya ang masusunod kung gusto man niyang tanggapin ito o i-cancelled ang invitation na ginawa ng branch manager niya.
Kailangan niya rin kasi itong makausap in personal due to his contract. Karapatan niya iyon dahil siya ang big boss.
Napadako ang tingin niya nang marinig ang pagkatok roon. Iniluwa niyon si Cheska, ang manager ng main branch nila kasunod si..si Renji Pascual.
“Miss Freida, here's Mr. Renji Pascual..”
Hindi na naintindihan ni Freida ang sunod na sinabi ni Cheska sapagkat nang magtama ang mga mata nila ay tila tumigil ang pag-ikot ng mundo sa pagitan nilang dalawa. Pakiramdam niya’y may sarili silang mundo.
That grayish eyes that seemed to melt her while staring at her eyes. His masculine figure. His broad shoulder that make himself so sexy. His pointed nose, his lips like it had lipstick on it.
Oh my.. what happen to you Freida? Bakit parang nag-iilusyon ka nang dahil sa lalaking iyan?
“Miss Freida?”
Bigla ay natauhan siya. Tumikhim siya. “I’m sorry. Have a seat Mr. Pascual.” Pormal na wika niya saka siya umupo sa swivel chair niya.
Honestly, hindi niya inaasahan na triple ang ka-guwapuhan nito kumpara sa magazines at TV kung saan niya ito nakikita. It’s her first time to saw him after eight years. Malaki na ang pinagbago nito. He’s totally built in. Guwapo na ito noon pa man ngunit mukha ito noong totoy kumpara ngayon na binatang-binata na ang dating.
Tahimik na umupo si Renji sa upuan sa harap ng malaki niyang table. “Hi.” Matipid na bati nito saka siya nginitian.
“Hi Mr. Pascual. So, you are accepting our companies offer. Right?” pormal na tanong niya.
“Yeah. By the way, long time no see Freida.” Nakangiting wika nito.
“It's Miss Freida. We’re not that close to call me in my name.” mataray na sagot niya.
He grins. “Is that the way you say hello to an old high school classmate?”
“It's not the topic here Mr. Pascual. Don't you remember, it's for our offer, not that kind of stuff.” patuloy siya sa pagsusungit rito. Nakakalimutan na ba nito na sinira niya ang high school life niya?
Bahagya itong tumawa. “Okay, okay. Calm down. So tell me about the contract then I will signed it.”
Ipinakita niya rito ang kontratang pinirmahan nito saka ipinaliwanag ang bawat detalye. Naging maayos naman ang pag-uusap nila dahil hindi na ito nag-singit ng mga bagay na wala namang kinalaman sa trabaho – a topic about their past.
~
“HEY Sanchoo. Nariyan ka na naman sa bar?”
Kumunot ang noo ni Renji habang kausap ang pinsan sa cellphone. He's on his way to Pink Smoky Bar – ang bar na laging tinatambayan ni Sanchoo.
Kanina'y tinawagan niya ito just to inform that Freida is still gorgeous. Yeah, funny but true. Tinawagan niya ito para lamang sabihin iyon. Kagagaling lamang niya sa Pink Chocolates main building upang kausapin si Freida at hindi niya inaasahan na lalo itong gumanda sa paningin niya.
Nang makapasok siya kanina sa opisina nito ay hindi niya maiwasang matulala rito. Hindi nga niya sigurado kung parehas silang napatitig sa isa't isa. When their eyes met, his heart suddenly beat not just a second dahil hanggang matapos silang mag-usap ay ramdam niya ang pagtibok ng puso niya.