Four

22.8K 524 12
                                    

"READY na kayo girls?"

Sumenyas lamang si Freida kay Chernin na handa na siya. Kababa lamang niya sa kotse niya. Halos magkasunod lamang sila ni Eris na dumating roon sa tagpuan kung saan sila sasakay ng private helicopter na pag-aari ng pamilya ni Chernin.

"Nakaka-excite naman! We're going to an island. Isn't it great Freida? Siguradong mag-e-enjoy ka ro'n." Ani Eris.

"What? Ako lang? Hindi ba't lahat tayo?" Nakakunot-noong tanong niya.

Inakbayan ni Chernin si Eris. "Oo naman. Heto nga oh, may mga maleta na rin kami. Let's go?" Yaya nito.

"Handa na ba kayo? Chernin, sure kang iyang shoulder bag mo lang ang dadalhin mo? It's vacation." Puna niya rito.

"A-Ah. N-Nasa helicopter na. Oo! Nasa helicopter na iyong gamit ko. He-he!" She noticed how Chernin being so uneasy.

"Okay ka lang?" Tanong niya rito. "Para kang namumutla."

"Yeah. Its just because of the weather.  Huwag mo na'kong pansinin." Nakangiting sagot nito. Ano bang problema no'n? Para itong madudumi na ewan.

"Mabuti pa, tara na." Yaya ni Eris. 

Nagpatianod na lamang siya sa mga kaibigan kahit kakaiba ang pakiramdam niya. Para kasing may something na hindi niya matumbok. Di bale, sigurado namang mag-e-enjoy siya sa maikling bakasyon na iyon.

Habang lulan ng private helicopter ay nakaramdam ng kakaibang kaba si Freida. She can't recognize that kind of feeling. Huminga na lamang siya ng malalim saka isinandal ang ulo sa headrest.

 ~

"WELCOME to Isla Fuentaberde Sir!"

Napangiti si Renji sa mga receptionist na bumati sa kaniya sa hotel ng islang iyon - ang Isla Fuentaberde. “Renji Pascual. I called here yesterday to have my reservation.”

"Okay Mr. Renji Pascual. Here's your key. Room number twenty seven." Nakangiting wika ng receptionist.

Nakapag-pa-preserve na siya roon ng kwarto bago pa siya pumunta sa islang iyon kaya nakahanda na ang susi para sa kwarto niya.

Lulan ng elevator ay hindi niya maiwasang ngumiti. He will promise to himself that his stay in that island will be memorable to him.

Room twenty-seven. He put his key into the keyhole. Pagkapasok niya sa eleganteng kwarto na iyon ay napadapa siya sa malambot na kama na may kulang itim at puting bedsheet.

Hindi niya maiwasang magbalik-tanaw kung paano niya naisipang pumunta sa islang iyon.

Pupungay-pungay ang mata ni Renji nang pagbuksan ang kung sino sa labas ng pinto ng condo niya.

He did not expect anyone kaya wala siyang ideya kung sino mang nambubulabog sa kaniya ng ganoon kaaga.

"Who the hell-.."

"Hi Renji!" Malakas na bati ng dalawang magagandang babae na nakatayo sa labas ng pinto. He knew these womans. Ang mga babaeng nagsisilbing cupids sa pagitan nila ni Freida.

"Anong kailangan ninyo!?" Nagtatakang tanong niya.

Nanatiling nakangiti ang mga ito. "We want to talk to you." Sagot ni Eris - ang babaeng kumausap sa kaniya noon sa bar na kaibigan ni Freida kung saan sinabihan siyang ‘Don’t give up to Freida’.

Nagtataka man ay pinatuloy na niya ang mga ito sa loob. They sit on his couch.

"Do you love her?"

Popular Girls : FreidaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon