ILANG oras nang nakatitig si Freida sa pagkaing nasa plato sa harapan niya. She was having her dinner alone at her condo unit.
Hindi kasi maalis sa isip niya ang nangyaring pictorial niya with Renji. She almost remember how he looked at her. There's a glance in his eyes while staring at her. She have to admit that he's totally cute while holding the box of pink chocolates.
Kung hindi niya siguro ito nakilala noon ay hindi malabong matuwa siya rito. The way he look at her, the way he smiled at her, hindi maikakailang nakakapanlambot ng tuhod. Sino ba namang babae ang aayaw sa isang Renji Pascual?
But in her case, hinding-hindi niya ito magugustuhan lalo na sa tuwing naaalala niya ang high school memories niya. Hindi niya maiwasang magbalik-tanaw.
“Let us give a round of applause for Freida Olivares, Lakambini of IV-Alpha!” sigaw iyon ng adviser nila. They were practicing their routine habang hindi pa nag-uumpisa ang paligsahan. May kalahating oras pa kasi silang natitira para mag-ensayo.
Si Freida ang panlaban bilang lakambini ng klase nila habang ang kaklaseng si Jeremy naman ang lalabang lakan. Sasayaw kasi sila ng ballroom at excited na si Freida dahil gustung-gusto niya ang suot niya. Hindi masyadong revealing pero malakas ang dating. Pinagpuyatan at pinaghirapan iyong tahiin ng ina niya.
Lumabas siya ng dressing area upang ipakita sa mga kaklase ang kaniyang suot ngunit sa sobrang pagkadismaya niya ay napabalik siya sa dressing room. “Anong nangyari sa damit ko? Bakit punit-punit? Sinong gumawa nito?” Naiiyak na sabi niya sa sarili.
“Freida, ayos ka lang?” nag-aalalang tanong ni Jeremy, ang partner siya.
“Sa tingin ko hindi na ako makakasayaw, sira na ang damit ko. Wala na ring oras para makahanap pa ng damit. Isa pa, parang nawalan na ako ng gana pang sumayaw, pinaghirapan ‘to ni Mama tapos masisira lang ng ganoon kadali?” nagsimula na siyang umiyak.
“Freida nakita ko si Renji kanina na galing dito. May hawak pa nga siyang gunting. Hindi ko lang naisip na may balak pala siyang sirain ang damit mo.” Sumbong ng isa niyang kaklase na si Marie.
Bigla ay nag-init ang dugo niya. Wala na ba talagang magawang matino ang lalaking iyon?
Tumayo siya saka lumabas ng dressing area. Pinahid niya ang kaniyang luha saka iginala ang paningin sa loob ng classroom. There he is. Renji laughing with his friends.
Sinugod niya ito. Inihagis niya rito ang damit niya. “Ngayong nasira mo na ang damit ko, masaya ka na? Ha? Wala ka na talagang nagawang matino ‘no? Okay lang sanang i-bully mo ako araw-araw pero sana naman ginawa mong excempted ang araw na ito! Pinaghirapan iyan ng Mama ko tapos ay sisirain mo lang? Wala ka talagang puso Renji Pascual!” impit na sigaw niya.
Halatang gulat na gulat ito sa ginawa niya. Magsasalita na sana ito pero inunahan na niya ito. “Magsaya ka na! Kinasusuklaman kita Renji Pascual!” aniya saka tumakbo palayo.
Hindi na namalayan ni Freida ang malayang paglandas ng luha sa mga pisngi niya. Hindi pa rin kasi niya maunawaan kung bakit ganoon kalupit sa kaniya sa Renji nang mga panahong iyon. Nasasaktan siya sa tuwing maaalala ang mga araw na gumagawa ito ng bagay na ikaiinis niya. Bakit hindi na lang silang maging kaibigan?
Natatandaan pa niyang ito lamang ang bukod-tanging lalaking hindi niya pinapansin sa klase nila. Nahihiya kasi siya. She had a crush on him way back on high school kaya hindi niya kayang makipaglapit rito tulad ng ginagawa niya sa iba nilang kaklase. Natatakot kasi siyang malaman nitong may crush siya rito. Pero mula nang i-bully siya nito at buwisitin siya sa araw-araw ay nawala ang paghanga niya rito. Pulos hinanakit ang nararamdaman niya para rito.