Six

21.3K 522 13
                                    

TILA magnet ang mga labi ni Renji na dumikit sa labi ni Freida. Gustuhin man niyang itulak ito ay hindi niya magawa dahil tina-traydor siya ng sarili niyang katawan. She admit, she like the way he kissed her.

Tila may kuryenteng dumadaloy sa buong sistema niya. Parang gustong kumawala ang init na lumulukob sa katawan niya.

Nagulat siya sa ginawa nito pero na-gets na rin niya na gusto nitong ilayo siya sa lalaking nangungulit sa kaniya. He even pretend that he’s her boyfriend. Naiinis siya sa sarili, sa halip kasi na mainis ay parang natuwa pa siya sa ginawa nito. Umaasang sana’y totoo iyon at hindi pagpapanggap lamang.

What did she say? Umaasa siya na sana ay totoo iyon? What the hell. She didn't say that. She didn't say that! Sigaw niya sa isip.

"I'm sorry." Ani Renji nang maghiwalay ang mga labi nila.

Daig pa niya ang pinudpod ng blush on sa buong mukha dahil ramdam niya ang pag-iinit niyon.

Anong gagawin niya? She can't even look at him. "I-It's okay. I understand. By the way thank you for that. Kung hindi dahil sa ginawa mo, siguradong kinukulit pa rin ako ng lalaking iyon." Aniya habang nakatungo.

Malapit nang mapunit ang oversized shirt na nasa kamay niya sa higpit ng pagkakahawak niya roon.

"Let's swim? Kalimutan na lang natin ang nangyari. Isipin mo na lang na emergency kaya nagawa ko iyon. Again I'm sorry."

Naiilang man ay sumunod na siya rito sa paglusong sa tubig. Malamig ang tubig sa dagat. Malinis ang ilalim niyon. Purong buhangin at walang nakakapa ang mga paa niya ng anumang bagay tulad ng mga bato o anupaman.

Nagpatuloy siya sa paglakad sa gitna ng tubig hanggang marating niya ang lebel ng tubig na hanggang leeg niya. She have no fear in ocean pero hindi siya marunong maglangoy. Kaya nga doon lamang siya tumitigil sa lebel na nakalutang pa ang ulo niya.

Tumingin siya sa paligid. Kumunot ang noo niya ng mapansing wala si Renji. Teka? Hindi ba't nasa unahan niya ito? Bakit hindi na niya napansin ang biglang pagkawala nito? Ahh.. Baka umahon na. Aniya sa sarili.

Sumalok siya ng tubig gamit ang dalawang kamay saka inihilamos sa mukha. Ang sarap ng pakiramdam na naroon siya at nagbabakasyon. Kahit may asungot. Singit ng sarili niyang isip.

Ilulubog na sana niya ang ulo niya upang ilublob iyon ng walang anu-ano'y may humawak sa bewang niya. Natigagal siya ng makita si Renji na lumitaw ang ulo. Seryoso ang mukha nito habang tinititigan siya. He still holding her waist. The next thing she knew, magkahinang na ang kanilang mga labi.

Hindi niya inaasahan ang atakeng iyon ngunit tila nagustuhan naman niya ang ginagawa nito. She opened her mouth for him to deepen his kiss. Gusto niya itong pigilan ngunit humihiyaw ang isip niya na hayaan ito. She could feel his tongue towards her mouth.  Tila uhaw na uhaw ito dahilan upang mas lumalim pa ang paghalik nito sa kaniya. Daig pa nito ang hindi nakainom ng tubig ng isang linggo sa sobrang uhaw.

She responded. Nagugustuhan niya ang sensasyong hatid ng halik nito. It was like, there are spell on his kisses to make her respond to him.

"I love you." He whispered between their kisses.

Hindi niya alam kung dapat na ba siyang maniwala rito. Ramdam niya sa bawat paggalaw ng labi nito na may nararamdaman itong espesyal para sa kaniya pero pilit ding isinisigaw ng kabilang isip niya na imposibleng mangyari iyon. Yeah. It was impossible.  Wala itong ninais kung hindi ang i-bully siya. Hindi na niya alam ang iisipin. Ano ba ang dapat niyang pakinggan? Ang isip niya na nagsasabing huwag siyang maniwala? O ang puso niya na isinisigaw na totoo ang sinasabi nito?

Popular Girls : FreidaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon