Seven

21K 475 4
                                    

“GIRL!!! I’m so kilig to the bones.”

Kumunot ang noo ni Freida sa pagtiling iyon ni Eris. Naroon sila sa Pink Smoky Bar. “What did you say?”

“Sabi ko, kinikilig ako kaya mabuti pa, tara sa labas!” anito saka siya hinila palabas ng bar.

Hindi inaasahan ni Freida ang makikita niya. Si Renji, holding a microphone. May kasama itong apat na lalaki kabilang ang pinsang si Sanchoo who’s started to play his guitar. Ang dalawang lalaki pa ay may hawak na banner na may nakasulat na “Freida, I’m willing to wait. I love you.” At ang isang lalaki naman ay may hawak na malaking bouquet ng pink tulips.

How romantic he is. She’s speechless. Nang makabalik sila sa Manila from Isla Fuentaberde ay dalawang araw din itong hindi nagparamdam. Lumuwag na ang pakiramdam niya pagkatapos nilang magka-ayos. And she thought that all he said to her was all a lie. Hindi naman kasi ito nagparamdam pa after that pagkatapos ay heto at may surpresa pala ang kumag na lalaking ito?

He started humming. Napangiti siya rito na diretsong nakatingin sa mga mata niya. Naramdaman rin niya ang presensiya ng mga kaibigan sa tabi niya. Ang ilang taong papasok sana ng bar ay napatigil rin doon sa labas dahil sa eksena ni Renji.

“When I look into your eyes. It's like watching the night sky. Or a beautiful sunrise. Well, there's so much they hold. And just like them old stars. I see that you've come so far. To be right where you are. How old is your soul?”

Lumapit ito sa harapan niya habang patuloy sa pagkanta. “Well, I won't give up on us. Even if the skies get rough. I'm giving you all my love. I'm still looking up. And when you're needing your space. To do some navigating. I'll be here patiently waiting. To see what you find.”

“'Cause even the stars they burn. Some even fall to the earth. We've got a lot to learn. God knows we're worth it. No, I won't give up.”

Nang matapos ito sa pagkanta ay may kung ano itong dinukot mula sa bulsa ng pantalon nito. Natutop niya ang bibig ng buksan nito ang kahon ng isang silver na kwintas na may pink chocolate pendant.

Sinimulan itong isuot ni Renji sa kaniya. Hinayaan lamang niya ito. Hindi siya killjoy para ayawan ang bagay na nakapag-pangiti sa kaniya for instance. “This is the sign of my love for you Freida. I told you, I'm willing to wait and I won’t give up on you.”

She smiled. Hindi magkamayaw ang hiyawan at tilian ng ilang taong nakasaksi ng ginawa ni Renji. Pati ang mga kaibigan niya ay kilig na kilig.

“B-Bakit mo ‘to ginagawa?”

“Tinatanong pa ba iyan? Hindi ba obvious? How many times do I need to tell you that I love you. I always do.” Anito saka siya kinintalan ng halik sa pisngi.

Lalong lumakas ang hiyawan roon. Bahagya niya itong hinampas sa balikat. “Ano ka ba? Huwag ka ngang PDA.” Aniya.

“Sorry, hindi ko mapigilan.” Napakamot ito sa ulo.

Natawa na lamang siya. “Thank you. I really appreciate this Renji.”

“Hindi pa ito ang huli Freida. There are lot of things I can do for you.”

“Fine. It’s up to you!” nakangiting sagot niya habang hawak-hawak ang pendant ng kuwintas na ibinigay nito na ngayon ay nakasabit na sa leeg niya.

“Freida. I love you.” Mahinang usal nito.

She look at his eyes and smiled. “Thank you Renji.”

Hindi pa niya alam kung may nararamdaman na ba talaga siyang mahal niya ito. Ang alam niya lang ay may espesyal siyang nararamdaman para rito. Hindi naman porket nagtapat na ito sa kaniya na mahal siya nito ay magiging magkasintahan na sila. Unfair iyon. Mas pabor siya kung magiging kasintahan niya ito hindi dahil mahal siya nito kung hindi dahil mahal nila ang isa’t isa.

Popular Girls : FreidaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon