Eight

19.4K 413 4
                                    

“I JUST don't understand. Why you're running from a good man baby. Why you wanna turn your back on loveWhy you've already given up. See I know you've been hurt before. But I swear I'll give you so much more. I swear I'll never let you down. Cause I swear it's you that I adore. And I can't help myself babe. Cause I think about you constantly and my heart gets no rest over you.”

Hahawakan ni Freida ang dalawang pisngi niya nang marinig ang sigawan at tilian ng mga empleyado niya pati na rin ang mga bata. Inilibot niya ang tingin niya at napansin niyang lahat ay nakatutok lamang sa pagkanta ni Renji.

“You can call me selfish. But all I want is your love. You can call me hopeless. Cause I'm hopelessly in love. You can call me unperfect. But who's perfect? Tell me what do I gotta do. To prove that I'm the only one for you. What's wrong with being selfish?”

Hindi magkamayaw ang sigawan nang matapos ang kanta ni Renji. Like before, ganoon pa rin ang bilis ng pagtibok ng puso niya dahil sa ginawa ni Renji. Kung may sakit siya sa puso ay baka kanina pa siya inatake dahil sa kilig at tuwa. She appreciated everything that Renji did for her. Kakaiba ito. Kakaiba talaga.

“Girl, ang bongga talaga ng suitor mo!” bulong sa kaniya ni Eris.

Bumaba si Renji mula sa truck na hawak-hawak pa din ang mikropono nito. “Do you like it Freida?” tanong nito habang papalapit sa kaniya.

Sasagot na sana siya nang magsigawan ang mga bata. “She loves you na!”

Nagulat siya sa isinigaw ng mga ito. Siguradong tinuruan ang mga iyon nina Chernin na nakatayo na malapit sa mga bata.

“Totoo ba iyong sinabi ng mga bata? You loves me na daw?” Nagpa-tweetums pa ito pagkasabi niyon.

“Ano ka ba naman. Ang hilig mo talaga gumawa ng ganitong surprise.”

“Basta para sa'yo Freida.”

“At iyong pick-up lines mo.” tinuro niya ang banner na nakakabit sa truck. “Ang korni mo!” natatawang saad niya.

“Pero mahal na mahal ka ng korning 'to!”

Lalong lumakas ang tiliin roon dahil sa sinabi ni Renji. Siya man ay hindi na napigilan ang sariling mayakap ito. Sa anumang kadahilanan ay hindi niya alam. What important is, masaya siya. He can always make her happy. Walang palya, walang mintis.

“Whoa! So..it means na sinasagot mo na'ko?” ani Renji nang kumalas siya sa pagkakayap rito na pinipigilang ngumiti ng malapad.

Tumango siya. Ayaw na niyang mag-pretend. No more buts! Basta alam niyang pasasayahin siya nito, gora na! Hindi na siya magpapatumpik-tumpik pa! Kara-karaka.

“Whoaa! Whoa! Sinagot na'ko ni Freida. Can you here that guys? Sinagot na niya ko! Yes!” tuwang-tuwang sigaw ni Renji habang naglululundag.

Niyakap siya nito. “I love you.”

She took a deep breath then smiled. “I love you too Renji. Thanks for always making me happy..”

Renji released her and claimed her lips. Wala siyang nagawa kung hindi ang tugunin ito. Kailanman ay hindi siya magsasawang halikan ito. She like the feeling being kissed by Renji.

 ~

“HOW ARE you honey?”

Ang kakaibang saya ni Renji ay mabilis napalitan ng pagka-irita ng masilayan ang mukha ng huling babaeng gugustuhin niyang makita pagkabukas niya ng pinto ng unit niya.

Popular Girls : FreidaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon