Five

23.1K 531 15
                                    

MALULUTONG na tawa ang pinakawalan ni Renji nang makita ang huling reaksiyon ni Freida bago ito pumasok sa kwarto nito.

Halatang-halata sa mukha nito ang pagkagulat nang makita siya. Kung alam lang nito na pakana ng mga kaibigan nito ang lahat ng iyon.

Now he knows it he's turn para magpa-impress rito. He will do anything to get her.

Pumasok na siya sa kwarto niya saka nagpalit ng damit. Kinuha niya ang isang piraso ng pink tulips na nakapatong sa side table saka lumabas ng kwarto niya.

He press the doorbell on Freida's suite. Agad naman iyong bumukas. “Hi beautiful!” magiliw na bati niya rito.

“Get out!” malakas na sigaw nito kasunod ang malakas na paghampas ng pintuan.

Nice move Renji. Pinagsarahan ka agad ng pinto. Natawa siya sa naisip.

Hindi niya inaasahan ng biglang bumukas muli ang pinto nito. “May kinalaman ba ang mga kaibigan ko rito?” inis na tanong nito. Namumula na ang pisngi nito sa galit ngunit cute pa din itong tingnan.

Umiling siya. “Wala. It was just a coincidence. Kahapon pa ako narito. May nag-recommend lamang sa'kin na pumunta rito bago simulan ang new prioject ko. Masyado na raw kasi akong stressed...stressed sa'yo.” natatawang sabi niya. Natututo na siyang magsinungaling. Ayaw din anman niyang sumama ang tingin ni Freida sa mga kaibigan nito. Malaki pa ang utang na loob niya sa mga ito dahil kung hindi sa mga iyon ay siguradong hindi niya makakasama si Freida sa islang iyon.

“Im not making jokes with you Mr. Pascual. If that's the case, fine!” muli nitong sinara ang pintuan.

Jeez! Mukhang mahihirapan siyang paamuin si Freida. Di bale, gagawa siya ng paraan.

~

NAGISING si Freida sa mainit na sikat ng araw na tumatagos mula sa terrace sa suite niya.

Hindi niya namalayang nakatulog pala siya pagkatapos sirain ni Renji ang araw niya. Natatandaan niyang bago siya nakatulog ay galing ito roon sa suite niya upang buwisitin na naman siya. Nahagip pa ng tingin niya ang hawak nitong pink tulips. Ano bang gustong mangyari ng lalaking iyon?

Inayos niya ang sarili saka lumabas ng suite niya. Nararamdaman na kasi niya ang mga nagrereklamong alaga niya sa tiyan niya. Nagwawala na ang mga ito na wari'y sumisigaw ng 'food! food!'.

Bumaba siya sa restaurant sa baba. Kakain siya ng maraming marami. Magpapakasaya siya. Ayaw niyang magmukhang alone.

“Good Afternoon ma'am!” bati ng waitress roon. “Ilan po sila?”

“I'm alone.” aniya saka nito itinuro ang pandalawahang mesa roon sa may sulok. Common sense naman sana. Bakit kaya gano'n ang mga Pilipino, iyong tipong common sense na lang pero magtatanong pa din. Tanungin ba naman siya kung ilan siya? Hindi ba obvious? Malamang isa lang. Unless may nakita itong mga kaluluwa na kasama niya.

Naglakad siya papunta sa mesa sa sulok. Naiinis pa rin siya dahil mag-isa lang siya. Marami-rami na ring kumakain roon at wala siyang nakikitang mag-isa. Lahat ay may kasama.

"Mind if I join you?” napatingin siya sa may-ari ng baritonong boses na iyon.

Napatunghay siya mula sa pagkakatingin sa hawak na menu. “Oh! Napakarami namang bakante pero gusto mo pa ring makisiksik rito. Nakakahiya naman sa'yo?” sarkastikong saad niya sa lalaking laging sumisira ng araw niya.

“Napansin ko kasi na sa lahat ng kumakain rito, ikaw lang ang walang kasama. In short, alone.” may pang-aasar sa tono ng boses nito. Idiniin pa nito ang salitang 'alone'.

Popular Girls : FreidaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon