(chapter 15)

159 3 0
                                    

~~~~~3rd person's POV~~~~~

nakita ni Blue si Irene sa may dalampasigan. lalapitan na sana nya ito pero naunahan sya ni Geraldine. umupo ito sa tabi ni Irene, nilapitan nya ito. pero bago pa man sya makalapit ng tuluyan sa dalawa ay narinig nyang nagsimulang mag usap sina Irene at Geraldine. kaya nakinig lang sya. pumunta sya sa di kalayuan yung maririnig nya ang pag uusap ng dalawa.

narinig nya lahat ng pag uusap ng dalawa.

~~~~~Vincent's PoV~~~~~

hindi to totoo.

hindi totoo lahat ng narinig ko.

hindi sya si Andrea!!!

hindi totoong nagkaroon ng relasyon ang mama nya at papa ko.

hindi totoong nagsinungaling sya saakin.

HINDI!!!!

hindi ko na kayang pigilan ang luhang gustong dumaloy sa mga mata ko.

ang sakit. ang sakit sakit!!!

panong nangyare lahat to??,?!

naguguluhan ako.

gulong gulo.

tumakbo na ako. hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. basta ang alam ko lang gusto ko lumayo sakanila. gusto ko munang lumayo sakanya.

sumakay ako sa sasakyan ko. papaandarin ko na sana ito ng makita ko silang papalapit. kaya hinintay ko nalang sila.

ng makasakay na sila ay agad ko ng pinaandar ang sasakyan at hindi kumikibo. tahimik lang kaming tatlo. malayo pa ang byahe namin. hindi ko alam kung paano ko matatagalan na kasama silang dalawa. sa isang iglap pakiramdam ko bumalik nanaman ako sa dati. bumalik nanaman ako sa pagiging cold at madaling mairita.

*******

umaga na kami nakarating sa manila. hinatid ko sa bahay nila si Geraldine. ngayon dalawa nalang kami ni Irene. pero tulog sya. hininto ko ang sasakyan. at tinitigan sya. oo masakit. masakit sakin lahat ng nalaman ko. at hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman para sakanya. pero may gusto muna akong malaman.

ng makarating kami sa bahay. binuhat ko sya at inihiga sa kama nya. at umalis rin ako agad.

************

_"Ma" tawag ko sakanya pag ka bukas nya sa pintuan. halatang nagulat sya sa pag dating ko.

"MY GOSH!! ANG BABBY KO ANDITO NA!!! buti dumalaw ka. alam mo bang miss na miss ka na ni mammy. san ka ba nagpunta? alam mo namang kagagaling mo lang sa hospital tapos kung san san ka na nagpupunta." tuloy tuloy lang nyang sabi. seryoso lang akong nakatingin sakanya.

"sandali pumasok ka muna at tatawagin ko ang daddy mo. I'm sure matutuwa yong nandito ka"

"no ma. please. ikaw lang ang gusto kong makita. at makausap. may gusto akong malaman."

My Girlfriend Is A GHOST (30 DAYS with HER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon