“alam mo paglaki ko, gusto ko magkaroon ng multong kaibigan” nakangiting sabi ng batang si Blue kay Andrea ang Bestfriend nya.
“huh? Hahahaha! Nakakatawa ka naman eh... pano ka magkakaroon ng kaibigang multo? Tsaka nakakatakot kaya yun” sabi naman ni Andrea
8 years old palamang sila at nasa grade 2 , parehas sila ng school na pinapasukan at lagi silang magkasama, parehas din sila ng subdivision na tinitirahan kaya madalas sila magkita at magkasama, kahit saan magpunta ang isa ay dapat kasama ang isa, maliban na lamang kung family gathering.
“hindi no. Nagkwento si mommy sakin one time. Sabi nya, hindi naman daw nakakatakot ang mga ghost eh. They want justice lang daw kaya sila nagpapakita. Tsaka there are kinds of ghost” pagpapaliwanag ni Blue
“kind of ghost? Anu-ano?” nakapout na tanong ni Andrea
“hindi ko pa alam eh, ireresearch ko pa” sagot ni blue
“sige, tapos sabihin mo sakin.” ^__^*
“akala ko ba nakakatakot sila?”
“oo nga! Pero basta gusto ko malaman, para pag naging ghost ako, alam ko kung ano ano ung mga uri ng ghost na makakasama ko” nakangiting sabi ni Andrea
“sige na nga. Basta bibigyan mo ako ng tsokalate eh” sabi ni Blue.
Masayang naglalaro ang dalawang bata sa playground sa bahay nina Andrea ng napansin ng batang si Blue na namumutla si Andrea at dumudugo ang ilong
“ANDREA! YOU’RE NOSE IS BLEEDING!!” at agad nyang nilapitan ang kaibigan, pag tayo ni Andrea ay bigla syang bumagsak at nawalan ng malay.
“TITA!!! HELP!” tawag ni Blue sa mommy ni Andrea
Agad agad dinala si Andrea sa Hospital, hindi na pinasama si Blue kahit gustong gusto nyang samahan ang kaibigan nya. Sobrang nag aalala sya para sa kalagayan ng Best friend nya.
“mommy, gusto ko pong puntahan si Andrea” sabi nya habang umiiyak.
“hindi pwede Blue, bawal ang bata sa Hospital, don’t worry about her she will be fine” at niyakap nya ang kanyang anak.
Alam ng mommy ni Blue kung gano kahalaga si Andrea para kay Blue. Nag iisang anak si Blue at wala syang ibang Kaibigan at Kalaro kundi si Andrea lang, ayaw nyang makipag kaibigan sa iba.
Ilang araw ding namalage si Andrea sa Hospital, sobrang miss na miss na sya ni Blue.
Ng nalaman nyang nakauwi na si Andrea ay agad syang pumunta doon para bisitahin ang Kaibigan.
“tita, pwede ko po bang makita si Andrea?”
“yes of course, pero wag mo muna syang lalaruin huh, she needs to rest pa kasi, bawal syang mapagod” sabi ng mommy ni Andrea
“opo! I promise, kakamustahin ko lang po sya” masayang sabi ni Blue, nasasabik na syang makita ang Kaibigan.
Aakyat na sana sya sa kwarto ng kaibigan ng muli syang tawagin ng mommy ni Andrea
“Blue, may sasabihin pala ako”
“ano po iyon tita?” tanong nya
“next week aalis kami papuntang America with Andrea, ipapagamot namin sya doon, and doon narin kami titira”
Biglang nalunkot si Blue sa narinig at naiiyak na sya. lumuhod ang mom ni Andrea para aluin si Blue.
“don’t cry Blue, kailangan ni Andrea magpagamot at nasa America ang mga good Doctors. Don’t worry pag magaling na magaling na si Andrea, babalik kami dito. At magkakasama ulet kayo at maglalaro.”
‘talaga po tita? Sige po. Hihintayin ko po kayo. Pag malaki na po ako, mag dodoctor po ako, tapos ako nalang po ang gagamot kay Andrea at mag aalaga. Promise po mag aaral po ako ng mabuti para maging doctor, I want to be a GOOD DOCTOR” sabi ni Blue
Napaiyak ang mom ni Andrea at niyakap si Blue.
Dumating na ang araw ng alis nila Andrea patungong America. Malungkot na malunkot ang dalawa kasi magkakahiwalay na sila, at hindi alam kung kailan muli silang magkikita.
“mag iingat ka don huh. Wag ka masyadong maglalaro para gumaling ka kagad” sabi ni Blue kay Andrea
“oo, nga pala huh, yung pangako mo sakin na mag doctor ka pag laki mo. Tuparin mo huh, hindi lang para magamot mo ako. Kundi para makapag gamot ka ng maraming may sakit. Hindi hindi kita makakalimutan. I promise, babalik ako kahit anong mangyare saakin.” Umiiyak na sabi ni Andrea at nag yakap ang mag kaibigan.
Pag katapos nilang mag paalam sa isa’t isa ay umalis na sina Andrea.
Niyakap si Blue ng kanyang mommy habang umiiyak si Blue.
“mommy? Wala na akong best friend.” Malungkot na sabi ni Blue.
Simula noon ay lagi ng mag isa si blue, ayaw rin nyang makipag kaibigan sa iba. Itinuon nalamang nya ang oras sa pag aaral. Nag aaral syang mabuti para matupad Ang pangako nya sa Kaibigan.
BINABASA MO ANG
My Girlfriend Is A GHOST (30 DAYS with HER)
FantasyPwede bang mangyare na ang isang MULTO ay mainlove sa taong buhay?. O pwede bang ang BUHAY mainlove sa PATAY NA?. Pwede nga kaya mangyare ? Na ang BUHAY at PATAY magka ibigan? IMPOSIBLE DIBA? Pero sa kwento na to Hindi imposible. Hindi imposible n...