(chapter 24) last hours pt.2

177 7 3
                                    

~~~~~Vincent's POV~~~~~

hinayaan ko lang sya umiyak. nakayakap lang ako sakanya, kahit ako hindi na mapigilan ang pag iyak, pero hindi ko pinapahalata. ayokong gumawa ng kahit anong tunog na iisipin nyang umiiyak ako. ayokong makita nanaman nya akong umiiyak.this time kailangan kong maging matatag para sakanya. para sa mahal ko.

maya maya pa ay  bumitaw na sya sa pagkakayakap saakin. agad kong pinahid ang mga luhang nasa pisngi ko. at ngumiti sakanya.

ngumiti rin sya ng matamis saakin. :-) 

ok na. back to normal na ulet sya.

naglakad na ulet kami sa dalampasigan.

maya maya pa ay nag aya syang umupo. kaya umupo kami sa buhanginan.

isang buwan ko nakasama ang multong to.

noong una naiinis ako sakanya, lagi nalang nya akong iniistorbo. pati pag kain ko pinapakealaman nya. kung ano anong niluluto nya para saakin. araw araw iba ang putahe. ewan ko kung paano nya nagagawa yon.

pero ang multong ito pala ang magpapabago saakin. dati wala akong pakealam sa social life. ang gusto ko lang mag aral. school bahay lang ako noon. pero ng makasama ko sya, unti unti pala nagbabago ako.

kahit cold ang pakikitungo ko sakanya noong una, hindi sya nag sawa na kausapin ako, hindi sya nagsasawang mahalin ako.

ng dahil sa kanya, natuto akong pahalagahan ang mga tao sa paligid ko. ang parents ko, at mga pinsan ko.

siguro kung hindi ako niligtas nito baka  ngayon nilamon na ako ng mabangis na hayop na yon. at hanggang ngayon tinatawag pa rin ako ni Kirby na mr. boring. baka nasa eskwelahan làng akô at nag aaral. nagpapaka busy sa kung saan.

noong panahon na umalis sya dahil nasigawan ko sya at hindi ko alam saan sya hahanapin, doon ko napatunayan na ayoko palang mawala ang multong to sa buhay ko. dahil ang multong to. ang naging buhay ko. ang naging dahilan para mawala ang dating si VINCENT BLUE SMITH.

salamat sakanya. :-) 

kahit kailan hinding hindi ko sya makakalimutan. nakaukit na ang pangalan nya sa puso ko. at kahit kailan hindi na mabubura iyon.

noong malaman kong ang multong to na pinangalanan kong Irene na minahal ko at si Andrea na kaibigan ko ay iisa natuwa ako at the same time nalungkot.

natuwa kasi akala ko noon hindi ko na sya makikita kahit kailan, tinupad nya ang pangako nya saakin na babalik sya kahit hindi nya alam na tinupad nya yon.:-) 

malungkot kasi bakit sa ganitong pag kakataon ko sya nakita? hindi kami pwede bumuo ng isang masayang pamilya. haaaaaay... pero ang mahalaga ngayon kasama ko sya.

kasama ko ang babaeng mahal ko.

    napansin kong nakatulog na pala sya sa balikat ko.

inakbayan ko sya para alalayaan.

nakatulog sya sa kakaiyak.

**************

halos isang oras na din syang natutulog pero hinayaan ko nalang kahit medyo nangangawit na ako :-) 

may mga tumitingin saakin pero wala akong paki alam sakanila. ang mahalaga kasama q ang mahal ko.

I don't care if they think that I'm crazy, all I care is this special girl that I love.

wala akong pake alam sa iisipin nila.

naramdaman kong gumalaw sya. nagising na sya.

"n-nakatulog pala ako. sorry mahal" sabi nya. halatang antok pa sya. namumungay pa ang mga mata nya eh.

My Girlfriend Is A GHOST (30 DAYS with HER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon