(chapter 23) last hours

167 5 0
                                    

maaga kong ginising ang mahal ko. niyaya ko syang bumalik ng probinsya. :-) 

sa siquijor.

kung saan nagsimula ang lahat saamin.

kung saan nabuo ang pagkakaibigan namin.

nagkahiwalay man kami noon. pero muli kaming nagkita..

sa maling pagkakataon nga lang.

pero ang mahalaga, naging masaya ka, at naging makulay ang mundo namin ng dahil sa pagmamahal.

sa pag ibig, hindi na mahalaga kung bakit tayo nasasaktan. ang mahalaga ay kung paano tayo napapasaya ng taong mahal natin.

****************
"andito na tayo mahal"

nakangiti nyang sabi sakin.

ang haba ng byahe namin.. madaling araw na kami nakarating dito..

dumeretso kami sa lumang bahay namin, magkatabi lang naman ang mga bahay namin eh.

yung saamin may iba ng nakatira. yung kina Blue wala pa. pero may cate taker sila.

"ano po iyon? sino ang hinahanap mo iho?" tanong ng isang matandang babae.

"nanay emy? kumusta po kayo?" nakangiting bati ni Blue.

halatang nagtaka ang matanda at tinitigan ng mabuti si Blue, pilit nya sigurong inaalala kung sino ang lalakeng kausap nya.

"kilala mo ako iho? pasensya ka na. isa ka ba sa mga apo ko? hindi kita matandaan eh. pero tingin ko ay nakita na kita noon.
ayyy kay hirap talaga ng tumatanda na."

at sinapo ng matanda ang noo nya.

ngumiti lang si Blue.

"ako po ito nay. VINCENT BLUE SMITH :-) " sagot ng Blue ko.

nanlako ang mata ng matanda at halos hindi makapaniwala.

"s-smith?
V-vincent  Blue?
IKAW NA BA YAN?! AYYYYY JUSKO!! SEÑORITO!! PAG PAUMANHIN NYO NA HINDI KO KAYO NAKILALA"

AGAD na binuksan ng matanda ng maluwang ang gate at pinapasok si Blue. kaya sumunod ako.

napansin ko ang garden nila.

wala pa ring pinagbago. jaan kami madalas mag laro :-)  tuwing hapon ay nang huhuli kami ng mga paru-paro. masayang naglalaro, walang problema. para bang kami lang ang tao sa mundo. ang tanging pinoprobkema ay kung ano ang lalaruin kinabukasan.

nakakamisz maging bata.

dumeretso na sila sa loob ng bahay kaya sumunod na ako.

ang bahay nila. halatang alagang alaga dahil sa sobrang linis.

My Girlfriend Is A GHOST (30 DAYS with HER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon