Eros
Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari, lalo pa't nagawa ko pang pumasok sa kabila ng lahat. Im scarred for life. Pakiramdam ko nahipuan ako, nalabag ang pagkalalaki ko.
Hindi pa nakatulong na kaklase ko sya ngayon, kasama sa iisang room, dalawang row ang layo sa akin. Hindi ko sya magawang tignan, ayaw ko syang tignan. Hindi ko na sya ulit papapasukin sa unit ko, hindi ko na sya palalapitin sa akin. Hindi na.
"Hoy."
Tumalon ang puso ko sa lalamunan sa biglang pagtawag at pagtapik sa akin. Kung sa ibang pagkakataon lang, baka nasuntok ko pa to.
"Ano ba, Chris?!"
Natatawa syang umupo sa tabi ko. May ilang minuto pa bago mag-umpisa ang klase kaya marami pang bakanteng upuan. Si Chris ang pinaka-close ko sa mga kaklase ko. Hindi dahil marami kaming bagay na pinagkakasunduan, kundi sobrang kulit nya dati hanggang sa nakasanayan ko na lang na lagi syang nandyan. Sya yung sa isang tingin pa lang masasabi nang fuckboy, mula sa gupit hanggang sa porma. Pero malayo sya sa pagiging playboy, dahil torpe sya pagdating sa mga babae.
"Ang lalim kasi ng iniisip mo," sabi ni Chris. "Anong problema?"
Iniwas ko ang tingin sa kanya, binalik ko sa blankong whiteboard. "Wala," pagsisinungaling ko.
"Wala?" tanong nya. "Eh, seryosong seryoso ka dyan."
"Wala nga," pilit ko.
"Okay, sabi mo, eh," pagsuko ni Chris. "Ready ka na ba sa audition mamaya?" pagbabago nya ng topic.
Nawala na sa isip ko ang audition dahil sa nangyari. "Oo naman," tugon ko. "Ako pa?" Handang-handa ako para doon, pero hindi kay Zach.
Ano ba tong pinasok ko? O ang mas magandang itanong ay: Ano ba tong pinapasok ko sa buhay ko?
Hindi mangyayari ang lahat ng ito kung hindi ko sya tinulungan. Kung hindi dahil sa biglaang pagmamaganda ko ng loob, hindi ko sasapitin to.
Nakaraang tatlong linggo. . .
Bakasyon noon, ilang araw bago magpasukan para sa ikalawang semester ko sa ikalawang taon sa kolehiyo. Nakatago na ang araw, ang paligid ay iniilawan na lang ng mga poste sa gilid ng kalsada. Iyon ang unang pagkakataon na nagkaroon kami ng konkretong ugnayan.
Nanggaling ako sa bahay namin at naglalakad pabalik sa apartment nung may makasalubong na nag-aaway sa may kanto ng kalsada malapit sa tinutuluyan ko. Nagkakainitan na sila, isa laban sa apat, base sa kanilang sagutan.
Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Wala naman akong kinalaman sa kanila kaya wala akong dapat ikabahala. Nakakailang hakbang pa lang ako nung suntukin ng isa sa apat yung nag-iisang kaaway nila.
Agad naman syang nakabawi at nagpakawala rin ng isang suntok. Bago pa makaporma yung ibang kasama, sinuntok na nya rin ito. Ngunit lugi sya sa bilang. Nasapak sya ng isa at nasikmuraan naman ng isa pa. Napayuko sya, ang kamay ay nasa tyan. Muli syang napatayo nang tuwid nung hawakan ng dalawa ang kamay nya para malaya syang mabanatan ng iba pa.
BINABASA MO ANG
The Bathroom Love Affair (Published Under Pop Fiction)
Romansa† The Restroom Love Affair: The Kisser Remake † Matyagang hinihintay ni Eros ang pag-ibig habang si Zach ay desperado sa paghahanap nito. Sa pagtagpo ng kanilang landas, mapatutunayan nila na ang pag-ibig ay isang bagay na kailanman ay hindi mapagha...