Eros
"Mukha ba akong heartbreaker?" tanong ko kay Chris habang naglalakad kami papunta sa hi-way para mag-abang ng sasakyan nyang jeep pauwi. Bigla ko kasing naalala ang sinabi ni Yna paglipad ng isip ko.
Inabot na kami ng paglubog ng araw dahil sa tagal namin sa Foodtaym. Tinupad ni Chris ang pangakong libre nya lahat kaya nagpakabusog ako, iyon din ang dahilan kung bakit dahan-dahan lang ang aming paglalakad.
Tinignan nya akong mabuti. "Oo," sagot ni Chris.
"Bakit?"
"Gwapo ka kasi," tugon nya. "Matalino. Seryoso sa buhay."
"Paano naman ako naging heartbreaker nun?"
"Yan mismo," sabi ni Chris sa tonong ginamit din ni Yna kaninang sinabi sa akin na heartbreaker ako. "Dahil hindi mo alam."
"Ha?" Lalo lang akong nalito. "Linawin mo nga."
"Ganyang mga qualities ang gusto madalas ng mga kababaihan," panimula ni Chris. "Maraming nagkakagusto sayo, pero dahil sobrang tutok mo nga sa pag-aaral at seryoso sa buhay, wala ka nang panahon para mapansin sila. Kaya iyun, nasasaktan mo sila dahil wala kang ginagawa."
Napatigil ako sandali sa paglalakad. "Maraming nagkakagusto sa akin?"
Napailing si Chris. "Hindi mo lang alam, Eros. Para saan pa na yan ang pangalan mo kung wala ka namang alam sa pag-ibig?" Narating na namin ang kalsada at agad na sumenyas si Chris para sa paparating na jeep. "Dito na ako."
"Sige," tugon ko. "Salamat sa libre."
"No prob. Basta galingan mo sa pagganap kay Anselmo."
"Oo naman."
Huminto ang jeep sa harapan nya. Kinawayan nya ako bago tuluyang sumakay.
"Ingat," pahabol ko.
Sinimulan ko ang paglakad pauwi nung makaalis ang jeep ni Chris. Ilang kalye at ilang minutong lakaran ang layo ng school sa tinutuluyan ko. Makakatulong din ang paglalakad sa pagtunaw ng kinain ko.
Ang paligid ng La Trinidad College ay iba't ibang tindahan at serbisyo; computer shop, printing at photocopy service, bilihan ng school supplies at kainan mula simpleng karinderya hanggang sa mamahaling coffee shop at marami pang iba. Ngunit ang karamihan sa mga gusaling malapit ay boarding house, apartelle, hotel at kabahayan. May malapit rin na police station, fire station, ilang maliliit na klinika at hospital, at sa di kalayuan ay mall at mga corporate building.
Pagliko ko sa kalyeng palayo sa main road bigla akong nakaramdam ng kakaiba. Lumingon ako sa likod dahil sa pakiramdam na may nakatingin sa akin. Agad kong nakita si Zach, na nung mapansing nakatingin ako sa kanya ay bumili sa tindahan sa tapat nya.
Akala nya siguro hindi ko sya mapapansin. Pati na rin sa Foodtaym nandun sya. Kanina hindi man lang nya ako magawang tignan tapos ngayon sinusundan nya ako.
Nagpatuloy ako. Ilang minuto pa lang ang paglalakad ko nung maramdaman ko na naman ang pagsunod nya. Paglingon ko ulit kay Zach, dumukot sya ng cellphone at nagkunwaring abala rito habang naglalakad. Nanatili ako sa kinatatayuan ko, hinintay syang makalapit.
Tumunghay sya nung muntikan na akong mabunggo. "Eros," sabi nya, kunyari pang nagulat. "Anong problema?" puna ni Zach sa ekspresyon ko.
"Hindi mo ba talaga ako titigilan?" balik kong tanong. "Bakit mo ako sinusundan?"
BINABASA MO ANG
The Bathroom Love Affair (Published Under Pop Fiction)
Romance† The Restroom Love Affair: The Kisser Remake † Matyagang hinihintay ni Eros ang pag-ibig habang si Zach ay desperado sa paghahanap nito. Sa pagtagpo ng kanilang landas, mapatutunayan nila na ang pag-ibig ay isang bagay na kailanman ay hindi mapagha...