Chapter 17 - Seros

10.3K 432 203
                                    

Bago ang lahat, i-follow nyo muna ako sa IG: panicspen. Salamat :)

Eros

Habang kami ay nagre-rehearse, may ibang pinagkakaabalahan sa espasyo sa harap ng entablado. Ang babaeng kasama ni Direk sa pagiging hurado nung audition ay dumalo ngayon kasama ang mga mananahi na kumukuha ng sukat ng mga gaganap.

May ilang damit at iba pang accessories na nakapatong sa mga upuan. Ang ilan ay namimili doon ng mga maaaring magamit na angkop sa tema.

"Scene 16," anunsyo ni Direk. Humanda kaming mga nasa stage. "Action!"

Ang eksena ay nasa harap kami ng bahay nila Karen kung saan kami nakikituloy ni Simion. Ang tatay nyang si Tata Emong, ang kapitan ng barangay, ay kainuman namin.

"Nakita mo kamo ang diwata ng batis?" tanong ni Tata Emong.

"Hindi lang nakita," sabi ko. "Nakausap ko pa, Tata Emong. Maraming beses na. Mahal ko na nga ang Dyosa, Kapitan."

Napasinghal silang dalawa. "Wag ka nang umasa bata," sabi ng Kapitang lango na sa alak.

"Bakit naman po?" tanong ko. Mailap ang Dyosa ngunit nakikita kong may pag-asa ako.

"Bukod sa tao ka at diwata sya," sarkastikong sabi ni Simion. "Ano pa nga bang ibang dahilan?"

"Kilala mo ba si Manang Liwayway?" patukoy ni Tata Emong sa albularyo ng kanilang pamayanan. Tumango ako. "Sya ang pinakamatanda rito. At ayon sa kanyang kwento, nung bata pa sya, umibig ng mortal si Elena. Si Anselmo."

Nagmahal na sya ng tao? Kung gayon naman pala hindi na imposibleng mahalin nya rin ako.

"Mahal na mahal nila ang isa't isa," pagpapatuloy ni Tata Emong. "Unang pag-ibig ni Anselmo ang diwata, ganun din si Elena sa mortal."

Habang nakikinig sa kwento, napunta ang tingin ko kay Yna at Zach. Nabaling ang atensyon ko sa kanilang dalawa dahil sa pagliyad ni Yna dala ng sobrang tawa, napakapit pa sya kay Zach na tumatawa rin.

"Naramdaman ng buong bayan ang pagmamahalan nila," dagdag ni Tata Emong. "Naging masagana ang huli sa batis. Ang mga puno sa gubat ay luntian at hitik sa bunga. Walang nagkakasakit. Ganun sila kasaya sa isa't isa."

Sumusubok si Yna ng ilang damit na nakahanda. Kada itatapat ni Zach ang damit sa kanya ay humahalakhak silang dalawa. Ano kayang nakakatawa dun?

Ang mas nakapagtataka, bakit kapag ibang tao parang ang gaan ni Zach kasama? Ang natural ng tawa nya, hindi mukhang pinipigilan ang kilos. Pero kapag ako kabaligtaran lahat.

Naramdaman ko ang tingin sa akin ni Simion. "Anong pong nangyari?" tanong nya sa Kapitan nung hindi ako nagsalita.

Wala akong masabi. Unti-unting nawala ang liwanag ng pag-asa ko at binalot ng selos.

Edi sila na masaya sa isa't isa.

"Sabi ni Manang Liwayway, umabot iyon sa puntong handa nang talikuran ni Anselmo ang lahat para kay Elena," at bigla syang tumigil upang uminom ng lambanog.

Habang sa harapan namin, sa espasyo sa pagitan ng mga upuan, natigil na si Yna at Zach sa harutan dahil mas close na sila ngayon. Nakatalikod si Yna kay Zach, hawak ang kanyang nakaipong mahabang buhok upang malayang maisuot ni Zach ang isang kwintas.

The Bathroom Love Affair (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon