† The Restroom Love Affair: The Kisser Remake †
Matyagang hinihintay ni Eros ang pag-ibig habang si Zach ay desperado sa paghahanap nito. Sa pagtagpo ng kanilang landas, mapatutunayan nila na ang pag-ibig ay isang bagay na kailanman ay hindi mapagha...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Eros
Nagising ako sa amoy ng masarap na almusal. Tinatawag pa ako ng kama pero kailangan ko nang bumangon dahil may pasok, at natulungan ako ng nadatnan sa lamesa. Isang disenteng almusal.
"Good morning, Love," bati ni Zach mula sa kusina. May dala-dala syang dalawang tasa ng kape na linapag sa lamesa.
Namulat ko nang mabuti ang mata dahil sa tinawag nya sa akin. Wala pa akong kinakain pero puno na ang tyan ko. Hinila ko ang silya para makapwesto na sa harap ng lamesa. Naiilang ako kay Zach pero pilit ko itong linalabanan. "Love ka dyan?"
"Bakit? Love naman ang ibig sabihin ng pangalan mo, ah," balik ni Zach bago naupo. "Pinagtimpla kita ng kape." Inabot nya sa akin ang tasa, wala na akong nagawa kundi tanggapin ito. "I know you like your coffee like me: dark, bitter and too hot for you."
Kinilabutan ako. Gulung-gulo lang ako kahapon kaya hindi makapag-isip nang matino. Ngayon nagkaroon ako ng buong gabi para maintindihan ang lahat. "Zach, pwede ba?"
Agad nabura ang ngiti ni Zach. "Alam ko, Eros," iritableng sabat nya kaagad. Napunta ang tingin nya sariling kape. "Pero, please, hayaan mo ako," pakiusap ni Zach. "I'm trying to make everything right. Wag mo sana akong tanggalan kaagad ng tsansa na patunayan ang sarili ko. Hayaan mo muna akong iparamdam na mahal kita. Kung sa dulo wala pa rin, okay, titigil ako. Pero hindi ngayon."
Tama si Dan; nagseselos ako. At binugbog ako ng selos na yun nung makita silang magkasama kahapon, nakuha pa nilang ayain akong sumama sa kanila–mga walang pakiramdam. Sa pag-iisip habang naglalakad, baldado na ako pag-uwi. Nahiga na lang ako magdamag ngunit sumapit na ang gabi at lahat, hindi pa rin makatulog.
Paulit-ulit sa isip ang mga tanong kung nasaan na sila at anong ginagawa nila para abutin ng gabi. At sa pagdating ni Zach, naputol ang natitirang sipi ko ng kontrol.