Chapter 8 - Roommate

11.9K 521 226
                                    

Eros

"Patawad, Elena. Ngunit may iba na akong iniibig," bitaw ko ng linya, walang emosyon sa boses at sa mukha.

     "Ngu-ngunit paano?" Kinuha ni Yna ang mga kamay ko at tinaas sa bandang dibdib namin. Ang mata nya ay makinang buhat ng nagbabadyang luha, ang ilalim ng kanyang labi ay nanginginig sa bawat salita. "S-sabi mo'y ako lang ang iyong mamahalin. Nangako ka, Anselmo."

     Binawi ko ang kamay ko, naiwan ang kamay ni Yna na dahan-dahang tumitiklop sa kanyang dibdib. Nakakadala ang pagganap ni Yna, gusto ko syang aluin at patahanin pero hindi pwede; ako si Anselmo, ang babasag sa puso ng Dyosa. "Hindi tayo maaaring magsama. Dyosa ka at mortal lang ako at," tinuon ko ang mata sa kanya upang malinawan sya, "mahal ko na si Anita."

     Umiling-iling si Yna. "Hindi. Hindi maaari. Nangako ka." Linapat ni Yna ang palad sa pisngi ko. Binuhos ni Elena ang lahat ng natitirang pagsusumamo sa kanya. "Mahal kita."

     "Subalit may mahal na akong iba," pusong-bato kong sabi.

     At tuluyan nang pumatak ang luha ng Dyosa.

     "Cut!" ang sigaw na pumutol sa tensyon ng entablado. Nasundan ito ng palakpakan at hiyawan. "That is great!" papuri ni Direk. "Good job, Eros, Yna."

     "Thank you po," sambit ni Yna habang pinupunasan ang luha.

     "Salamat po, Direk," sabi ko. Napatingin ako sa mga nanonood sa ibaba. Marahang pumapalakpak pa rin si Chris at si Zach ay mayroong tipid na ngiti sa labi, nakahalukipkip ngunit ay isang kamay ay naka-thumbs-up.

     Ang galing nga ng ginawa ko.

     "Kung ganyan ang simula ng Mahiwagang Batis siguradong maeengganyo ang manonood na tutukan ang mga susunod na mangyayari," pagpapatuloy ni Direk. "Sige na, pahinga na muna kayo." Tinapik nya ang likod ko bago ako tuluyang makalayo. "Scene three! Mario at Simion!"

     "Sabi ko na kaya mo, eh," todo ngiting sabi ni Yna.

     Sinuklian ko ang ngiti nya. "Galing mo rin kasi."

     Walang mapagsidlan ang saya ko. Akala ko sasayangin ko na naman araw. Akala ko bibiguin ko si Zach. Lahat ng praktis namin tuwing hapon at kaba ko kanina bago magsimula ay nasuklian.

     "Ang lupit nun, Eros," bati ni Chris. "Ikaw na ikaw kapag nangre-reject ng babae."

     "Baliw. Wala namang ire-reject," natatawa kong sagot.

     "Sabi sayo mukha ka talagang heartbreaker," paggatong ni Yna.

     "Wow," sarkastiko kong tugon. "Thanks."

     Tinawanan lang nila akong dalawa.

     "Bagay kayo," patukoy ni Zach kay Yna at Chris. Natigil ang dalawa sa pagtawa, parehong biglang parang nakakain ng maasim ang mukha. "Tignan mo, oh, pareho pa ng reaksyon."

     "Tumigil ka nga," asar na sabi ni Chris. "CR lang muna ako."

     "Daig pa babae," panunuya ni Zach nung makalayo si Chris.

The Bathroom Love Affair (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon